Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hiya" poems
Wala akong alam sa pag-ibig Ngunit nang ikaw ay nahagip Alam kong ikaw na 'king iniibig Binigyan **** katuparan ang panaginip Na dati'y tinatamasa lamang sa pag-idlip Wala 'kong alam sa pag-ibig Bawat hinagpis kong pinunasan ng 'yong palad Ang mga labi **** nagsilbing liwanag na hubad At kulay sa buhay kong mapanglaw Kaya nga sabi sa sarili, ikaw na nga, ikaw Wala 'kong alam sa pag-ibig Kaya hinayaan kong mabulag mga mata kong singkit Na ikaw lang ang tinatanaw, walang pakialam sa sakit Kahit pa nung araw na hindi ka na lumapit Mga taghoy ko'y pilit kong iniimpit Wala 'kong alam sa pag-ibig Kahit malabo na ang pag-iisip Pinilit kong takbuhin ang distansya natin Kahit alam kong walang makukuha ni silip Sa paghabol sa taong ayaw na sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Musmos pa nang ika'y humangos sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Dinamdam ko ang pagtulak mo sa'kin Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinanggap ko lang mga salita **** hagupit Wala 'kong alam sa pag-ibig Tinalo ng luha ko ang ulan ng bagyong mabagsik Wala 'kong alam sa pag-ibig Noon ay akala ko ikaw na ang nangyari sa'king pinakamasakit Wala 'kong alam sa pag-ibig Pinanood lang kita sa pagtakbo mo Nabingi lang ako sa mga pangako mo Marami ring oras ang inaksaya ko sa'yo At mahaba-haba rin ang nasulat kong 'to Ngayong natuto na akong tumayo sa mga paa ko, Ang punto ko lang ay napakawalang hiya mo!
0
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 8:39 AM UTC
Wala Akong Alam sa Pag-ibig
Isang republika na gawa sa pangarap, Pangarap na walang kasing sarap, Pangulo na karapatdapat sana'y mahanap, Upang pangangarap ay makita kahit isang sulyap. Pero pano natin ito magagawa kung tayo'y nakakulong, Ang nakaraan na kinulong tayo sa isang selyadong kabaong, Na hanngang ngayo'y tayo'y nakalibing, Dahil produktong banyaga'y ating laging hinihiling, May pag-asa pa ba tayong lumaya? May pag-asa pa ba tayong umiwas sa hiya? Kung lagi tayong kumokopya, Kailan pa ba tayo tunay na liligaya? Tama nga ang sinabi ni heneral Luna na "hindi natin kalaban ang amerikano o ang espanyol dahil ang tunay nating kalaban ay sarili natin", Paano tayo tatayo sa sarili nating paa kung tayo'y nagpapaalipin, Ang sugat ng kolonisayon ay ating gamutin, Wag hayaang tayo'y lamunin. Produktong pilipino'y mahalin, Hindi ang produkto ng banyaga ang tangkilikin, Sariling wika ang aralin, Hindi ang wikang tayo'y paiiyakin. Pero ang mga hiling ko'y napakahirap makamit, Dahil tayo'y isa paring yagit, At nagpapagamit, At masasabi kung tayong mga pilipino ay punit.
