Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"destinasyon" poems
Lord, para kang driver ng shuttle. Sa bawat pagpara ng mga tauhan, humihinto ka. Ang bawat isa’y may tangang istorya at pawang may mga kakambal na destinasyon. Sa dilim, tanging ang ilaw mo ang nagbibigay pag-asa sa mga tambay at naghihintay na pagkatao. Hindi mahalaga sayo kung matagal na silang nag-aabang o kararating lang nila sa tagpuan. Hindi naman lingid sa aming kaalaman na diretso lamang ang daan; alam naming dumaraan Ka talaga sa amin at minsan ayaw lang talaga naming pumara. Kung malayo kami’t nasa eskinita pa; kami ang nararapat na maglakad patungo sayo at maghintay. Minsan nga lang mahuhuli kami sa oras, pero babalik ka naman para sa amin. Hindi ka napapagod pagbuksan ng pinto ang bawat pasahero; kahit may lakas naman ang bawat isa. Isasara mo ang naturang pinto nang kami’y maging ligtas. Matulog man ang isa sa amin, ang byahe’y isang hele. Minsan talaga malubak lalo sa tigang na kapatagan. Sa bawat alikabok at aspaltong sinsayaran; nananatili ka sa iyong pagmamaneho. Minsan, mabilis ang takbo; minsan mabagal. Tulad ng bawat panalangin; minsan agapan **** sinusolusyunan; minsan naman, tinuturuan mo ang bawat puso kung ano ba talaga ang "paghihintay." Pero alam namin -- mabilis man o mabagal ang takbo; hawak Mo ang oras at tanging kaligtasan at kabutihan lamang ang alay Mo sa amin. Sa pangunguna mo, salamat po pagkat may iisang direksyon ang biyahe. Alam namin ang patutunguhan buhat sa karatulang nasa salamin. Pag sinabi naming “Dito na lang,” muli kang humihinto at muli kaming pinagbubuksan para lumisan. Hindi ito paalam; bagkus, bukas ay sasakay muli at tayo’y magkikita sa lagi nating tagpuan. “Alam mo kung nasaan ako; hihintayin Kita. Lord, salamat sa kaligtasan.”
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 10:31 AM UTC
Drayber ng Shuttle

Continue reading...
8
Ang lahat ay may umpisa, Ang lahat ay may pinagmulan, Kalungkutan man o ligaya, Ang maaaring kahahantungan. Sa bawat pagsubok na haharapin, Tagumpay o kabiguan ang aabutin, Ito'y pagsisikapan, Kahit sakit man ay umulan. Pero lahat ay gagawin, Hanggang sa kayang abutin, Hanggang sa huling patak ng dugo, Ibubuhos hanggang sa huling yugto. Tatanggapin ang kalalabasan, Tatanggapin kahit ano man yan, Kahit masaktan man, Tatanggapin ng aking kalooban. Dahil ito ang aking destinasyon, Sa byahe ko kasama ka, Sa panahong nakasama ka, Ngayon, ang oras ko para bumaba. Salamat aking sinta, Salamat sa ligayang iyong dala, Salamat, kahit ito'y panandalian, Maraming salamat, aking kaibigan. Ang kwentong di natin inakala, Ay nasa huli na palang kabanata, O kay rami kong natutunan, Mula sa mga bagay na nagdaan. Ito'y aking kayamanan, Umabot man ang katandaan, Itong karanasan, Di matatanggal sa isipan. Heto na ang huling pahina, Huling pahina ng ating kabanata, Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas, Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas. Ang kalatas ng aking paghanga.
0
Jul 14, 2017
Jul 14, 2017 at 9:36 AM UTC
Tuldok
#120915 Hindi ko magawang itikom ang bibig *Iniibig kita, pero inibig **** ako'y saktan.* *Inibig **** ako'y paglaruan,* Na tila baga tayo'y nagtatagu-taguan. Hindi na tayo bata, Na kapag ayaw mo na, Itatapon mo na lang ang lahat. Na kapag pagod ka na, Mamamahinga ka na't Tila ba wala nang pakialamanan. Sabi mo, di ka katulad ng iba Na pupuwede akong magtiwala sayo. Ako'y nagpatuklaw sa isang ahas, at lason siyang pag-ibig mo. Tanong ko: minahal mo nga ba? Tanong ko: sineryoso mo rin ba? Sa dinami-raming tulang kinatha, Damdamin ko'y nauubusan na ng salita, Tila hinigop mo na lahat ng kataga, Yung kahit sarili ko'y nakaligtaan na. Bakit nga ba? Kung sino pang tunay na nagmamahal, Siya pang naiiwan sa ere, Na tila baga walang gasolina ang nag-angkas sa kanya Yung parang walang destinasyon, Yung ibabagsak na lang. Ayoko nang sumakay, Pagkat nakamamatay.
