Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ilalathala" poems
Sa tulang lalagyan ko ng sukat at tugma Sa bagong kabanata ng buhay na ilalathala Sa bagong librong babasahin at maaring isantabi ng iba Hayaan sanang ang tulang ito ang mag kuwento Kung paano ang ikaw at ako ay magkakaroon ng bago at unang pahina Maaring tawanan at magduda Dahil ang babaeng nag sulat nitong tula Ay nasaktan na Hayaang ihayag kahit bahagya Na ang salitang minahal at mahal kita Ay hindi salita ng isang bata Ngunit ipinapahayag sayo ginoo ng isang dalaga Sa bagong kuwento na sisimulan niya Humiling sa tala na ito na ang huling pahina Gusto na niyang tuldukan ang mga tauhan sa bawat kabanata Dahil ikaw na ang pinili sa huling librong susulatin niya Kaya ginoo, mahalin mo sana siya Kahit isa siyang prinsesang sinubok ng panahon at tadhana Sa Pag agos ng alon Hayaan **** sumabay ka sa indayog Dahil sa ginoong nag babasa ng tulang isinulat ko gamit ang buong puso Mamahalin kita nasa bangka ka man o naka lubog sa tubig ng panahon Isang metapora na ang ibigsabihin ay “Nasa baba ka man o taas mamahalin ka at hindi iiwan kahit kalaban ko man ang malupit na tadhana at panahon” -kabanata
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 11:56 PM UTC
Kabanata
Mga sulat kong tula Mga sukat at tugma Hindi ba tumatak sayo sinta Mga gawa kong tula? Na sa iyo lamang ilalathala Mga maririkit na salita Mga nagtutugmang salita Hindi ka ba kinilig aking sinta? Hindi ba tumatak saiyong isipan mahal kong dalaga? Mga nakaka kilig na banat Bakit parang walang tama Sa iyong isipan at puso na dun naman patungo ng mga salitang pinagisipan ng tamang sukat at tugma Nakukulangan ka ba Kailangan bang deretsuhin ko na? Okaya isigaw ko pa? Na mahal kita sinta? Walang halong biro Dahil nahulog na sayo Kaya nung iniwasan mo na ako Parang nasa burol, napakatahimik ko Para bang nagluluksa ang sarili ko Nawalan ng ngiti ang labi ko Umaasa parin na tumatak sayo Sinta ikaw lamang gagawan ng obrang ganito Dahil nakakaiba ka sa ibang mga dalaga mahal ko Kaya lahat ng itong sukat at tugma Mga obrang pinagisipan ng mahaba Kahit ayaw mo na, sayo parin ilalathala.
0
Mar 1, 2020
Mar 1, 2020 at 4:39 AM UTC
Tumatak
Sa bawat sukat at tugma Sa bawat tula kong hindi tumugma Ang tayo'y hindi dapat itinadhana Ngunit tayoy pinagtapo ni tadhana Sa bawat oras na naiisip ka Sa bawat paglinap ng tula Na sayo lang naman ilalathala Na ikaw lang laging laman ng mga masasayang tula Sinta sana makuha mo lahat ng obra Dahil walang ibang nanaising  pagbigyan nitong nilikha Kundi ikaw lang at wala ng iba alam kong huli na Ngunit ipaglalaban parin kita Sa mundong napupuno ng kalokohan Pupunuin naten ng pagmamahalan Piliin mo ako at papakita ko sayo Kung ano ang ibig sabihin ng pagiibigan Lubos akong nagpapasalamat Sobrang maraming salamat Kahit kay tadhana Dahil nakilala ko ang isang uri ng dalagang katulad mo Walang kupas Walang kulang Walang arte Kaya nung nahulog saiyo Wala akong laban sayo Hinayaan nalang mahulog sayo Dahil una palang ikaw na ang gusto. Itong mga tula Nagpapakita Nagpapatunay na mahal kita Salamat sinta, mahal kita.
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 10:42 PM UTC
Mga tula
Bagong kabanata ay nabuksan tatlong daan anim naputlimang pahina ang pupunan bawat araw ay ilalathala at susulatan maging maganda o masama man ang kalabasan Mga kalbaryo at pagsubok na kailangan pagtagumpayan Mga pagpapalang darating at kailangan nating pasalamatan Mga sakit at pighating hindi maiiwasan Ating haharapin at mararamdaman Ika'y handa na ba ngayon? Harapin ang bukas at iwan ang kahapon? Kalimutan at isara libro ng nagdaang taon Pero may mga aral ka ng nakaraan na iyong baon baon. Sa libro ng ating buhay na tayong may akda sulitin ang guhit at sulat ng ating tinta matuto sa mga karanasang mapait at maganda Bago natin bitawan ang pluma at lumagda
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 10:07 PM UTC
"Bagong Taon"
Paano ko ba ilalathala ang aking nadarama Kung sa umpisa palang alam kong hindi na tama Ipagpapatuloy pa ba ang pagsintang nais isiwalat Gayong akin ng nababatid na ito'y walang kahihinatnan Tama pa bang mahalin ka Habang ikaw naman ay may minamahal ng iba
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 9:26 AM UTC
Nagugulumihanan