Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Ja Oct 2017
“Change is the only constant thing in this world.”
‘Yan ang sabi nila
Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang
Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan
Papasok sa eskwelahan upang matuto
Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay
Mga bagay na lumiliit at lumalaki
Mga gusaling nagsisitaasan
Mga paniniwalang binabago ng panahon
At mga damdamin na noo’y binubuo tayo
Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo.
Oo, alam ko.
Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to.
Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya
Andiyan sila
Makikinig siya
Makikinig sila
Ngunit sa susunod ay wala na
Mga pangakong binitawan
Nasaan na?
Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila?
Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin
Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin
Maaring andiyan sila
Oo andiyan sila
Inuulit kong andiyan sila
Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon  walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na
Maglaho na parang bula
Na parang hindi sila nangakong parating makikinig
May dalawang klase ng pagbabago
Mga pagbabagong magpapatag sa’yo
Merong wawasakin ang buo **** pagkatao
Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili
Tatayo ka gamit ang sarili **** paa
Dahil ikaw lang meron ka
Oo. Sarili mo lang ang meron ka
Kaya ikaw, oo ikaw.
Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago
Kagaya ko
Handa ako change
Pinaghandaan ko ‘to
Tinatanggap ko
Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.
G A Lopez Oct 2019
Mahirap maglakbay
Sa mundo ng sanlibutan
'Di maiiwasang mahirapan
Ihanda pa rin ang sandata
Ika'y lumaban.

Tutuksuin ka ng sanlibutan
Ngunit hindi iyan ang dahilan
Upang pagsamba'y iwanan
Manalig ka
At ng 'di na muling maagaw pa.
Sa Kaniya mo idulog iyong mga panalangin
Ika'y tiyak na didinggin
Hinagpis mo'y papawiin
'Wag kakalimutang siya'y pasalamatan
Kung ang saya'y muli **** nakamtan

Marami mang tiisin
Hindi ka niya bibiguin
Bagkus ika'y iibigin
Magtiwala ka sa Kaniya
Mahal ka ng Ama

Kapatid, asahan **** pangako Niya'y kakamtin
'Wag kakalimutan ang tungkulin
Mahirap malunod sa baybayin
Ngunit ika'y makakaahon din
Sa tulong ng may likha sa atin.
Neerethak Calina May 2018
Kung susuko ka man
Magpaalam ka naman
Mahirap mapag-iwanan
Lalo na pag walang dahilan

Sabihin mo kung sawa ka na
Hindi yung magpapahula ka pa
Hindi ako matalinong bata
Tao lang akong nagmamaganda

Ihanda mo ako
Sa sakit na gusto
**** ilapat sa puso ko
Mahirap umasa lalo na't hindi na ako
Ihanda mo ako, mahirap masaktan
Chris Balase Mar 2018
Sana sa susunod
Ako naman ay sumaya
Sana sa muling pagtatagpo
Ng aking tadhana
Sa iyong liwanag
Ay tuluyan nang mapawi ang dilim
Na dinulot ng mapait na nakaraan.

Sana hindi na tayo
Luluha ng ganito

Sana ang sakit
Ay tuluyang magbago

Sana ang mundo ko
Ay sya ring mundo mo

At sana ang bawat gabi nati'y
Wala ng dalamhati

Pagkat nais kong ihanda
Ang langit ng aking pagsinta
Para sa iyong pagpunta
Ay makumpleto na ang iyong ligaya

Sana

Sana'y sa susunod
Hindi na tayo ang luluha
.
Kurtlopez Aug 2023
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam".

Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala.

Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na.

Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas.

Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin.

Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito.

Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon.

Kailan kaya ako magiging destinasyon?

— The End —