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 8:17 AM UTC
Saksak-puso sa Eroplano
Walang silbi ang milya-milyang  layo Ng ating destinasyon Kung ating pag-ibig ay sing tigas ng Batong marmol Wala akong pakialam kong ako'y Kanilang usigin Tanging tibok ng puso ko ang Aking diringgin. Harangan man ng sibat at pana Ang aking daraanan Wala itong laban sapagkat Pagmamahal ko sayo'y Nagsisilbing kalasag na pang laban Mahal na mahal kita ito'y iyong Pakatandaan. Hindi man tayo magkapilng ngayon Sana'y lagi **** tatandaan Nagkatao lang natin ang Magkalayo Ngunit hindi ang ating mga ......PUSO.....
0
Feb 28, 2014
Feb 28, 2014 at 3:24 AM UTC
AGWAT
ano ang pinakamaling ipilit sa kalawakan? ang naisin ang paglaho ang pagkasabik sa destinasyon ang madaling paglisan mga maling kamay na kanlungan ilang beses na tayo nagbabakasakali sa 'di mabilang na pagpapasubali sa mga bahay na akala natin ay tahanan sa mga taong ilang beses napaghandaan sa mga _baka sakaling_ hindi tayo iiwan o ang _tiwalang_ hindi tayo lilisan mga ilang beses pa dapat umulit ang palabas? may magbibigay ba ng kasiguraduhan? dahil isa lang ang sigurado ngayon ang walang pag-aalinglangang pagod ang pagsuko ang sunod-sunod na pagkalunod ang ilang beses na pag-iyak sa walang katuturan mga walang katuturan, _dapat_ pinilit nating manatili bigyang sagot ang mga tanong sa nasirang haligi tignan mo ang mga bituin isa tayo sa kanila o ang mga bulalakaw, mga bato na pinagliyab ng damdamin tignan natin ang ganda mamaya na natin alamin ang kasinungalingan nila mamaya na natin pag-isipan na ang mga liwanag na ito'y nakaraan na pagmasdan natin ang ganda mamaya na natin pag-usapan ang pagkawala matapos ang pagbagsak 'wag na nating itatak sa mga munting isipan ang nagbabadyang katapusan dahil alam na natin ang kahihinatnan sa maling paglusob sa gyera ng kalawakan at ang pagsalungat sa mga propesiya na minarkahan hintayin na lang natin ang katapusan.
0
Feb 20, 2018
Feb 20, 2018 at 9:02 AM UTC
Untitled
‘Para ** ‘Yan ang sambit ng mga pasahero sa t’wing sila’y magpapaalam. Magpapaalam sa tapat na tsuper, na sila’y nalalapit nang magpaalam. Ngunit sa kaso ko, ipapaalam ko sa’yo, Na ako’y magpapaalam na. Sa tinagal ng aking pagsabit sa dunggot nitong hawakan, Sa likod nitong pampasaherong dyip na sa kasagutan mo’y pupunta, Mas pipiliin kong bumitaw na lamang at masugatan. Kaysa patuloy na mangawit sa dulo ng dyip na iyong minamaneho, Tangay ang daan-daang mangingibig. Bawat isa, sabik sa patutunguhang destinasyon mo. Walang kaalam-alam na isa lamang ang maaring parangalan, Ng banayad at matamis **** ‘Oo.’ Ngunit sa bawat pagtapak sa silinyador ng jeep, Sa bawat pagpihit ng kambyo, Ang aking kamay, katawan, binti, at kaluluwa, ay unti-unting nawawalan ng sigla, Hanggang sa mabatid ng aking makitid na pag-unawa, Na ito na ang hangganan, at wala na akong kawala. Kaya bago ako bumitaw sa aking kinakapitang pulungan, Nais kong ipa-alam, na ako’y magpapaalam. Ibinuka ko ang aking nag-aatubiling bibig, at ang mga salitang nakulong sa aking lalamunan, tumakas at nagpaalam. "Para, para sa inyo… Ay hindi. Para sa’yo."