0
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 3:52 AM UTC
Republika Filipina
Ang patatas Ay walang kakupas-kupas Masasabi ko 'to ng walang kahiya-hiya Dahil maaari rin itong panggalingan ng enerhiya Kinakain ng walang-wala At itinuring na walang mapapala Sa buhay na punong-puno ng oportunidad Pero ito'y ginalaw ng abusador at ito'y binaliktad Ang patatas ay kayang gawing baterya Ayon sa agham at katotohanan At kapag pinagmasdan ay kaaya-aya At maaaring gawing simbolo ng kahirapan Ngunit hindi ko naman minamaliit ang mahihirap Dahil ayon nga sa agham ay ito'y isang enerhiya Di lamang para makapag-pagana ng teknolohiya Ngunit para harapin ang hinaharap
0
Dec 4, 2014
Dec 4, 2014 at 8:25 AM UTC
Ang Patatas
Maganda ka oo maganda ka Ang ganda mo parang bituin sa madilim na langit , Na natakpan ng ulap na tila ba’y hindi Mahagip Ngunit kapag ang ulap ay unti unting umalis, Para kang bituin sa sobrang ganda ikay’ nagniningning. Maganda ka.. katulad ng isang bituin sa langit Wag kang maignggit sa iba dahil ang ganda mo Hindi tulad ng iba ,Dahil para sakin ikaw ay kakaiba. Hindi ka man kaputian hindi man makinis tulad nila. Wag kang mainggit sakanila… Ang puso mo’y Puno ng Hiya takot sa sasabihin ng iba Laging humaharap sa salamin tila sinasabi sana ako nalang sya Wag **** padudahan ang sariling **** kagandahan. Mahalin mo ang iyong sarili dahil iyon walang katumbas sa tunay na kagandahan. Dahil meron kang mabuting kalooban Alagaan mo ang iyong sarili Ngumiti ka dahil deserve **** maging masaya ipakita mo ang ang maganda **** ngiti at mala siopao **** pisngi. Ngayon haharap ka sa salamin at sasabihing MAGANDA KA OO MAGANDA KA DAHIL GAWA NG DIYOS AT WAG KANANG MAINGGIT SA IBA. Isang malayang tula..  -CLN
0
May 31, 2017
May 31, 2017 at 6:45 AM UTC
Maganda Ka
Itong tula na ito ay para sayo -- hindi man magkatugma, pero gusto ko ay basahin mo ito. Hindi ko alam kung ako'y may pagasa ba sayo, dahil ako ay nalilito kung sino ba ang gusto mo. Ako ba o yung babaeng tinutukoy nila? Walang kasiguraduhan kung sino. Hindi ko maiwasang hindi umasa, hindi ko rin maiwasan na mawalan ng pagasa. Nawawalan na ako ng dahilan para umaasa pa, umasa na maging tayo. Ang hirap pag walang label, hindi mo alam kung anong meron sainyo, at katulad ng nararamdaman ko ngayon, nalilito at hindi alam ang gagawin. Gusto ko nang bumitaw, ngunit ako'y natatakot na ang puso mo ay ako ang sinisigaw balang araw. Nasa gitna ako ng "letting go" at "don't let go" hindi naman kasi tayo close at ang mahirap pa pangalan lang ang alam ko tungkol sayo. Gusto ko sanang umamin sayo, ngunit ang ikinakatakot ko ay baka ma-reject ako. Ako'y kinakabahan na may halong hiya, kaya wala akong lakas na umamin na crush kita.
0
Feb 8, 2017
Feb 8, 2017 at 12:22 AM UTC
Para sa'yo
Sutla ang iyong kutis, Ilang inches na heels iPad ang hawak Ayan pa’t naka-Rayban Kahit taglamig – Ganyan dito sa abroad Pasyal dito pasyal doon Higit sa lahat Hindi barya ang sahod. Padala sa Pinas, Lahat ay winaldas Dami pang pasakalye Datong din pala Palaman ng inyong mensahe. Aba’t bida pala si bunso Sa tropa’t sa eskwela Hindi ba’t astig? Pang-party nila’y Siya ang laging taya! Ang binata ko’y Malaki na talaga Kapapanganak lang daw Ng bespren nya Anak, tanong lang ba’t sa handa nila’y Ikaw ang itinoka? Ang ilaw ng tahanan Na siyang aking iniirog Sabay sa uso Nakasisilaw ang alahas Inubos ata ang bawat perlas Buti’t nakaahon pa’t Ayan, kay kumpare pa Siya’y nakakapit! At ang nararapat Na panglamang-tiyan Kulang pa pala Kanyang sinapupunan May bagong buhay Mahal, saan siya nanggaling? Puso ko’y nalurak Ako’y inahas na Pinagsamantalahan pa Akala nila’y ok lang Akala ko’y may babalikan pa Yung totoo, Lata’y hiyang-hiya na Humihikbi ito Makatikim lamang ng barya Wala na ang sahod, Awitin ko’y “Palimos.” (12/2/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:20 PM UTC
