Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hihila" poems
Nakakatawa isipin na sinubukan natin mangahas sa maiksing oras, tumaya sa natatanaw na dulo, at maniwala sa pangitain ng bukas. Pero, Mahal, hahayaan ko na ang mundo at pagbibigyan itong manalo. Bulsa ang sagot sa mga tanong na walang katiyakan kung saan aabot. Kabilang ang mga gusot na sa panaginip na lang maitutuwid. Sa panaginip, sa tabi mo gigising. Sa paggising, ibubulong na lang ang hiling. Dahil kahit ulit-ulit natin ang lahat, baliktarin man ang aking unan, sagutin man ang mga natitirang palaisipan, at kahit manatili man saglit, hindi magdadalawang-isip na dayain tayo ng langit. Ngunit, kung sakaling malinlang ko ang taas magsisimula muli ta'yo sa bagong espasyo na ta'yong dalawa lamang ang huhulma ng bukas. Kung saan walang pwersang hihila. Kung saan, Mahal, katabi ka paggising tuwing umaga.
0
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 11:31 PM UTC
Dinaya ng Langit
110221 Bakit nga ba pilit nating sinusugatan ang ating mga kamay? At hinahayaan nating ang ating dugo'y masayang Sa pagluha nito, hanggang sa maubusan na rin tayo ng hininga. Ikinukubli pa rin nating ang ating mga sarili Sa garapon ng ating pagkataong Kailanma'y walang ibang magbubukas ng sagradong pintuan Kundi tayo't tayo pa rin naman. At paulit-ulit tayong humihinga sa ilalim ng makakapal na ulap At sabay na lalanghap ng umuusok na pangambang Ibinalot sa apoy na lagim ang tanging ipinupunla Sa ating mga pusong wala pa noong kamalay-malay. Tinutukso tayo ng mga sitwasyon upang tayo'y magpaubaya At magpa-anod na lamang sa mga kumunoy na hihila sa atin pababa. Ang ating mga halakhakan noong kabataan Ay mga pangarap na sabay na iginuhit sa buhanginan Ay tuluyan nang binura ng dagat na tila walang pakiramdam. Gustuhin man nating umahon nang sabay Ay kailangan may isa sa ating unang bumitaw at unang umahon. Hindi na nga natin kayang sumabay sa isa't isa Ngunit sana'y ang nasa unahan, Siya rin ang unang mag-abot ng kanyang kamay Para sa isang nalulunod pa. Napapagod ako ngunit matapang kong hinaharap Ang mga pagkakataon bagamat wala akong kasiguraduhan. At sana sa panahong panatag na ang mga pusong Naligaw sa sariling mga pasya't pangarap Ay masilayan nating muli ang pagtahan ng mga matang Buong buhay na lumuluha't nanlilimos ng pagpapatawad.
0
Nov 2, 2021
Nov 2, 2021 at 12:01 AM UTC
Palimos ng Patawad