"gapos" poems
Hindi ikaw ang aking mundo.
Ikaw ay parte lamang ng aking kwento.
Hindi ikaw ang kalawakan.
Ikaw, tayo, kahit pagkakaibigan ay may hangganan.
Hindi ikaw ang buwan
Na nagbibigay liwanag sa aking karimlan
Hindi ako isang puno
Na aasa, mananatili, at maghihintay na mapansin mo.
Ang mga sugat na dulot ng ating mga sala
Ay hindi maghihilom basta- basta
...
Kaya ako na ang hihinto, lalayo,
Ang magsasara ng pinto.
Ako na ang susunog ng tulay,
Ang puputol ng nag-uugnay.
Ako na ang bibitaw
Sa pagkakaibigang nasira ng pagmamahal na nag-uumapaw,
Ng bugso ng damdamin,
Ng tukso at mga tinagong saloobin.
Hindi naman maayos
Ang hindi sinusubukang i-ayos.
Kaya tama na nga siguro
Ito na ang dulo ng kayang tanggapin ng puso ko.
Paalam na sa mga tanong na kailanma'y hindi na masasagot,
Sa puso kong puno ng takot
Sa paglisan at pagbitaw
Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw.
Paalam na sa mga pangakong napako,
Sa mga katagang "walang magbabago",
Sa mga salitang binitawan
Ngunit hindi mo napanindigan.
Paalam na sa titulong "matalik na magkaibigan."
Paalam na sa lumabong pagkakaibigan,
Sa mga hinanakit at hindi pagkakaintindihan.
Paalam na sa sakit at pait
Na dala ng pag-ibig na hindi maaaring ipilit.
Paalam na sa labing-apat na taon.
Masasakit na alaala'y aking ibabaon.
Iiwan ka na sa nakaraan.
Papalayain ang sarili sa gapos ng nagdaan.
Sa pagiging estranghero nagsimula,
Estranghero rin akong lilisan.
Ito na ang huli kong paalam.
-41-
Jan 17, 2017
Jan 17, 2017 at 2:59 AM UTC
Itaas ang iyong noong aliwalas,
Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad;
Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag
Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas.
Ikaw ay bumaba, O katalinuhan,
Mga puso namin ay nangaghihintay;
Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y
Ilipad mo roon sa kaitaasan.
Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw
Na ang silahis ng dunong at sining;
Kilos, Kabataan, at iyong lagutin,
Ang gapos ng iyong diwa at damdamin.
Masdan mo ang putong na nakasisilaw,
Sa gitna ng dilim ay dakilang alay,
Ang putong na yaon ay dakilang alay,
Sa nalulugaming iyong Inang Bayan.
O, ikaw na iyang may pakpak ng nais
At handang lumipad sa rurok ng langit,
Upang kamtan yaong matamis na himig,
Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip.
Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog,
Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot
Lunas na mabisa sa dusa't himutok
Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot.
Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay,
Sa marmol na batong tigas ay sukdulan,
At ang alaalang wagas at dalisay
Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan.
At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles,
Sinuyo sa wika ni Pebong marikit,
O sa isang putol na lonang makitid
Nagsalin ng kulay at ganda ng langit.
Hayo na ngayon dito papag-alabin mo,
Ang apoy ng iyong isip at talino,
Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo,
At ipagbansagan ang dangal ng tao.
O dakilang araw ng tuwa at galak,
Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas!
Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap,
Umakay sa iyo sa magandang palad.
Oct 13, 2014
Oct 13, 2014 at 10:15 AM UTC
Matagal - tagal na rin noong ako'y iyong iniwan
Ngunit hanggang ngayon ay umaasa pa ring mababalikan
Sino nga ba ang unang nakalimot?
Pagmamahalan ba nati'y napalitan na ng poot?
Tahanan kong nagsilbing kanlungan
Pagkahapo sayo'y naging pahingahan
Maraming salamat sa taong nagdaan
Lalaya ng muli sa gapos ng nakaraan
Feb 7, 2019
Feb 7, 2019 at 12:32 PM UTC
Maraming beses nang ako'y naging alipin
ng damdaming masidhi't napakahirap supilin;
Mga aliw ng sandaling tila salamisim,
mga sugat ng kahapong wari'y basag na salamin.
Kahit anong gawi'y hindi siya maikubli,
'pag yumakap sa puso'y parang nakatali;
Pumiglas-piglas ka ma'y wala ring magagawa,
Pagka't puso'y gapos na sa pag-ibig na dala.
