Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hagdanan" poems
*ako wa kahibaw unsa'y pulos ko aning kalibutan nag hinuktok ug nag tungkaro nalang niining hagdanan kay mahadlok mutikang ug bisan usa ka ang-ang unsaon ko man pagkab-ot sa kalampusan kung ako nagpabili'ng hadlok sa kapakyasan?*
0
Sep 2, 2015
Sep 2, 2015 at 10:32 PM UTC
Untitled
Maganda ka pa rin. Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin at pilas ang maganda **** pisngi. Maganda ka pa rin. Kahit hirap na kitang makilala. Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin. Maganda ka pa rin, aking asawa. Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin, mahal kong asawa. Bigla ko tuloy naaalala, noong hindi pa tayo magkakilala. Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo. Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner. Parang stalker. Tinitignan kita. Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime. Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig, At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA. Pero, mahal na kasama, ngayong gabi, ibig sana kitang sarilinin. Tayo lang sana ng mga anak natin. Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin? Pwede bang dito ka muna sa amin? Oo, alam ko, di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado. Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama. Kaya't kasama nila, bubuhayin ko ang iyong alaala. Bubuhayin namin ang iyong mga alaala. Ang huling araw na ikaw ay nakasama. Ang huling text message na iyong pinadala. Ang iyong mga aral at mga hamon. At batid naming lahat saan ka man naroroon. Tiyak namin san ka man naroroon. Tumatawa ka nang malakas, tinatawanan mo ang mga ungas. Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila. Nabigo silang ika'y patahimikin. Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain. Akala nila nagwakas, Pero tumutupok pa rin ang sinindihan **** ningas. At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas. I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 1:00 PM UTC
Maganda Ka Pa Rin, Kasama

Continue reading...
43
#101915 Alam kong sayo ang sakay Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo Nang minsang inabanga'y Nakaligtaang arkelado pala. Nag-abang ako, Pumara ng iba Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta. Ibang kalsada, Naglakad akong muli Oo, mas napagod May paltos at kalyo ang mga paa Sana'y naghintay na lang ako sayo Kahit walang kasiguraduhang Magbabalik para paangkasin. Bukas makalawa, Sa panahong hindi mala-Cinderella, Daraan kang muli Hihinto kahit di parahin, Aalukin akong sumakay Pagkat naihatid mo na ang iba. Ako marahil ang huling pasahero Bagkus alam kong may bakanteng silya Silyang inilaan at palaging pinapagpagan Nang hindi maalikabuka't Maihanda sa oras na nakalaan. Sasakay ako nang dahan-dahan, Hindi gaya ng dating may pagmamadali, Titingnan kong maigi ang hagdanan Nang hindi ako matalisod At may mahawakan. Sasakay akong may panibagong pag-asa Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan Marahil hihintong muli ang sasakyan Bagkus totoo nga't Makabababa na sa tamang hantungan.
0
Nov 24, 2015
Nov 24, 2015 at 12:42 AM UTC
Magbabalik sa Abangan
Magandang gabi kamahalan Dito sa aking kinatatayuan sa baba ng labindalawang palapag ng hagdanan, Ikaw ang pinaka paborito kong pagmasdan, Saan man ang iyong pinagmulan, ikaw man ay lulan ng barkong hindi pangkaraniwan, hindi ko ikakaila na ikaw ang pinakamakinang sa lahat ng bituin sa kalangitan. Ikaw ang eba at ako ang adan ng makabagong kapaligiran Hayaan **** tuksuhin tayo ng berdeng kalikasan, Akitin ng mga huni ng ibon tungo sa sarili nating kaharian. Handa akong panagutan ang ating pag iibigan, hahamakin ang lahat maibigay lang ang iyong inaasam gagawin kong mundo ang dapat tao lang, baliin natin ang daan lumiko man tayo pakanan marating lang ang kabundukan patungo sa ating tutuluyan, Ikaw ang magsisilbing kanlungan, sa nakaraang minsang pinagdalamhatian. Ikaw ang magsisilbing lagusan, sa mga pintuang tinalikuran at pinaglaruan. Ikaw ang magsisilbing unan sa gabi ng kabilugan ng buwan. gagawin kong bintana ang iyong mga mata, tatahakin ang dilim, hinagpis, pagkapiit, itatakas kita.. itatakas kita sa mundong hindi lang ikaw ang bida, sasagipin kita sa paglubog ng barkong papaalis na, hahanapin kita, sisirin ko man ang kumunoy, languyin man ang lalim ng panaghoy.. hahanapin kita,... hanggang sa tayong dalawa nalang ang matira, sa mundong hindi ako mabubuhay kasama ka.
