Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"humabi" poems
Umaapaw ang puso ko Sa pagibig na alay mo Kalakip ng aking halik Sinulid ang ibinalik Aanhin ko ang sinulid? S'an ko ito isisilid? Bakit dulo lang ang hawak? Saan ang kabilang hatak? Ano ang nais **** itakda? Ikaw ba ay may iniakda? Aanhin ang sinulid? Tastas ba aking damit? Ako ba ay magtatahi? Seda ba ang ihahabi? Magluto nga'y di ko magawa Magtahi't humabi pa kaya? Sa aking pangungulit Sagot ang iyong hirit Sa iyong winika Ako'y napayapa "Sa tatahakin ng ating pagiibigan Tyak masalimuot ating pagdaraanan Agam agam ay pawiin Pagaalala ay hawiin ....Dahil ang dulo ng sinulid AKO ang may tangan"
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:36 AM UTC
SINULID
Saglit lang ang ligawang nangyari. Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali. Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali, Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali. Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi, Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi. Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi, Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti. Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi, Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki, Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki, Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini. Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti, Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati? Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi, Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi. Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti. Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi. Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili. Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati. Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi. Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi, Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi, Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
0
Aug 24, 2017
Aug 24, 2017 at 4:49 PM UTC
Tamis ng Kahapong Pag-ibig
Ang awit ay sa mahal na **** inialay Ang pagbubuwis ng buhay Dahil sa Kanya natubos sa pagkakasala Kaya di na lilihis sa Kanyang pamamaraan, magpakailanman Tinuya ang talunan sa pagbitiw sa laban Tinabas ng kahihiyan Wala ng kaibigan Ibinitin ng nakatadhana sa kamayhan Habang nakadipa nagsalita, tanggapin ang kabiguan Kunin ang salik para kung mapukaw man ay mananatiling nulo Maraming aglahi humabi ng lampin Higaan ng peto angkin ang samut saring pintas Ang huni ay haluyhoy ng ibon na nagsusumamo sa sanga Yumuko dahil sa nahinuha tungkol sa kaligiran na ginagalawan Ipinarinig ang kanta Palawigin ang pag-inog Di malimitahan ng oras ang pagtamasa o ng dagsin sa pagtalon-talon Tila balahibong dinuyan ng hangin na umiilanglang hanggang sa magsawa
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 1:49 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #23
ano nga ba ang salitang two timer para sau. Diba once na marinig mo ang salitang two timer,maiisip mo agad.. -ah sila ung mga taong di makuntento sa isa -ung meron na pero diparin sapat para sa knila -ung di parin sila fullfilled -ung gusto nla mas maging masaya pa sila Dba ansaya nila! -sobrang saya nilang makapanakit ng iba -sobrang galing humabi ng mga pekeng pangako. Ano asan na? -aun biglang napako -diba ang hrap nun pinako na -pinako nya dahil peke Peke -pekeng mga salita mula sa mapanlinlang niyang mga labi Salita -mga salitang tumino sa utak at tumatak sa puso mo -mga salitang ngbigay inspirasyon at pag-asa para mangarap Pangarap -mga pangarap nasa isang iglap mawawasak lng pla Alam mo kung bakit? Dahil ang dating pangarap na binuo niyo noon,ay tinutupad na niya. Dba ansaya? Pero alam mo bang masakit? Bakit? -oo tinupad niya un pero hindi na ikaw ang kasama -tinupad na niya sa piling ng iba Sa piling ng iba kung saan naging mas masaya xa Dahil bakit? -ang pag ibig nya sau ay parang bucket -isang bucket ng yelo -na tumunaw ng lahat ng pinangarap niyo mga pangarap na ngayo'y pangarap na nila Masakit! Pero lagi **** tatandaan,lahat ng sakit na dinadanas mo ngaun ay siyang maging tulay at ugat upang makarating ka sa liwanag liwanag ng Diyos Diyos na naging mitsa para ilayo ka sa maling tao Na di nararapat sa busilak **** puso Busilak na puso,na makakatagpo pa ng isang taong,magmamahal sau ng totoo na siyang tutupad ng mga pangakong Minsa'y napako dahil sa maling tao. maling na tao na siyang magiging para matagpuan mo ang siyang tamang nakalaan para sayo..
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 9:03 AM UTC
Two Timer

Continue reading...
49
Ikaw, sa bawat pintig ng puso, Na gumuguhit sa mga labi At nabubuhay sa banaag ng mga ginintuang araw natin Ako, sa bawat ragasa ng damdamin Nangingilid na mga luha, binabaha ang isip sa gabing hindi mapayapa Tayo, sa bawat pagkakataon Sa gitna ng meron ay walang katiyakan Sa buhol-buhol na mga tanong,  mga sagot ay hindi makalaya Hanggang sa tuluyang sumuko at itanikala Oras, sa bawat kumpas ng iyong mga kamay Sadyang hindi nakaayon Sa takbo ng ating panahon Himig, sa bawat indak ay mananatili tayo, Magpapatuloy ang awit at tula Na humabi sa alaala ng kahapong mapangarapin Makata, sa bawat salita ay mabubuhay ka Nakaukit sa ningning ng mga tala Ang pag-asang muli ay masilayan ka.
0
Aug 29, 2019
Aug 29, 2019 at 12:00 AM UTC
Derailed