"ikimkim" poems
Oo, mahal kita
Alam kong nahahalata
Oo, mahal kita
Ayoko mang ipakita
Ang hirap magkunwari
Na parang wala lang lagi
Ang hirap ikimkim
Nakatago lagi sa dilim
Bakit nga ba kasi
Hindi pa pwede
Di pa daw nasa sapat
Na edad; kaya di pa dapat
Masakit mang itago
Alam ko naman
Walang magbabago
Kung di mo man malaman
Pero sana malaman mo
Lagi, nandito lang ako
Naghihintay lamang
Na sana'y mahalin mo
May 14, 2017
May 14, 2017 at 12:34 PM UTC