Ang Pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz: Abroad Version
Bakit wala kang kaibigan Wala ka bang maibigan? Huwag kasi ugali ang titignan Hayaang tangayin ka sa dalampasigan Malawak ang karagatan Marami kang kaibigang matatagpuan Tayo'y maglalayag hanggang katapusan Halika na't ating simulan Paa'y hayaang mabasa sa tubig Matutong ibuka ang bibig Hiya ay kayang madaig Kung ito ang iyong ibig (Sandali! mapanganib ang karagatan Walang tiyak na papupuntahan Papatayin ka ng tinatawag mo'ng kaibigan Kapag binaba mo ang iyong pananggalang Kaibigan ay di ko kailangan Nariyan lang sila pag mayroong kailangan At kung nasa bingit ka ng kabiguan Tiyak ka nilang kalilimutan Ang sumugal ay di ko na kailangan Walang lumalapit ng walang kailangan Ang lahat ay may hangganan At ang akin ay nasa sukdulan!) Tanggapin mo ang katotohanan Tulad ng isda di lahat ay mapakikinabangan Ang maliliit ay kailangan **** pakawalan Upang lumaki pa at magkalaman Mali na isisi sa iba ang kamalian Nang mga hindi tapat mo'ng kaibigan Ang bawat unos ay tumitila din naman At ang araw ay sisikat din naman
0
Feb 15, 2019
Feb 15, 2019 at 2:15 PM UTC
Karagatan
Nakakainis kasi may bago na akong mahal pero, sumasagi ka pa rin sa isip ko, walang hiya Hindi naging tayo Walang dapat na closure Pero bakit kailangan ko ng closure? Bakit nila ako pinipilit sa'yo? Bakit ko rin pa tinatanong ang sarili ko? Bakit kailangan may ganito? Walang tayo. Walang ikaw at ako. Ang meron lang, ikaw Ako Bakit gusto kitang makita? Anong gustong patunayan ng puso ko? Anong ibig sabihin n'un? Masyado bang unfair ang dalawang mahal? Pero may mas mahal Alam kong hindi ikaw ang mas
0
Nov 10, 2014
Nov 10, 2014 at 1:43 AM UTC
Walang Tayo.
Mahamot nga sampaguita ngan pula nga gumamela Amo ine an akon una nga ginhatag ha iya Samtang ginhuhulat namon an katunod han adlaw Ngan pinalalabay an kasanhi nga kahidlaw. Pamukad han santan ngan orkidyas ha dalan Umabat ak hin ka-ipa nga makuri mapug-ngan Ha akon dughan in may ada makusog nga lukso Kasing-kasing nga natago malipayon gud hin duro. Katapos hi idoy in inalpan hin kaisog Igsusumat na ha iya an pag-abat nga mabaskog Iya na ighahalad inin espesyal nga rosas Pero adton kalipay nga iya inaabat nabalyuan hin kalas. Hi iday in may ada naman ngay an iba nga pina-uswag Mga bukad nga ha iya igin hahatag in magpakaruruyag Waray sapayan an imo rosas nga pinutos Nga im gin-inantusan tikang pa han ka biyuos. Asya an bukad nga gin kuha nalaya ngan nakarag Kay ngadto han tawo nga iya minayuyo in waray kahatag Tigdaay man gud la, waray hiya pakasabot Pag-abat nga iya gindadara tigda nala nadunot. - Caryl
0
Aug 14, 2021
Aug 14, 2021 at 8:17 AM UTC
BUKAD
Mahirap ibigay ang tiwala Kung minsan na itong nabalewala Oo, alam kong nasaktan ka niya Pero tatandaan **** hindi ako siya Dahil hindi ako tanga, at hindi uto-uto Bata man ako'y alam ko ang totoo Malambing sa salita, ngunit salamin ba sa gawa Matamis ang galaw ngunit matalas ang dila Takot at hiya, di mapagkakaila At hindi masisi sa mga paniniwala Pagkat ito ang nakagawian, mulat sa sakit Kaya't malakas man sa labas ay mahina parin ang kapit Saan makikinig, kanan o kaliwa? Ubos na ang sarili, wala na sa diwa Walang patunay na magaganap Walang korteng tatanggap Isa, dalawa, tatlo Ako ba ang kinakatok mo? Mga tanong na walang sagot Sadyang daan lang ba at kalimot?