Ang taglay na karikta'y sadyang mapang-akit,
Ikaw ma'y nakapikit larawan niya'y nakaukit;
At mistula iisa ang 'yong mundo't sinisinta,
Kaya't bulag sa biyaya 'pag nawala na siya.
Oh, linlang na pag-ibig bakit ba mandaraya?
Ang mahina kong puso'y hindi na pinalaya;
Sa ligaw **** pangako ng pag-ibig na totoo,
Kaylan ba matatanto ang wagas na pagsuyo?
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:33 AM UTC
Para sa ulap na di ko maabot
Para sa pasang di magamot-gamot
Para sa halik na di malilimutan
Para sa akalang hanggang akala nalang
Para sa ibong di makalipad
Para sa pangarap na di ko matupad
Para sa bukas na di ko na masilayan
Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang
Para sa bagyong di matapos-tapos
Para sa hawak na nagmumukhang gapos
Para sa panaginip na di ko mabitawan
Para sa sanang hanggang sana nalang
Oct 20, 2015
Oct 20, 2015 at 12:18 PM UTC
010717
(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.
Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.
Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.
Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.
Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.
At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.
Matulog ka na, Anak.
#010717 #SpokenWordsNiTatay
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
090716
Sa gunita na lamang ba mabubungkal ang mga nangagdaan?
Pagkat sakdal-lungkot at sisi ang mga anak Mo, Inang Bayan.
Inalipusta’t pinaslang pa, ang mumunti **** katarungan!
Maglakbay ka sa lansangang walang hanggan
Lilipad ka rin sa alapaaap at abang kalawakan.
Humiyak Ka hanggang sa rurok ng sukbo’t hinanakit
Siyang lunas na mabisa sa dusa’t himutok na pasakit.
Itaas Mo ang ang noong aliwalas,
Taglayin ang silahis ng dunong at sining;
Kumilos nang may pagbubuntong hininga’t Iyong lagutin
Ang gapos ng Iyong diwa’t kumukulog na damdamin.
Sagwil sa bawat pikit-matang kaligayahan
Ang natamasa **** pagkabalisa
Buhat sa kurtinang manlulupig ng Liwanag.
Buhay pa si Rizal at hindi Ka itatakwil
Tayo’y hihinga pa’t hahabi sa pluma’t papel.
Sep 21, 2016
Sep 21, 2016 at 6:14 AM UTC
Naglalaro tayo,
Pero hindi parang biro.
Mayroong taya,
Pero hindi alam kung sino.
At walang tayo,
Pero sana’y parehas na manalo.
Sisilip ang pusong walang pagkukunwari.
At sa tikas at dunong ng iyong pananampalataya,
Pawang gabay sa nauuhaw na sandali.
Ang baryang sentimo’y itinabi nang kusa,
Pagkat umuusbong ang pagsinta
Sa para sanang taglagas na paghinga.
Nais kong siyasatin ang maamo **** mukha
At ang pagkukumbaba’y batid kong patas at di ulila.
Iyong mga kamay, yapos silang mga uhaw
At ang tula’y binalot ng pakikipaghimagsikan.
Dukha ang pag-ibig ko,
Bagkus hindi mamamalimos.
At sa mala-larong pag-iibigan,
Magwawagi rin tayo.
Sapat na ang nalalabing mga sandali’t
Armas nati’y ibibigkis pa rin sa Langit.
Pagkat hindi lilisanin ang Harding may bukal ng pag-ibig.
Tataya ako’t hindi ka muna gigisingin
Sa himbing ng paghikbi’y, ako’y gapos ng katotohanan.
Sinta, hintay lamang; pagkat matatapos din ang laro
Gigising tayong muli’t bibihisan ng pagsuyo.
Mar 29, 2016
Mar 29, 2016 at 10:28 AM UTC
Sa t’wing sasapit ang sariwang umaga
Ang himig mo ang aming ninanais marinig
Hinihintay ang hagkan sa umaalpas na luha
Nagsusumamong mahaplos pagod na tinig
Inang Bayan, paumanhin sa aming sinapit
Bagamat nakatakas noon sa pagkakatali
Panibagong gapos ang mahigpit na pumilipit
Ngayon nga’y ang lahat ay muling nahahati
Kaya sa iyong kaarawan, maaari bang ika’y humiling?
Kaayusan ng bayan, nawa’y makamtan namin
Daop-palad, kami’y paglapitin at pagbatiin
Gulo sa bawat puso’t isipan, sana’y pawiin
Katulad ng kahapon, ang dilim ay matatapos
Bukang-liwayway ay muling masisilayan
Ganoon din sana, ang tunay na kalayaan—
Muling masisilayan.
