Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gumaling" poems
Sana sa pangalawang buhay natin ay magtagpo ulit ang ating mga landas. Hindi man tanda ang istorya ng nakaraang buhay, mas nakasisigurado naman ako na may ngiti sa labi ko kung saan man ako mapunta (for sure yan impyerno). Sana isa akong sundalo, at isa kang nurse sa gyera. Nang sa ganon, ay kahit ano pang galos o tama ay sa'yo pa rin ako magtatapos. Upang gumaling, upang maghilom ang mga sugat. At kung sakali, ako ma'y mamatay muli, alam **** ang litrato mo'y nasa aking dibdib. O sana, isa akong direktor, at isa kang manunulat. Ikukwento ang iba't ibang istorya ng pag ibig at hindi mamamalayang istorya na pala 'yon ng mga nakaraang bersyon ng ating mga buhay. O pwede rin namang sana, simple lang ang lahat. Ako'y isang magsasaka at isa kang mangingisda. Payapa ang buhay at walang balakid, di kagaya ng una nating pag-ibig. At kung ganito man ang mangyari sa mga susunod, alam **** ngingiti ako sa impyerno bago apir-an si Satanas at sabihing... nagkita kami ulit.
0
Oct 31, 2019
Oct 31, 2019 at 9:15 AM UTC
Sana
ARMAS MO'Y PANALANGIN. Bago natin hangarin ang pansarili hiling, Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling; Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin. Mataimtim na dasal ang mainam na gawin. Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain; Talikuran at wag na nating ulit-ulitin Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin; Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin. Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin; May dumating mang hadlang at ika'y sirain Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
Armas mo'y Panalangin
041921 Gusto ko nang gumaling — Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko Paulit-ulit kong panalangin. Pero naisip ko rin, Kaya ko bang gumaling nang walang gamot? Sa paghihintay kong hindi nakapila, Sa paghihintay ko sa oras kong itinakda — Sa oras ko nang pagsalang.. Gusto ko naman sanang “Magaling na ako Bago ako mag-undergo ng test.” Naisip ko, sa ganitong estado pala’y Gaya pala ito ng paghihintay Sa pagbabalik ni Hesus.. Na ang nais ko lamang Ay matagpuan Nya akong “magaling na” Sa anumang sakit at sumpang dumapo sa akin. Sa bawat pagsikat ng araw At sa bawat pagsipat ko sa bagong buhay, Ang tanging lunas pa rin Ay ang presensya Nya.. Walang ibang kasagutan Sa paghilom ng aking pagkatao Kundi Sya’t Sya pa rin naman talaga. Hindi ko naman pwedeng madalian Ang oras ko tapos hindi pala ako handa Hindi pala ako naghahanda Sa pagbabalik Nya. Yung wala pala akong ginagawa Habang naghihintay ako sa pagdating Nya. Isinasariwa ko kung ano ba dapat Ang laman ng puso ko. Dapat kasi hindi ako maligaw ng landas Lahat kasi ng “dapat” maggawa ko.. Pero hindi eh.. Gusto lang ng Panginoon Na maging totoo ako sa sarili ko, Maging totoo ako sa Kanya.. Hindi ko kailangang itago Yung mga kamalian ko sa buhay, Walang pagpapanggap.
0
Apr 30, 2021
Apr 30, 2021 at 9:55 PM UTC
Healing
Sa mundo **** puno ng ingay, Ako ay iyong pinatahimik. Sa mundo kong alanganin ang lagay, Ikaw ay hihintaying bumalik. Mananahimik, Upang gumaling.
0
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 8:59 AM UTC
Paghilom.
Ako yung pending Na nalimutan **** asikasuhin Isipin Sa dami ng iyong gagawin At dalahin Nawala sa iyong isip Dahil na din siguro ika'y makakalimutin At ang iyong isip ay lumilipad sa hangin At sa sakit Na di mo pa kayang burahin Pero ako yung pending Na nandito pa din Na mananatili Sa iyong tabi Parang aninong Bubuntot buntot Na 'di ka hahayaang mag-isa Sa dilim man ay iyong kasama Paglingon mo, ako ay tatawa Makaguhit man lang kahit papaano ng ngiti sa iyong mukha Kahit na ako yung pending Na di ko alam kung kailan mo balak gawin Kung gagawin nga ba o buburahin Na nakatawa man ay may kirot pa din Na tumatagas pag ikaw ay 'di nakatingin Hahaha heto na naman akong martir Pero ayos lang hihintayin kitang gumaling Mananatili hanggat hindi papaalisin Sarili mo muna ang iyong mahalin At saka na ako isipin
0
Jun 4, 2019
Jun 4, 2019 at 8:54 PM UTC
Pending

Nov 6, 2019
Nov 6, 2019 at 3:27 AM UTC
Pending