0
Oct 30, 2016
Oct 30, 2016 at 1:22 PM UTC
Second Thoughts
Sa paraang iyan nila kami pinatatahimik, pinapatay, at tinatapos. Baril ang kanilang sagot sa aming sigaw, Sigaw para sa karapatan at bayan, Bayang aming pinaglilingkuran. Hindi pa ba kayo naalarma? Na mismong makabagong bayani na ang pinapatay nila, Mga bayaning halos walang pahinga, Mapagaling lang nila tayo mula sa pandemya. Pandemyang naglabas ng baho nilang mga nasa itaas, At kanilang mga hindi pagiging patas, Mga taong lantarang lumalabag sa batas, Malaya pa rin at nakikinabang sa ating kaban. Kaban na pinagnanakawan, Bilyong utang, Na tayong simpleng mamamayan ang magbabayad, Magbabayad sa inutang na hindi naman natin napakinabangan. Ilang inosenteng buhay pa ba ang mawawala, Bago ka tumigil sa pagsuporta sa tuta ng Tsina, Sa mga tangang namamahala, Sa mga taong walang hiya. Gising mga bulag!
0
Dec 17, 2020
Dec 17, 2020 at 7:10 AM UTC
"Red-Tagged"
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu Sana sa pagdilat makalimot na ko… Isa, dalawa, tatlo Tatlong araw mula nang magkakilala tayo Hindi batid kung ano ba ang pakay mo Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo Sabi ko, "Hindi ako magpapauto." Apat, lima, anim Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako." Pito, walo, siyam Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago Biglang lumamig ang iyong pakikitungo Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo." Sampu Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo Isa lang ang tapat at naging totoo Ngunit nagbubulag-bulagan ako Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo." Gaya ng sabi ko Pagbilang ko nang sampu Sana makalimot na ako Ngunit heto pa rin ako Naniniwala sa mga matamis **** pangako Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
0
Sep 1, 2022
Sep 1, 2022 at 10:49 AM UTC
Sampu
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
Sa kasalukuyan, tayo'y magkaibigan, Sa kasalukuyan, ika'y aking hinahangaan, Sa kasalukuyan, laman ka ng isipan, Sa kasalukuyan, damdami'y nilalabanan. Sa kasalukuyan, walang tayo, Sa kasalukuyan, walang kahit ano, Sa kasalukuyan, di ito importante, Sa kasalukuyan kasi, tayo'y mga estudyanye. Sa kasalukuyan, di ko mailarawan, Itong ating pagkakaibigan, Ni hindi nga nagpapansinan, Kahit na magkasalubungan. Hahahaha, ako'y natatawa, Kahit man lang pangangamusta di ko magawa, Matapos magtapat na parang walang hiya, Hay nalang, ako'y bata pa nga.
0
Apr 8, 2017
Apr 8, 2017 at 10:58 AM UTC
Kasalukuyan
makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay wala.
0
Apr 25, 2015
Apr 25, 2015 at 7:43 AM UTC
wala (wala lang)
Tungkol saan kaya ang isusulat ko? Dito sa papel at lapis na hawak ko? Tungkol kaya ‘to sa kapaligiran ko? O sa nararamdama’t karanasan ko? Ngayon, nananatiling blangko si papel Nakasulat palang itong si letrang “L” Hayy ‘di pa naman tumutunog ‘tong si “bell” Kaya gagamitin nalang muna si “cel” At lumipas ang mahigit isang oras Napansin ko, ako’y nagsayang ng oras! Hayy nakoo! Bakit  dito  bilis mo oras?! ‘lam mo nang ayokong tumayo sa labas. Nakoo ‘yan na si teacher [insert pangalan]! Ay! Itago! Itago si “cel” bilisan! Ibalik si papel! ‘tong lapis tasahan! Para ‘di guilty mukha, boses lakasan! Ay teka’ ba’t si teacher’  dito ang ***** Parang umaapoy kanyang mga mata Biglang kinabahan na parang ‘sang bata, Hayy nakoo! Ako ata’y lagot nanaman! Nahugot agad si “cel” sa pagalapit niya At inilagay niya sa drawer ng mesa niya Itong aking nararamdaman, ‘di kaya Pawang nan’liliit’ sa labis na hiya. Kaya kasama ulit si blangkong papel Kasama narin ‘tong si tanging letra “L” Ngunit ngayo’y ang lungkot’ wala na si “cel” At saktong tumunog itong si lokong “bell”.
