Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mahigit pitumpu't limang porsyento
Niyurak ng matinding alon
Walang awa ang haplos
Ang yapos na nakagigimbal
Kinitil hindi lamang ang buhay
Gayundin ang hanapbuhay.

Ni hindi masisid ang perlas
Na ngayong may takip sa ibabaw
Nabibilang ang lumalangoy
Kaawa-awang gambalain
At hablutin sa laot nang walang muang
Ngunit anong siyang magiging sapit?
Kung sila'y hahayaang hindi nakagapos?
At doon sa lambat ay patitiwarakin.

Tinaguriang "No Build Zone"
Ngunit naroon nakatirik ang bawat pundasyon
Walang opsyon, pagkat ang gobyerno
Kaytagal din nang pag-aksyon.

Mula sa libu-libong tirahan sa Tent City
Sila'y lilisan patungong Bunk House
Transitional Shelter kuno
Hanggang sa malipat
At magkaroon ng panibagong tirahan.

Doon sa Tacloban,
May dalawang daan at apatnapu't anim na tirahan
Bagkus ang nakalilim, apat na libong pamilya naman.

Salamat sa mga NGOs
Sa 9181 na Bunk House
Sa gobyernong dapat na kikilos
Kailan ba sisimulan ang pagbabago?

Walong libong pabahay raw ang ginagawa
167 bilyon ang budget,
Saan nga ba napunta?
Ito ba'y binulsa?

Comprehensive Rehabilitation Plan kung tinagurian
Kay bango ng ngalan
Bagkus umaalingasaw ang baho
Ang kasiraan, ang kawalan ng aksyon
Para sa bawat mamamayan.

Sa dakong Guian, Eastern Samar
Tatlong daang permanenteng pabahay raw
Ngunit ni isang pundasyon ng naturang pabahay
Tila naglaho pa rin ni Yolanda
At walang bakas na pasisimulan.

Sabi ni Pnoy, malinaw raw ang target
Pero hanggang target na mga lang ba?
Kailan ba sisimulan ang tuwid na daan?
Baka naman baku-bako na
Wala man lang pasabi sa kinauukulan.

Kung ang hustisya'y hindi matugunan
Sana ang kalamnan ng bawat biktima'y
Syang agapang mapunan
Kaawa-awa silang naghihikahos.

Ang laki ng tulong ng mga karatig-bansa
Ba't tila walang pakialam?
Kayong mga nasa trono,
Tayuan ang posisyon
At serbisyo'y gawin nang totoo.
#Pagbangon
Euphoria Apr 2019
Hiniling kong bumalik ka
Nagbabakasakaling maging tama.
Ninais kong manatili sa tabi mo,
Umasang mapansin mo rin ako.

Lumbay ng kahapon,
Nadama nang ako'y itapon
Tayo'y isang maling akala
Nagbakasakali't hiniling ko sa mga tala

Sa pagsulat ng mga titik at salita,
Nagbabakasakaling pagmamahal ay mawawala,
Pero tila hanggang ngayon
Pag-ibig ko'y sayo pa rin nakatuon.

Ayaw ko na sanang gambalain ka.
Alam ko namang ayaw mo na.
Tulad ng alon ay magpalaya,
Bakasakaling tayo'y maging maligaya.

Pagod na kong lumaban
Para sa mga taong nang-iwan.
Lugmok at luhaan,
Tulad nila'y isinantabi mo ko't sinugatan.

Sa aking pagbabakasakali
Baka sa tamang panaho'y magkitang muli
Tulad mo'y ipauubaya nalang kay tadhana
Ang pagdating ng taong magmamahal sakin ng tama.
thana evreux Dec 2020
pilit ****
iginuhit ang mga
ngiti sa aking labi
kirot at hapdi sa
puso ko'y pilit
**** ikinubli
saksi ang kwerdas
ng iyong gitara
kung pa'no ****
ako'y napasaya
sa mga musikang
liriko'y animo'y asin
sa sugat--masakit
ngunit ito'y aking
kinakaya.

saksi ang langit
kung paano mo
akong inayos at binuo
sa isang iglap
basag mo din akong
iniwan--ika'y lumayo
hindi ko man magawa
nais kong tumakbo
'pagkat puso ko'y umasa
sa pagibig ****
yun pala'y balat-kayo.

ginoo, kung ako'y
iyong sasaluhin at
pagkatapos ay
bibitawan lang rin
mabuti pang ako'y
'wag mo ng gambalain
'wag mo na ring tuksuhin
at sarili kong sugat
ay magisa kong
paghihilumin ng sa
gayon sarili ko muna ang
sisikapin kong mahalin.

—thana evreux

— The End —