Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
radjapatricia
radjapatricia
17/F/Philippines I bleed words and poetry.
Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap Maaaring wala ka Maaaring iba na ang kasama mo Masaya ako ngunit hindi sa’yo Mahimbing ang iyong tulog sa kanyang piling Nakakatakot Nakakakaba Pakiramdam ko’y ‘di ko kaya Ayaw kong isipin na magkakaroon ng iba Gusto ko tayo lamang dalawa Mahal, maari bang dito nalang muna tayo? Huwag na tayong lumayo pa Hindi ko ata makakaya ‘Pag ika’y naging masaya kapiling siya Mga ngiti na noo’y ako ang dahilan Ngayo’y iba na ang pinangagalingan Mga luha **** noo’y ako ang nagaalis Sa tuwing pakiramdam mo’y ikaw ay mag-isa Sasamahan kita Pero baka sa paglipas ng araw, buwan o taon Siya ng yayakap sa’yo kapag ika’y nalulungkot Ang yayapos sa’yo kapag lumalim na ang gabi Ang babaeng babaliktadin ang iyong kalungkutan At gagawin itong ngiti Hindi ko ata kaya Mahal, hawakan mo naman ako Yakapin mo ako ngayon Maging masaya tayo sa kung anong meron Dahil mahal baka bukas iba na ang takbo ng panahon
0
Oct 24, 2017
Oct 24, 2017 at 1:50 AM UTC
Dito nalang tayo
“Change is the only constant thing in this world.” ‘Yan ang sabi nila Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan Papasok sa eskwelahan upang matuto Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay Mga bagay na lumiliit at lumalaki Mga gusaling nagsisitaasan Mga paniniwalang binabago ng panahon At mga damdamin na noo’y binubuo tayo Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo. Oo, alam ko. Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to. Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya Andiyan sila Makikinig siya Makikinig sila Ngunit sa susunod ay wala na Mga pangakong binitawan Nasaan na? Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila? Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin Maaring andiyan sila Oo andiyan sila Inuulit kong andiyan sila Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na Maglaho na parang bula Na parang hindi sila nangakong parating makikinig May dalawang klase ng pagbabago Mga pagbabagong magpapatag sa’yo Merong wawasakin ang buo **** pagkatao Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili Tatayo ka gamit ang sarili **** paa Dahil ikaw lang meron ka Oo. Sarili mo lang ang meron ka Kaya ikaw, oo ikaw. Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago Kagaya ko Handa ako change Pinaghandaan ko ‘to Tinatanggap ko Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.
0
Oct 23, 2017
Oct 23, 2017 at 3:36 AM UTC
Permanenteng Pagbabago
I knew it. I have completely lost you. I lost that one person that made me whole. I am sorry for demanding too much from you and I hope you know that I appreciate you, being honest to me. I really do. I hope you find yourself in a comfortable home surrounded by the people that loves you unconditionally. I hope you find your someone. The person that will change you for the better. I love you very much. I know that this won't be my last message and note for you but I understand myself. I am giving myself more time. More time to heal and recover. Recover from the happiness that I felt when I was with you. I need to recover because I know I will no longer have you in the way that I want to. Funny how things changed. Times flies so fast. I wasn't prepared for the ending though I know no one is... No one will be. Give me more time, okay? I will be bugging you for a little more time. Please don't hate me for that. I know that you know that it is not easy for me. It will never be easy for me... I love you. I love you very much. People don't know all of my reasons... They don't need to know. They won't understand. I love you. All of you. I love you so much. Please come back to me.
0
Dec 30, 2016
Dec 30, 2016 at 2:42 AM UTC
Come back, love.