Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ibabaon" poems
Hindi ikaw ang aking mundo. Ikaw ay parte lamang ng aking kwento. Hindi ikaw ang kalawakan. Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan. Hindi ikaw ang buwan Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan Hindi ako isang puno Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo. Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala Ay hindi maghihilom basta- basta ... Kaya ako na  ang hihinto, lalayo, Ang magsasara ng pinto. Ako na ang susunog ng tulay, Ang puputol ng nag-uugnay. Ako na ang bibitaw Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw, Ng bugso ng damdamin, Ng tukso at mga tinagong saloobin. Hindi naman maayos Ang hindi sinusubukang i-ayos. Kaya tama na nga siguro Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko. Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot, Sa puso kong puno ng takot Sa paglisan at pagbitaw Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw. Paalam na sa mga pangakong napako, Sa mga katagang "walang magbabago", Sa mga salitang binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan." Paalam na sa lumabong pagkakaibigan, Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan. Paalam na sa sakit at pait Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit. Paalam na sa labing-apat na taon. Masasakit na alaala'y aking ibabaon. Iiwan ka na sa nakaraan. Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan. Sa pagiging estranghero nagsimula, Estranghero rin akong lilisan. Ito na ang huli kong paalam. -41-
0
Jan 17, 2017
Jan 17, 2017 at 2:59 AM UTC
Ako Na Ang Magpapaalam
Patawad kung di na ako nagsasalita, Kung di na kita kinakausap pa, Ayaw ko kasing masaktan pa, Parating na kasi ang araw na lalayo kana. Patawad kung nilalayo ko na sarili ko, At kung iniiwasan ko nang mga mata mo, Mahihirapan akong kalimutan ang mga titig mo, Lalo na ang epekto sakin nito. Patawad sa paghintong alagaan ka, Mahirap kasing makasanayan pa, Hahanap-hanapin kasi kita, Sa ganitong paraan mapapadali ang limutin ka. Patawad kung pinipili kong burahin ka sa aking ala-ala, Kasi ayaw kong may pinanghahawakan pa, Sana wag mo isiping hindi ka mahalaga, Minsan lang kasi ako magmahal kaso nawawala pa. Naiintindihan ko ang rason ng iyong paglisan, At dahil dito hindi kita pinipigilan, Sana masaya ka sa iyong pupuntahan, Patawad kung ibabaon kita sa nakaraan.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:41 PM UTC
Patawad Kung ( Tagalog )
Andiyan ka na sa malayo, Sa pagtalikod ko nakikita kitang kumakaway, Ni hindi ko maisip kung paalam na, O panibagong simula para sa ating dalawa. Napakasimpleng bagay ng isang pagkaway, Na bumabagabag sa isip ko kung ano nga ba ang totoo, Magkikita bang muli kung saan tayo noon nagtagpo, O ibabaon na sa limot at ibubulong sa unan ang lahat habang nakayapos sa kumot. Dagliang sasagi sa aking isipan, Ang mga matatamis na salita na binibulong sa aking tenga, Yung sa pag tulog ko ikkwento mo sa akin kung gaano mo ko kamahal, O di kaya uulit ulitin mo kung gaano ka nagpapasalamat na ako'y iyong nakilala, Dahil binago ko ang takbo ng buhay mo, Dahil pinatunayan kong may tao pang kagaya ko, Na totoo, Na may puso, Na may pagnanasa para sa isip mo ngunit hindi sa katawan mo. Biglang magdidilim ang lahat at makikita ko ang iyong mukha, Namumula, Nanggagalaiti, Halos pumutok ang ugat sa kakasambit, Ng mga salitang napakasakit, Pero muling kakabigin ng mga bisig, Na nakasanayan ko nang sa aki'y kumikikig. Nagmimistulang saranggola, Na sa ere'y inihitya, At unti unti tinutulak palayo, At tinatangay ng hangin, Papalapit sa mga ulap at malapit ng maabot ang langit, Biglang hahatakin pabalik gamit ang lubid na nakapalupot sa aking katawan, Para saan? Para ulitin kung ano ang nakasanayan. Kaya para saan ba talaga ang iyong pagkaway? Mamaalam ka na sana, Dahil parang araw na sumisilaw sa aking mga mata. Ang sakit tingnan, Pero alam kong ikaw ang magbibigay ng init sa nanlalamig ko ng mga laman. Pero kailangan ko na sigurong kalimutan, at muling mabuhay sa mundong, Para lang sa akin, At hayaan kang maglayag, Sa karagatang ninanais mo.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 2:07 AM UTC
Saranggola

Continue reading...
