"dumampi" poems
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada
Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada
Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?”
Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba”
Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin
Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain
Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw
Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw
Dagdag ko, “Magbayad na tayo”
Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo”
Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti,
(bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli”
Sa loob ng isipan koy tumutula,
Sa labas ang mga mata koy natutulala
Nabighani ng ganda at napahanga
Di ko napapansin tulo laway labas dila
Ngunit sa mukhang tila nakasimangot
Napansin ko sa mga mata’y may lungkot
Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa
Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa
Ginawa ko na ang simpleng galawan
Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan
Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan
Baka may pagasa kung sya ay liligawan
Wala man akong pera, mahalaga masaya
Wala man akong pera, basta katabi ko maganda
Wala man akong pera, basta wala akong sakit
Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit
Aking naalala, aking naalala.....
Wala pala talaga akong pera
Ni piso isa, wala sa bulsa
Pano na? Pano na?
Kaya ang ending ng love story,
Mamang tsuper I’m sorry
Pagtumigil na tong byahe,
Takbo sibat, handa na akong mag 123....
Sep 30, 2018
Sep 30, 2018 at 10:19 AM UTC
'Di ikaw ang tipo kong laro
Umayaw na kasi ako
Sinubukan ko na kasi dati
Ayon, talo lang lagi
Pero heto na naman ako
Parang tanga ang loko
'Di mapigil ang ngiti
T'wing naiisip nang ang balat mo'y dumampi
Pucha, totoo ba?
Na-SS mo nga ba?
Taena, mukhang ako'y na-stun
Ng walang kalaban-laban
Langya, GG
Hindi good game, kundi gagi
Diba humindi na tayo sa sakit?
Ano na naman 'to? Wooh bakit?
Noob na 'ko eh
Weak, walang silbi
'Pag eto sa wala na naman nauwi
Sarili ko lang pwede ko masisi
'Pag in-game
Please wag mo na ko buhatin
Aasa pa sa GM ang tanso na manok
Pa'no, marupok
Mabel, pasensya ka na
Hayaan mo, ang 2019 ay papasok na
Baka lumipas din
'Pag hindi, patay, "I have been slained."
Nov 9, 2018
Nov 9, 2018 at 3:20 AM UTC
Ang alak na ito ang magiging dahilan
kung paano kita malilimutan,
kahit sandali.
Sa alak na ito
ibubuhos ko ang bawat luha
na hindi ko na maiiyak.
Naalala ko pa
kung paano naglapat
ang mga labi natin sa isa’t isa.
Tulad ng kung pa'no
dumampi ang labi ko
sa bibig ng boteng hawak ko ngayon.
Bawat halik ay mapait
ngunit 'di kasing pait ng beer
na madalas kong inumin.
"Isa pang bote diyan!"
Meron pa bang mas malamig
sa pagtrato mo sa'kin?
Lasing na ako.
Lango na ako
sa pagmamahal ko sayo.
Nilunod ko na ang sarili sa alak,
ngunit ang puso ko
ay parang walang balak
na bumitaw sa'yo.
Mar 1, 2017
Mar 1, 2017 at 1:54 AM UTC
Ito na naman tayo.
Parehong sitwasyon,
ngunit ibang pangyayari.
Walang nakakaakala satin
na aabot ulit tayo dito.
Nagmahal ako ng babaeng
hindi na ko pwede mahalin muli
dahil sa mali ang panahon.
Saka na lang din naman
ako natauhan na
maling ito ang aking naging desisyon.
Siguro nga mali
na muli kitang minahal
ng mas higit pa sa aking inaakala.
Hindi naman kita masisi
kung siya talaga
ang iyong pipiliin.
Sino nga ba naman ako?
Pinili ko na lang na sabihing
mamahalin pa rin kita
kahit hindi ako mapasaiyo.
Kakayanin kong
maging masaya ka
sa piling niya.
Hahayaan kita maging masaya
habang onti onting namamatay
ang mga rosas na nais
kong ialay sa iyo.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang sinasakal ako
Ng inyong mahihigpit na yakap.
Hahayaan kitang maging masaya
Habang nasusunog ako
Sa init ng inyong pagtitingan.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipakikita.