0
Jan 22, 2017
Jan 22, 2017 at 5:03 AM UTC
'Para' sa kanya
Ilang buwang pumatak ang pawis at luha Nagsunog ng kilay sa madaling umaga Kumuha ng mga pagsusulit Susi sa pagkamit ng mga pangarap Sa tagal ng paghintay Lumabas ang mga resulta May natuwa sa tagumpay At ibang binati ng lumbay Hindi ko man alam ang eksaktong nararamdaman Tiyak na hindi ito ang katapusan Hindi ito hatol sa iyong kinabukasan Malayo pa tayo sa dulo Patuloy pa rin ang buhay Iikot pa rin ang mundo Na grabe kung ito'y mapaglaro Ang tanging permanente ay pagbabago Sa iyong paglakbay Hindi maipapangakong Makararating sa destinasyon nang walang galos Ngunit hihilom din ang ano mang sugat Hindi rin garantisadong laging may ilaw sa daan Sa kalyeng lalakaran Baka kailanganing mangapa ka sa dilim Sa pag-abot ng mga tala Alin mang landas ang piliing tahakin, pinangarap mo man o hindi Naniniwala akong mahahanap din ng iyong mga paa Ang landas patungo sa iyong destinasyon Kung saan ika'y liligaya Kung maligaw ka man ay 'wag mangamba Mahahanap mo rin ang tamang direksyon Mag-ingat ka sa iyong paglakbay, kaibigan Padayon!
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 11:46 AM UTC
Padayon
Tangina ba ang bilis mo akong pasayahin? Kada araw na di ko na kayang mabuhay alam ko kailangan lang kita. Ano ba. Kaya't kung pwede lang wag na wag kang titigil sa pakikipagusap sakin kasi kada araw yan yung inaabangan ko. Iba rin kasi epekto mo sakin eh, di ko alam kung bakit pero mas nakakaadik ka pa sa teleserye at mas masayang panoorin at subaybayan. Pwede bang maglakad tayo sa walang destinasyon? Magsalita ka lang at mananahimik ako dahil gustong-gusto kitang nagsasalita. Bakit mo ba ako napapasaya ng walang kahit anong ginagawa? Kung mahal nga kita, tigil tigilan mo ako, kasi ayokong nagmamahal.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:46 PM UTC
Untitled
Tapos na ang araw Dumilim na ang kalangitan Dumating na ang buwan Nagliparan na ang mga bituin Kasabay ng pagdating ng pagod Sa napakahabang araw Nagmamadali sa paglakad Pagaspas ang takbo ng mga paa Di matigil sa paghabol ng hininga Para lang makauna sa pila at makauwi na Mapupungay na mga mata Walang pakialam kahit kanino Binabangga kung sinu-sino Nilalampasan ang mga tao Na parang nag-aalay lakad Hindi man lang humingi ng tawad Kahit nabangga sa bilis ng hindi pag-iwas Walang Pake kahit makasakit Basta ang sarili ay makasiksik Sa Tren, Sa Bus, Sa jeep, Sa trike, Unahang makauwi Okay lang kahit nakatayo Pero mas maswerte kung minsan nakaupo At kapag may babaeng nakatayo Pasensya na pagod ako Pasensya na ganito ako Nakakainis Nakakabwisit Kanina pako nagsasalita Hindi parin ako nakakauwi Nandito parin ako Ambagal ng takbo Ang bilis ng oras Naipit sa daloy ng trapiko Parang hindi nausad at walang progreso Parang walang katapusang byahe na kalyeng naging preso Tulog na ang iba, nagpapahinga Pero ako nandito pa Sa gitna ng kalsada parang pagong ang pasada Nang mga sasakyang parang gamu-gamo Sisiksik pag nakakita ng puwang at espasyo Tiis nalang at makakauwi din tayo Matatapos din ang takbo nito Hihinto sa destinasyon ng ating tahanan Makakarating din sa ating pupuntahan Hindi kailangang magmadali Dahil ito ay walang katapusang Byahe ng ating buhay At bukas sabay nating itong sakyan Wag po tayong magtulakan Lahat po tayo makakauwi sa ating pinanggalingan Hindi natin kailangan madaliin Ang byahe na walang katapusan
0
Jul 8, 2018
Jul 8, 2018 at 12:01 AM UTC
Byahe

59
Wala pa sa paaralan Matunog na kaniyang pangalan “Sarah.. Sarah..” Anak ng isang mayaman Dahil sa kaniyang ama Marami siyang kaibigan At dahil sa maraming pera May mga taong nakamata sa kaniya Ngunit ganoon ba talaga Sa pera at pangalan bumabase ang mga tao Kahit hindi pa nakikita Kahit pa na ang destinasyon ay malayo
0
Mar 2, 2021
Mar 2, 2021 at 11:24 AM UTC
Ang Munting Prinsesa
Ikaw ba'y naka-usad na? Baka kasing bilis mo ang usad ng trapiko sa EDSA, Nakarating ka na ba sa'yong destinasyon? Baka nantili ka lang sa'yong kahapon? ...