42
PAALAM By: Lovely Joy / 26th October 2020 Paalam sa mga pangakong napako, Mga pangakong naglakbay na sa malayo. Sa mga katagang "walang magbabago," "At tayo hanggang dulo." Sa mga salita **** binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam sa mga nagdaang araw at buwan Pero salamat pa rin sa mga masasayang alaala na naranasan.   Paalam sa mga alaalang masasakit akin ng ibabaon Iiwan na kita sa aking nakaraan At palalayain ko na ang aking sarili sa nagdaan. Yayakapin ko na ang hinaharap at ang aking  kasalukuyan. Sa pagiging estranghero tayo nagsimula noon Kaya magpapaalam din ako na bilang estranghero ngayon. At para sa iyong malawak na kaalaman, Minahal kita, OO, at minsan naging parte ka ng aking mundo At isa kang karakter na maisusulat sa kwento ng buhay ko Yun nga lang, matatapos ang kuwento na di ka kasama hanggang dulo.
0
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 6:34 AM UTC
PAALAM (EX MAHAL)
Panibagong taon na naman, Ang gugugulin ko sa kawalan, Upang minitmihi ay makamtan, Nang magtagumpay ako sa kasalakuyan. Aking iiwan ang mapait na karanasan, Aking ibabaon sa limot ang karimlan, Aking iwawaksi sa isipan ang kalungkutan, Nang ang puso ko ay mapuno ng kasiyahan. Itutuwid ang bawat kamalian ko. Hahasain ang kakayahang mayroon ako. Isisiwalat ang kabaluktutang nasa inyo, At bibigyang linaw ang mga tanong sa aking puso. Kaya, hiling ko lamang na tayo'y magtulungan, Pigilan ang anumang namumuong pagtangis at hidwaan. Ibigin natin ang Diyos ng walang pag-aalinlangan, Nang matutunan nating mahalin ang tao sa sanlibutan.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:17 AM UTC
PAGBABAGO
Saglit lang ang ligawang nangyari. Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali. Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali, Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali. Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi, Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi. Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi, Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti. Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi, Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki, Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki, Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini. Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti, Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati? Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi, Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi. Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi. Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili. Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati. Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi. Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi, Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi, Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
Tamis ng Kahapong Pag-ibig
0118 Hindi Ka lumipas — Naalala ko noong nakaraang taon Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon. Hindi Ka lumipas — Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi — Hindi Ka pa rin lumipas At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat Na ang lahat ay walang kabuluhan Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran. Hindi Ka lumipas — Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi. Hindi Ka lumipas — Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak Walang katulad ang Iyong mga yakap, At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw. ——— Hindi Ka lumipas — Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang  ang sumalo Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko — Ayoko na Pero hindi — Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay At hindi tayo kakapusin sa oras At hindi ito isang “sandali lang.” Hindi Ka lumipas — At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman” Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas — At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw Sa susunod pang hihiranging mga araw Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat. Hindi Ka lilipas — Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan, Tanging Ikaw ang magiging bukambibig. Kahit pa hindi makakita ang mga bulag Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama. Hindi Ka lilipas — At sa bawat pagtaas ng Bandila Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa. Hindi Ka lilipas — Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula. Hindi Ka lumilipas — Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw. Maghari Ka — Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.
0
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 6:39 AM UTC
Hindi Ka Lumipas

61
Pipigilan ko Ang bulong ng tadhana At gagapusin ang tumitibok kong puso Dahil alam kong ito'y isang paghanga lamang At napupunan mo lamang ang aking kursyosidad (sa ngayon) Ipauubaya ko muna ang daluyong ng 'king damdamin Sa katahimikan, ibabaon ko ito Hihintayin kong pumanatag ang rigidon Dahil walang dahilan para ibigay sa'yo ang pagsinta Sapagkat ito ang katotohanan sa tadhana nating dal'wa.