0
Apr 10, 2016
Apr 10, 2016 at 5:00 AM UTC
"Walang title ang tulang ito..."
putang ina ka wala bang hiya ha hayup ka? hindi kaba nahihiya sa amin ha? kami  ang dahilan kaya yumaman kang animal ka. wala kang mansion, kotse, limpak limpak  na salapi kundi dahil sa dugo't pawis namin. tapos kung tratuhin mo kami ngayon e para kaming basura hayup  ka. kailanman hindi naging sapat ang pasuweldo mo sa amin. lagi kang nakaangil pag dagdag na sahod na ang pinaguusapan. marami kang satsat marami kang dahilan kesyo nalulugi ang kumpanya at hindi kumikita. kaya pala panay ang expand ng business operation. mahilig ka pang manakot na magkakabawasan ng tao sa kumpanya kapag lumaki ang gastos dahil sa dagdag sweldo na aming hinihingi. madalas mainit pa ang ulo mo sa amin e samantalang dahil sa amin kaya ka kumikita. kung aso ang tingin mo sa amin e ano ang tawag mo sa sarili mo? edi unggoy masyado ka kasing tuso. lahat ng bagay ay nagwawakas kaya wag ka masyadong mapagmataas dahil sa oras na bumagsak ka hindi kita tutulungan sa halip tatawanan pa kita.
0
Nov 27, 2017
Nov 27, 2017 at 2:37 AM UTC
WALA KA BANG HIYA?
We know as children that you shouldn’t stare directly at the sun, “You’ll go blind!” parents say. Still, we take mischievous glances, Scared, brave. Trying to separate the perfect, lemony roundness, from the burnished halo all around. I remember standing on the front path of my Aunts house, Eagerly waiting for a solar eclipse, the pebbledash grazing my back. 4 children staring boldly through a square of tinted Perspex. It was novel. The first time I looked at you, I looked away, eyes glaring, seeing white. It was like looking at the sun, I needed the dull, brown tint. Eyes adjusted. “Hiya!” you yelled. Golden In the moments after the rain, Look at the sun, in the moist air hangs a rainbow; Red, orange, yellow, green, blue, indigo and violet. You’ve worn them all, not a colour left alone. Joseph looks on, jealous, in his dull, lifeless overcoat. You’re a solid rainbow, one that you can touch, feel, put your arms around. Laugh with, learn with, drink with, dance with, love with. A rainbow personified. For L.C
0
Aug 10, 2013
Aug 10, 2013 at 1:48 PM UTC
Rainbow
Pag mulat ng mga mata Mukha mo ang nakita Sandaling nagkatitigan Natalo, inalis aking mga mata Samantalang ika'y patuloy sa pagsulyap Hanggang sa nakababa kana pala ng bus Paglingon ko'y wala kana Lumingon sa paligid, anino mo'y di makita Ako'y nagsisi Sana ako'y ngumiti Nauna ang hiya Tuloy ika'y nawala Hindi ko alam Kung bakit ganoon aking pakiramdam Ng ika'y biglang nawala Hindi ka man lang nakilala
0
May 9, 2016
May 9, 2016 at 6:38 AM UTC
Random Guy
Deep brown eyes Windblown hair Life on wheels Never slowed me down I have a story i am willing to share If you're willing to listen Hiya I'm Jake, I'm gay and I enjoy my boyfriend. I play drums because it's weird to see a wheel chaired guy singing in the front you know. I'm good I guess. >^^< meow
0
Dec 2, 2014
Dec 2, 2014 at 9:40 PM UTC
Intro- Jake's edition
... makalipas ng daang-daang araw ikaw ay nagbalik, nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti. 'di nila mapigilang magtaka kung ano ang pasalubong dala mo sa iyong pagbisita; kung anong mga damdamin at alaala ang mahuhugot mula sa mga puso nating 'di malaman kung nagtataguan ba o naghahanapan, basta siguradong nawawala. ... ang surpresa mo kaya ay kaba? sabik? takot? hiya? hiwaga? hindi. pinunit ang balot at binuksan ang kahon. natagpuan ko ay wala. oo, wala lang. wala na pala tayong natira para sa isa't isa. baka tinangay na ng bagyo, ninakaw na ng iba, o 'di kaya'y naglaho lang talaga na parang bula. ... 'di nila mapigilang magtaka at napaisip din ako kung bakit. natagpuan ko ang sagot at ito ay ... wala.