Gusto kita maging masaya
'wag mo lang sana sa'kin ipamumukha.
Gusto kita maging masaya
*pero 'wag mo sana ipaparamdam
na mas minahal mo siya.*
Akala ko'y tanggap ko na ang katotohanan.
Hindi ako ang iyong tunay na mahal.
Hindi ako ang nais **** makasama.
Hindi ako. Hindi ako.
Hindi ako nanininiwala
na hanggang dito na lang ito.
Dahil umasa muli ako
Noong hinalikan kita
At sinabi ****
"tumigil ang puso ko"
Umasa muli ako
noong tinitigan mo ko
Sabay sabing "alam ko ang gusto ko"
Na ako ang pinili **** isama
sa iyong paguwi
noong araw din na nakasama mo siya.
Sa walong beses
Na sinabi ko sayong "mahal kita"
Pakiramdam ko'y
Walong beses muli akong binuhay.
Walong beses kong narinig
ang mga anghel kasabay
ng iyong pagsasalita.
Sa bawat halik mo
na dumampi sa aking mga labi,
naramdaman ko ang iyong nasabi.
"Alam ko ang gusto ko"
Alam ko ang gusto ko,
At 'yon ay ikaw.
Habang magkadikit
ang ating katawan,
tumigil ka pansamantala.
Tinitigan ko lang
ang iyong mga mata
na tila tinatawag ako ng mga ito.
Ng bigla **** sabihin,
"Kakayanin na kaya natin ngayon?"
Wala ng ibang pumasok sa isip ko
kundi, ayoko ng palagpasin
ang pagkakataon na ito.
Kusang lumabas sa aking mga bibig
ang mga salitang,
"Kakayanin na natin ngayon.
Pipilitin natin.
Hindi kita iiwan.
Hindi na muli kita iiwan."
Alam kong ito ang gusto ko.
*June 23, 2015
11:56 am*
Jun 25, 2015
Jun 25, 2015 at 8:23 PM UTC
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Maisusulat, halimbawa:
“Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul,
ang mga tala sa dako pa roon.”
Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit.
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya.
Sa mga gabing tulad nito,
niyakap ko siyang mahigpit
at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.
Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin.
Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam?
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Isipin lang: Hindi ko siya kapiling.
Nawala siya sa akin.
Dinggin ang gabing malawak,
mas malawak pagkat wala siya.
At ang tula’y pumapatak sa diwa,
parang hamog sa parang.
Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig?
Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling.
Iyon lamang.
Sa malayo, may umaawit.
Sa malayo.
Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala.
Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya.
Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling.
Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy.
Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos.
Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig.
Sa iba. Siya’y sa iba na.
Tulad ng mga dati kong halik.
Tinig, maningning na katawan.
Mga matang walang-hanggan.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya.
Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot.
Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit,
diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala.
Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin,
at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya.
“Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda
sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Kagaya ng tubig, aagos ang pag-ibig.
Ang tubig na inihasik mo sa dagat
Ay aanurin din papalayo sayo --
Papalayo ngunit sana'y papalapit ang takbo.
Ilang beses ka mang magtaya
Ay hindi mo matatantiya ang panahon
At ang pagkakataong nasa kamay mo na,
Ayan, biglang maglalaho at bubusina
Ng "paalam, pagsinta."
Ilang beses ka mang magtapon ng barya
Aagos pa rin ang tubig
At hahampas ng paulit-ulit sa sagradong buhangin.
Mananatili sa ilalim ang bawat **** hiling
Ang hiling na sana'y hindi ang alat ng dagat
Ang dumampi sa nilihang lalamunan.
Kumanlong ako sa mga butil ng buhangin
Nang muli kong mapagmasdan
Ang ilog, ang sapa, ang talon at ang dagat
Na nasa iisang garapon.
Uminom ako, at doon naglaho ang istorya
Ako'y napukaw ng buhanging pambara.