0
May 1, 2017
May 1, 2017 at 2:38 PM UTC
Saan na nga ba?
hindi ko alam saan magsisimula saan pupulutin ang mga naiwang piraso ng pagkatao ko naliligaw, nalilito, parang lalagyang walang laman lumulutang at walang patutunguhan sasakyang walang destinasyon ibong naiwan ng mga kasama nito nasaan na nga ba ako? ba't naliligaw pa rin sa mundong 'to? kakahanap ko sa sarili ko, bakit di ko pa rin matumbok kung nasaan ako
0
Dec 4, 2022
Dec 4, 2022 at 10:18 PM UTC
09-06-'22
Ikaw ang karamay, Ang aking kaagapay. Sayong mga yapos at hawak, Di maikubli ang galak. Ngunit hanggang saan nga ba aabot, ang pilit nating sinusugod. Paglalakbay nating walang direksyon, Malayo pa ba o nakarating na sa destinasyon.
0
Sep 24, 2019
Sep 24, 2019 at 11:35 PM UTC
Bus Stop
Dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon. Nasanay na rin akong umupo sa tabi nila; makinig sa kanilang mga istorya, tumawa nang tumawa dahil posibleng hindi na ito maulit pa, gumamot ng mga sugat, at kasabay ng mga ito ay ihanda ang sarili sa salitang "paalam". Nasanay na ako—pero nakakapagod din pala. Nakakapagod palang maglaan ng oras sa isang taong alam **** anumang segundo ay maaaring magpaalam na. Nakakapagod palang makinig sa mga kuwento niya habang hinahanap ang lugar mo sa kanyang kasaysayan, habang napapaisip kung babanggitin ka rin kaya niya pagkatapos ninyong maghiwalay ng landas. Nakakapagod palang buksan ang buhay mo para sa isang tao kung sa simula pa lamang ay batid **** bubuksan mo rin ulit ang pinto, sasamahan siya palabas, ihahatid sa sa tarangkahan, at tatanawin hanggang mawala sa iyong paningin. Iniisip ko palagi kung bakit hindi sila nagtatagal. Bakit palagi akong iniiwan? Bakit paulit-ulit lamang ang itinatakbo ng bawat kuwento? Iba't ibang tao, iisa lamang ang nagiging dulo. Sa katagalan ay nasanay na ako sa pagtatapos, iyong tipong nagsisimula pa lamang ay tinatanggap ko na ang pagwawakas nito. Dahil dumadaan lang sa akin lahat. Lahat sila ay mga manlalakbay na hindi nagtatagal at umaalis din para muling tahakin ang daan patungo sa kanya-kanya nilang pinapangarap na destinasyon. Kailan kaya ako magiging destinasyon?
0
Aug 10, 2023
Aug 10, 2023 at 9:40 AM UTC
Destinasyon

9
Daan, libo, sobra o higit Pa Bilang ng mga unat na nilalapatan ng Pwersa Init man o lamig ay titiisin'g Mag-isa Marating lang ang destinasyon'g di pa nakikita ng Mata
0
Mar 4, 2021
Mar 4, 2021 at 3:22 AM UTC
Bundok