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 2:45 AM UTC
sa'yo
Ibabaon sa limot ang inaasam Sa pagpikit ng mata'y di mapakali Ang malikot na lagyo dumikit sa kumot na pantabon Nahihiya na makita na duguan Alisan sana ng pandamdam Sa karsel masilip ang sulat Di maipalabas sa kinalalagyan Inekisan ang mga araw noong sa bilangguan Sona ng mag-uumpisang kalbaryo Nakiusap na madala ng hangin Ang Antigong pag-ibig ay kumukurap Madudulas ang babaeng di marunong makiramdam Matisod nang kanyang malaman Naaagnas nang labing-isang taon, Maghihintay hanggang sa malagutan Ibahin ang pananaw sa sanlibutan Mga bagay na nakakasiya ay ito rin ang sanhi ng paglagapak Hayaan ang oras na lumipas Maghintay sa uusbong na babala Bago dumating sa hantungan ay gumala Kailan mailadlad ang dahilan ng pananangis Sa tuwing sumisipol, sumisingit ang rekyem Kung may siruhia't kapalit sa nabasag na pangarap ay madaling ngumiti kahit na kay pait
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 7:23 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #26
Hindi ko mahanap ang tamang mga salita upang maipahayag sa iyo ang nais kong sabihin. Ngunit tila panahon na upang ilabas ko ang lahat ng hinanakit, ang mga pasakit na dinanas ko habang nasa piling mo. Noong mga panahong akin ka pa, noong mga araw na magkasama pa tayo, at noong mga sandaling may “tayo” pang umiiral. Hindi ko inasahang magbabago ka, na magsasawa ka, na iiwan mo ako, at ipagpapalit sa kanya. Pero ang hindi ko maunawaan, bakit mo nasabing ayaw mo na? Pagod ka lang ba talaga, o napagod ka na sa atin, sa sitwasyon, sa pagtatago, sa mga muntikan na tayong mabuking, o sa mga araw na may nakakita sa atin? Sino ba talaga ang nagbago— ako, ikaw, o baka tayo pareho? Bakit tila nawalan ka na ng gana? Ang mga salita mo’y naging malamig, ang mga yakap mo’y unti-unting naglaho, at ang dati **** liwanag sa mga mata’y nawala. Sa gitna ng lahat ng ito, ako’y patuloy na lumalaban, habang ikaw, unti-unting bumitaw. Paano mo nagawang balewalain ang lahat ng pinagsamahan natin? Paano mo natapos ang ugnayang binuo natin nang magkasama? Ngayon, nauunawaan ko na kung bakit mo ako iniwan: nakuha mo na ang gusto mo— sirain ako, iwan ako, pagkatapos mo akong pakinabangan. Noong araw na hinatid mo ako hanggang sa dulo ng kalsada, lumingon ako, nagbabakasakaling lilingon ka rin, tatakbo papunta sa akin, yayakapin ako, susuyuin ako na huwag kang iwan. Pero hindi na pala. Pinili **** lumayo, at sa wakas, pinili ko ring huwag nang bumalik pa. Nararamdaman ko na lang ang mga hawak mo— tila paalam na, ang mga yakap **** nanlalamig, ang mga titig **** umiiwas, hanggang sa tuluyan kang nawala. Ang mga pangako mong “mahal kita,” “ikaw lang,” at “hindi kita iiwan”— lahat pala’y kasinungalingan. Noong akin ka pa, pinanghawakan ko ang mga salitang iyon, pero ngayon, ang “ikaw at ako” ay naging bulong na lamang sa hangin, tinatangay ng nakaraan. Kung iisa tayo, bakit mo nagawang pagkaisahan ang damdamin ko? Saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? At bakit mo ako iniwang ganito? Oo, bigla kang nawala, at nagmukha akong tanga kakahanap sa iyo. Hanggang sa makita kita, nasa piling na pala ng iba. Sobrang saya mo sa kanya, ibang-iba sa tuwing ikaw ay kasama ko noon. Pinilit kong lumayo, kahit alam kong mahirap. Pinalaya kita, kahit hindi ko kaya. Ginawa ko ito para sa kapayapaan nating dalawa. Hindi na kita hahabulin. Tanggap ko na— matagal na tayong wala. Ibabaon ko sa limot ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng naging tayo. Paalam, nagmamahal pa rin, Mahal.