May 30, 2017
May 30, 2017 at 9:18 AM UTC
Napakahiwaga ng iyong pag-ibig
Hindi ko alam kung paano at bakit
Pero patuloy pa rin akong kinikilig
Sa iyong ngiti at titig
Mistula akong bumalik sa panahon ng aking panliligaw
Sapagkat ang puso ko'y walang ibang sinisigaw, kundi ikaw
Muntik na akong mabaliw dahil ilang kilometro ang distansya natin at hindi kita matanaw
Pero sa oras na ang iyong palad ay dumampi na sa aking balat
Alam ko sa sarili ko na totoo at tunay ang lahat
Alam kong hindi ako nabubuhay sa isang panginip
At siguradong hindi rin ako pinaglalaruan nitong maloko kong isip
Nandito ka na sa aking harapan
Ikaw ay muli kong nasilayan,nahawakan at muli kitang naramdaman
Napakahiwaga ng iyong pag-ibig
Hindi ko alam kung paano at bakit
Pero patuloy pa rin akong kinikilig
Sa iyong ngiti at titig
Sa tuwing ikaw ay nandiyan ang puso ko'y bumibilis sa pagpintig
Maraming nagdududa at nagtataka pero sa huli pagmamahal pa rin ang nanaig
Samahan na pinagtibay ng panahon at tila malabo nang madaig
At ngayon na patuloy pa rin nating isinusulat ang ating istorya
Na ngayon ay mayroon nang bagong kabanata
At tila ba lalo pang gumaganda ang tema
Asahan mo na mapupuno ng mga magagandang eksena ang bawat pahina
Ako pa rin ang iyong hari at mananatili kitang reyna
Sapagkat sobrang hiwaga ng iyong pag-ibig
At hanggang ngayon ako ay patuloy mo pa ring pinapakilig
Feb 2, 2018
Feb 2, 2018 at 1:41 PM UTC
May dahong nalaglag mula sa kinakapitang sanga
at marahang tinahak ang dausdos pababa,
Dumampi siya sa malamig na agos ng batis,
sumisigaw ng hapis habang tumatangis,
Binagtas ang ‘di maiwasang larawan
ng pag-iisa’t walang hanggang kalungkutan,
tumama sa mga batong nakaharang
na umagaw sa diwa ng kaligayahan,
Sumambulat ang isang malalim na bangin
na siyang tatapos sa lahat ng alalahanin,
sumaboy ang pirapirasong damdamin
ng wasak na dahong ‘di matanggap at 'di maamin.
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 12:35 AM UTC
Nagugunita pa nang winika
na ang unang halik para sa lalaking mahal
Namumugto ang mga mata
Ngayon ay lubos na naunawaan
Ang puso'y mainit
nang dumampi ang dibdib
malambot na katawan sa sedang marikit
habang naka-talukbong ang dalagang bukid
Sa nais na ipalitaw na talagang umiibig
ay nag-udyok para magtanong
Halata man sa mga tingin
Tikom ang bibig, mabasag man ang salamin
Ang kanyang hangad ay mananakop
Sa kanya na ang lahat
kailangan pa na maghinuhod
Hiyas na nakabalot ng ginto
Sa labas at loob pang-maharlika ang anyo
Higit pa sa kanyang inaakala
ang tunay na nadarama
Gusto man at kahit na magawa na maihayag
Magiging makasarili lamang ang pagmamahal
Mar 11, 2019
Mar 11, 2019 at 7:40 PM UTC
Iilan nang estrangherong labi
ang dumampi
at alam na din kung paano humaplos ang iba't ibang tela
marahil
kabisado na din ang bawat indayog na walang musika
ngunit bakit
na sa tuwing pipikit
at sinusubukang sabayan ang korong hindi kilala
sumasagi pa din sa isip
na nakakulong ma'y sa hindi mo bisig
at hindi sa iyong unan namamahinga.
simula noong pagtalikod mo'y
pakiwari kong milyong beses nang umikot ang oras
ang sabi ko pa noo'y
nakalimot at malaya na
sa mga panahong inaantay ang paghimlay ng araw
dahil sa pagsilang ng gabi ka lang din naman masisilayan.
mahina pa din bang aamining
na pagkatapos ng linggong itong sinasakdal ang sarili
napagtantong baka siguro
hindi pa pala lumalagpas sa hatinggabi ang awit.
mahal,
baka siguro
sa susunod na gabi, nais pa ding sa iyo umuwi.