0
Oct 30, 2017
Oct 30, 2017 at 4:17 AM UTC
Prinsesa
Pintuan palang malalaman mo na, Na ito ang bahay ng mahirap na pamilya, May nakasulat pa sa itaas na "Welcome to Miano Family" at " God bless our home". Mga katagang matagal ng iniukit ng panahon, Pag pasok mo ay sasalubong agad sayo, Ang mga mga kagamitan na bigay, Mga gamit na pinagsawaan na ng kapit bahay, Mga Tv, relos, at orasan na di na umaandar, Sa iyong unang hakbang iyong maaapakan, Ang mga lumang tarpaulin na ginawang floormat, Upang takpan ang madumi at maputik na sahig, Lingon ka sa kanan, At makikita mo ang gawa kong hagdanan, Hagdan na mayroon lang tatlong apakan, Ngunit di kelangan mabahala, Pagkat gawa ko iyan, kaya dapat magtiwala, Sa iyong pag akyat makikita agad, Ang kahon na sa laki ay sagad, Sariling gawang kahon para sa speaker at amplifier, Di sapag mamayabang pero kalahating araw ko lang tinapos iyan, Partida nga at wala pang kompletong kagamitan, Mapapansin **** ganun din ang set up sa taas, May mga tarpaulin nanaman paloob at palabas, May mga pira pirasong damit na tinahi para magsilbing kurtina at pantakip, Pantakip mula sa mga butas na ding ding, Pag lipat sa kabilang kwarto at makikita mo, Ang sahig na gawa nanaman sa kawayan, Na ginawa upang maging daanan ng hangin sa mainit na panahon, Walang masyadong kagamitan, Pero masasabi mo talagang magulo, Magulo at parang wala nang paglalagyan, Ng mga damit at mga unan na pa kalat kalat, Konting pagmamasid pa at iyong mapapansin, Ang basag naming salamin, Mga LED lights na di nagagamit pag sapit nh dilim, Mga wires na napakagulo at gutay gutay, Batterya ng motor na gamit ng ilaw pag gabi, Pag napagod kana sa taas, Bumaba ka ulit at makikita mo sa gilid ng hagdan, Ang Mga gawa sa kahoy na upuan, Tingin saglit sa taas at masdan, Pinag tagpi tagping yero na bubungan, Mga bubong na maaliwalas kapag tag.araw, Pag tag ulan naman ay nagmumukhang talon sa buhos ng tubig, Sa kusina naman tayo ay magpunta, Bubungad agad ang mga basag na baso, At mga plato't kutsarang di kumpleto, Naubos narin cguro ng tatay kong lasinggero, Sa hugasan makikita mo naman, Ang gawa sa kahoy na hugasan, Mg lalagyan ng plato at basong may sabitan, Isang hakbang pa at welcome to our lutuan, Lutuan na gaw asa lupa nq ipinatong sa yero kahoy at kawayan, Mga maiitim na na kawa at kaldero na laman, At syempre mga kahoy rin na panggatong na nakalagay naman s abandang ilalim ng lutuan, Tuwing kakain kailangan mag kanya², Pagkat pag nag sabay ay tiyak na di kasya, Pagkat plato't kutsara'y kulang na, Pero ganun paman kami ay masaya. Simpleng bahay, simpleng buhay, simpleng pamumuhay 😊
0
Nov 8, 2020
Nov 8, 2020 at 2:25 AM UTC
"God bless our home"

61
Papaano nga ba maging isang mabuting ama? Pasan ang pamilya sa likod habang nakatayo sa sariling paa Naghahanapbuhay habang nakabantay sa kanila ang isang mata Di alintana ang pagod, hangad lamang paibig maipadama Maginoong lalake at may takot sa Diyos Mapagbiro, palangiti, malambing sa bawat haplos Masayahing ama kaya mas maigi ang tawanan Patunay lamang na ikaw ang haligi ng tahanan Ikaw ang ulap na tatangay kapag nabitin ang hagdanan Sa mga anak nag-gabay sa mga napili na larangan Sa kabiyak na nagpatunay na pag-ibig walang hangganan Simpleng buhay na may pag-asa, magkakapiling, nagmamahalan Written: 01/27/2010
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 3:34 AM UTC
Ama
mananatiling takam sa'yong yakap at halik paano kung pagtingin ko sa'yo ay hindi mo ibalik? puno man ng kaba ang dibdib pipilitin ko parin na pumanik sa hagdanan ng puso mo na puno ng bubog at tinik
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 6:38 PM UTC
Paano?