0
Sep 16, 2020
Sep 16, 2020 at 9:27 AM UTC
Nagmamahal, Mahal.

106
Isa. Dalawa. Tatlo. Itigil nalang natin ito. Mag isa akong naglakad palayo, nilisan ko ang ating nakasanayang tagpuan kung saan naiwan kang mag isang nakaupo at luhaan. Pasensya ka na, kailangan kong gawin ito. Kahit anong kausap mo pa sa mga tala't buwan wala nang babalik sayong mga yakap, wala ka nang mahahagkan. tama na, aking sinta. alam kong nasasaktan ka na, tahan na, tigil na. Mahal kita. Yan lang ang kaya kong isagot sa bawat tanong Mga tanong na hindi ko na masasagot, mga tanong na ibabaon mo nalang sa limot malapit na, maiintindihan mo na. Ayoko na. Ayoko nang makita ang yong mga mata matang umiiyak sa tuwing ipapakilala mo ulit ang sarili mo saakin. Ayoko na. Ayoko nang maramdaman ang iyong yakap sa tuwing hindi ko maalalang ikaw ang aking sinisinta. Ayoko na. Ayoko nang mahirapan ka, gusto na kitang maging malaya. Ipangako mo saaking mag hahanap ka ng iba. Ipangako mo saakin na sasabayan mo kong kalimutan ang ating mga ala-ala. Ipangako mo saakin na tatanggapin **** mawawala na ko sayo at ipangako mo sakin na kakalimutan mo ako. Pasensya ka na, hindi na kaya ng utak kong alalahanin ka, Pasensya ka na, pero pinapalaya na kita. Nagmamahal, Tres.
0
Apr 3, 2018
Apr 3, 2018 at 12:24 PM UTC
TRES
Sa bawat patak ng luha May bahid ng lungkot at saya Lungkot dahil tayo ay wala na Saya dahil alam kong masaya ka na Siguro ay makikita pa rin kita Sa aking panaginip at alaala Lahat ng lungkot at saya Ay nakatanim sa aking puso at isipan Ang apoy sa kandila ay aking hinipan Kasabay nito ang ating mga alaala Na balang araw ay lilisan Kasabay kong ibabaon sa lupa Ang sakit na nadarama Na hindi na mawawala Hindi pa rin matanggap iyong pagalis Nanglalamig ang aking pawis Ang mukha ko'y hindi maipinta Dahil sa ala-alang iniwan mo sinta
0
Mar 11, 2018
Mar 11, 2018 at 10:02 AM UTC
Paglisan
Mahal,  pwede ba na tayong dalawa lang? Pumunta tayo sa isang lugar na kung saan mayroon lang na ikaw at ako Gusto kong lumayo sa kung saan ako nanggaling Kung ako ay mamamalagi, mas gusto ko pang magpalibing Mahal, pwede bang hawakan mo ang aking kamay? Habang tayo ay naglalakbay Tayo ay tatakbo, tatakbo ng malayo Yung tipong hindi na alam kung saan tayo patungo Gusto ko nang lumayo Pwede ba na pumunta ako sa iyo? Yayakapin kang mahigpit habang nakapikit Ibabaon ang aking mukha, at lalong lalapit Gusto kong tumakbo papalayo sa pinanggalingan ko Kung pwede lang na samahan mo ako Ngunit napagtanto ko na hanggang pangarap lang kita Gusto kong sumaya na kasama ka Kung pwede lang talaga
0
Jan 8, 2020
Jan 8, 2020 at 9:56 AM UTC
Pwede Ba?