0
Jul 28, 2015
Jul 28, 2015 at 10:29 AM UTC
Wala lang
Maaari na ba 'kong magsulat muli? Wala nang pagkakaiba ang pula at puti Sa dilim na bumabalot unti-unti Lalamunin ng dagat ang buhanginan at tatapyasin ng hangin magulo kong isipan Maghihimutok ang buwan sa araw na nagdaan na hindi ka sinuyo o kinausap man lang Aaraw na sa mga susunod pang oras Tutuyuin ang pag-agos ng ilog na marahas Walang direksyon ang kamay kong nanginginig Nagniniig, sumisikip, kumakapit sa malamig na ukit ng paghaplos ng mga mata sa larawan mo Nagtatalo, nagpupumiglas, ang hawlang banat at butas Lilimutin ko ang kapayapaan ng iyong mga labi na walang sinambit na salitang ihahabi Ang oras na hinintay upang masabi na darating din ang huli at takipsilim Babalutin ka't kakanlungin sa aking lambing Hindi ka na mag-iisa't lalasapin ang ligaya Katulad **** nalulumbay mag-isa ako dito sa'king hukay Hawakan mo naman ako sa aking pagkakahimlay Sa bituin **** kumikislap ako'y natatangay Nawawalan ng malay kumakaway sa ngiti Nawawala ang pighati't lumalaya ang mga berso Kumakawag sa lalim ng karagatang inilimlim Ako sa hangin na para bang inakay na naghihintay Naghihintay pa rin at nalulumbay kung wala ka Para bang hindi nauubusan ng salita Lumalamang ang hiya na kahit kailan Mayroon bang sapat upang mahalin ka't hangaan ang iyong bawat galaw Bawat perpeksyong hindi alintana ang mali Sa inpatuwasyon ng pagkabulag ko Hindi nakita ang pagbagsak ng luha ng tuhod ng balikat sa kaba Sa isang iglap naglaho ka na akala ko ba Ako ang nang-iwan sa ginaw kong aba
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 10:33 AM UTC
Dilim

35
Plunk your Magic Twanger years ago when I was a tike back when I could barely even ride my bike there was this silly show I loved and had to see on Saturday mornings just for kids they showed short films and had funny skits so weird it seemed they were just talking to me films about this kid they called the Jungle Boy he rode on an elephant and brought me great joy always tracking down men doing evil things then there was always this special guest a doctor, a scientist, someone who impressed who would try to demo and explain their special skills but is was to no avail along came the gremlin with water spritzer and pail and on the poor speaker he would make it rain he was called Froggy the Gremlin a puppet at best he'd dance like a clown and stick out his chest and he was always introduced with this silly chant plunk your magic twanger froggy, oh my dear and boing in a puff of smoke he would appear and bedlam would ensue he'd go off in a rant Hiya kids, Hiya, he'd always say as he danced on the edge of my seat, I was so entranced what kind of stunt would he now try to pull squirt the guest with his seltzer bottle he was so bad the guest would run away, run away so wet and mad the gremlin always kept his bottle full zany comedy, mindless laughter every week couldn't wait to see who would be the next weeks geek so innocent then so full of vigor and vim there is another part to this story someday I will tell later on in high school before the first morning's bell Froggy is still alive, no cant forget him Gomer LePoet...
0
Nov 1, 2013
Nov 1, 2013 at 7:41 AM UTC
Plunk your Magic Twanger

*Hiya! You wanna hurt Mistah J? Sorry bozo but you'll have to go through me first You'll never lay a finger on him My name? Not tellin' ya until you play my game If ya win, then I'll tell you If ya lose, lets say that there's going to be a mess Mistah J is my puddin' You wont ruin his fun Not while I'm around Sorry if I spoiled your fun Guess you lost, but I'll tell you my name My name is Harley Quinn*
0
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 2:04 PM UTC
Harley Quinn (Gotham Villian Based Series)
‘Hiya baby, I’m sorry I was a ******** I don’t mean to make excuses but I’ve been so tired lately’, With a tear in his eye that was what he had said, Praying it was enough for her to forgive him greatly, But she didn’t want to be hurt anymore, With head against his shoulder, caring. She said her mind was at ****** war, A fight that she was finding so unbaring, His heart, in pieces, on the floor shattered, Unable to love himself he found all his happiness in her. She was the only thing that mattered.
0
May 27, 2018
May 27, 2018 at 6:58 PM UTC
Hiya Baby, I'm Sorry I Was A ********