Jun 12, 2020
Jun 12, 2020 at 7:03 AM UTC
Kapag ang pakpak ng dati **** pag-ibig ay naging gapos na.
Kapag ang langit na minsan **** nilipad ay naging kulungan na.
Mahalin mo siya sa huling pagkakataon, tapos BITAW NA.
Sep 27, 2015
Sep 27, 2015 at 8:26 PM UTC
Waring bihag na nais makawala
Sa gapos ng isang tanikala
At kahit walang mga salita
Ang tinig sa isip ay nagwawala
Ganap mo akong pinapatay
Unti-unti sa iyong mga kamay
Sa tuwing ako'y nasasanay
Sa aking ngiting hindi naman tunay
Marahil isa akong magaling na artista
Ikaw ang derektor sa pelikula
Ibibihis ang nais **** maskara
At ang puso ko ang iyong obra maestra
Hahayaan na lamang na ako ay hiramin
Waring manikang lalaruin
At kung magsawa na sa akin
Maaari mo na ba akong palayain?
-JGA
Sep 29, 2021
Sep 29, 2021 at 6:07 PM UTC
Wala nang piglas sa bakal na gapos
Gigil na pangil ‘di pigil pagyapos
Poot ay lubusan kong natatalos
Kahit patuloy paring minumulto
Ng anino ng pumariwarang pagkatao
Huwag pong ikukubli mahabaging puso
Kahit ako’y salat na sa lakas
Dahil sa mga sugat ng nakalipas
Huwag po tutulutan na tuluyang malagas
Ako’y nakikinig sa pagbasa ng sentensiya
Mga tenga’y bukas, piniringan man mga mata
Dustain man sa yamot, sa away Mo’y tiwala
Talim ng ‘yong dila sa puso tusok
Mga aral nito’y pinapapasok
Sa bulwagan ng diwang ‘di pa bulok.
-11/26/2011
(Dumarao)
*sentimental mood
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 9:33 PM UTC
sa likod ng matatamis niyang ngiti,
malungkot na dalaga'y makikita
ang mga tawang nakakarindi,
ay mga iyak na tinago niya
mga problema, kailan matatapos?
aking buhay ay wala nang kulay.
bakit parang ako'y naka-gapos?
ganito ba talaga ang buhay?
Jul 15, 2017
Jul 15, 2017 at 9:52 AM UTC
Katawang sa gapos ay nais kumawala,
Sa kasing talas ng patalim na mga salita,
Mga matang nagmumugto sa hapdi na nadarama,
Iyak na hindi maisigaw sapagkat takot ang nauuna.
Nais sumigaw, nais lumaban,
Nais ilahad ang sakit na nararamdaman,
Ngunit sariling laman at dugo ang kalaban,
Kaya bang mag wagi kung ganito ang kinalalagyan?
Gustong sumigaw, gustong kumawala,
Gustong umiyak, gustong magpakaawa,
Gustong sumabog, gustong magmura,
Gustong ilahad ang sakit na nadarama.
Balang araw sana'y makalaya,
Araw ng paglisan aking nais matamasa.
Oct 3, 2020
Oct 3, 2020 at 9:02 PM UTC
Ginku-kugos ko an ulunan nga imo gin gamit.
Samtang an mahagkot nga hangin naharumhom ha akon panit.
Nag-hihinulat ha imo pag-balik, bisan san-o, bisan diin.
Gin-gapos ha tuna han mga hinumduman nga nagpa-bilin.
Gin-tuman ko an aton saad ha ilarom han kahoy
Nga mag-huhulat ako bisan an kalibutan magubot ngan magmasamok.
Iilubon an kamingaw nga ha dughan nag-aawit
Aantuson an duro nga kasubo ngan kapait.
Ngan umabot gihap an takna nga ak' ginpamulat
An im' pag-balik ha akon kasingkasing nag-aghat
Napuno'n kalipay, pag-laum sugad hin balagun nga kumanap.
Saksi an langit, unta dire la patahap.
Ngan yana kay aanhi ka na man
Pipiriton ko pag-huring an imo ngaran
Pamad-a na an luha ha im' mata, sipat la ha ak' bayhon.
Samtang hangkop mo an ladawan ha bawbaw han akon lungon.
🍂🌻
Jun 21, 2025
Jun 21, 2025 at 4:28 AM UTC