Mar 3, 2017
Mar 3, 2017 at 12:21 AM UTC
O kay lungkot,
Nakapagpapasimangot,
Ang dala nitong lamig,
Kung dumampi sa'king mga bibig.
Kasabay ang pagdaloy,
Ng mga luha sa mata ko nang tuloy-tuloy,
Walang tigil, walang humpay,
Sa bugso ng kalooban, tila sumabay.
O, bakit huminto?
Bakit huminto itong naturang bugso?
O ulan, ba't di ka nagtagal,
Iniwan mo ba ako dahil di mo ako mahal?
May 30, 2017
May 30, 2017 at 12:03 AM UTC
Atras, abante
ang mga along natotorpe.
Atras.
Natakot, nahiya
baka raw mabasa
Ang mga paa
ng mayuming dalaga.
Abante.
Sinisante na ang kimi,
alon ay nagbaka-sakali.
Kaya't dalaga ay nakiliti
nang ang tubig ay dumampi
sa kanyang mga daliri.
Apr 17, 2015
Apr 17, 2015 at 11:18 AM UTC
'Di ikaw ang tipo kong laro
Umayaw na kasi ako
Sinubukan ko na kasi dati
Ayon, talo lang lagi
Pero heto na naman ako
Parang tanga ang loko
'Di mapigil ang ngiti
T'wing naiisip nang ang balat mo'y dumampi
Pucha, totoo ba?
Na-SS mo nga ba?
Taena, mukhang ako'y na-stun
Ng walang kalaban-laban
Langya, GG
Hindi good game, kundi gagi
Diba humindi na tayo sa sakit?
Ano na naman 'to? Wooh bakit?
Noob na 'ko eh
Weak, walang silbi
'Pag eto sa wala na naman nauwi
Sarili ko lang pwede ko masisi
'Pag in-game
Please wag mo na ko buhatin
Aasa pa sa GM ang tanso na manok
Pa'no, marupok
Mabel, pasensya ka na
Hayaan mo, ang 2019 ay papasok na
Baka lumipas din
'Pag hindi, patay, "I have been slained."
Nov 6, 2019
Nov 6, 2019 at 3:15 AM UTC
Ang pag-ibig ko
Ay katulad ng dagat
Tahimik ngunit malalim
Pero huwag kang matakot
Dahil may kalayaan ang mga alon
At may kapayapaan ang pag-agos ng panahon
Sumapit man ang dilim
Hayaang dumampi sa mga labi
Ang halik ng mga tala
At hayaang yakapin ka ng mahigpit
Sa ilalim ng liwanag ng buwan
Humimlay ka sa mga pangako ng buhangin
Masdan mo ang nagkukulay na kalangitan
Sabay sa pagkumpas ng mga kamay ng oras
Ang himig ng tibok ng mga puso
Nagniningning na mga mata
Tandaan mo na sa pagsapit ng umaga
Sa palagiang pagsikat ng araw
Nandoon at mananatili ka, ikaw,
Aking tula.
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 3:22 PM UTC
gusto ko ng halik,
‘yung totoong halik,
halik na pag dumampi ay naghahasik,
halik na itutuloy kahit hanggang sahig,
halik na dumidilig sa aking pagka-uhaw,
halik na sa bawat sandali’y pumupukaw,
ang halik na nagbibigay ng payapa at tanging bubungad tuwing gigising ako sa umaga
Apr 7, 2020
Apr 7, 2020 at 3:29 AM UTC
50 At masayang nagpaalam ang dalaga
Sa nag-iisang pauwi na binata
51 Pag-aalala ay ‘di maiwasan
Agimat inihandog ng babaeng kasintahan
52 At sa kanyang daan pauwi
Panibagong halimaw sumalakay muli
53 Ito naman ay sa itaas nagmula
Isang bulalakaw na hugis dalaga
54 Sa lalaking si Birio’y dahan-dahang lumapit
Dumampi sa lalaki ang katawang mainit
55 Wari’y nang-aakit ang kakaibang nilalang
Subalit sa pagnanasa’y si Birio’y humadlang
56 At sa isang saksak ng espada
Bulalakaw naglahong parang bula.
-07/18/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC