"dako" poems
Hahay...
anaa lagi koy dakong balay
apan wala gayud tawoy
bisan jutay'ng kalipay,
walay oras nga dili
maglantugi
hiniktan ang kalinaw
ug dili gayud makaipsot
sa adto nga pisi
dako lagi ug balay
apan wala gayud gugma
dako nga balay
apan ang kagubot
dili gayud
mahilona,
daghan lagi nga k'warta
nga natagamtaman
ning mga kamot
apan pubri ra gihapon
magasige lang sa mug-ot
daghan lagi ug suga
nga makit-an
apan kung tarungon
ug lantaw
ngit-ngit pa sa alkitran
maypag wala nalay
dakong balay
kung ing-ani man galing
maypag wala nalang
kung mao ra kini ang
makasamad sa akong
kasing-kasing.
Nov 22, 2011
Nov 22, 2011 at 7:51 AM UTC
Igapos mo ako
sa lilim na 'yong puso,
at doo'y liliwanag
ang damdaming nakatago.
Na sa gabing alitaptap lamang
ang masulyapan,
tutubuan ng pakpak
ang pag-ibig na natagpuan.
Lilipad kasabay ng mga ulap
at hindi na halos maabot,
sa kulog o kidlat ma'y
hindi natatakot.
Na handang suongin
kahit malakas na hangin,
upang pakpak nito'y nakalatag
pa rin sa papawirin.
Mapadpad man tayo
sa lawak ng dagat,
mga puso natin doo'y
maglalayag.
Na tayo'y sabay dadaong
sa ating mga pangarap,
na sa dako paroo'y
naghihintay at umaandap.
Jun 22, 2015
Jun 22, 2015 at 10:56 AM UTC
Akala ko sa ibang dako ka na
Mga tinginan nati’y tila balong malalim
Pero nawawaglit sa tamang dako
Kesa umistambay sa puso ng bawat isa.
Sumasagwan ang puso ko
Papalapit sa tunay na nagmamay-ari nito
Ninakaw **** may pagpapa-ubaya
Hindi ko makuha-kuha
Pagkat minsan lang sumagwan paparito.
Nais bawiin ang puso
Pagkat ang sayo’y
Kailanma’y hindi naging akin.
Jul 27, 2015
Jul 27, 2015 at 1:10 PM UTC
Ang istorya nati’y parang liham...
Sisimulan ko sa panimulang pagbati.
Ito yung mga panahong bago palang tayong magkakilala.
Yung mga panahong kaibigan palang ang turing natin sa isa’t isa.
Dito ko nakita ang ‘yong nagniningning na mga mata,
at may nakita akong nakakabighani sayo na hindi nakikita ng iba.
Ito yung mga panahong nagkakakilala palang tayo.
Mga panahong wala pa tayo sa puntong “Tayo”,
at ang pinakaimportante sa lahat,
Panimulang Pagbati.
Dito nagsimula ang lahat.
Nagsimula sa simpleng chat,
na nagsasabing: “Ikaw lang ang gusto ko sa lahat.”,
at mula noo’y nagbago ang lahat.
Ito na yung susunod...
Katawan.
Ito yung mga panahong masaya tayong nagmamahalan.
Araw-araw tayong nagtetext at nagtatawanan,
sa mga corny pero sweet nating banatan.
Buong araw, buong gabi, na parang wala nang katapusan.
Ito yung mga panahong patay na patay tayo sa isa’t isa.
Mga panahong lumabas ang pagka-clingy nating dalawa.
Halo-halong mga emosyon ang ating nadarama,
yung tipong gulong gulo ka na’t wala ka nang maisip kundi siya.
Sa panahong ito’y napakasaya nating dalawa, ngunit...
ngunit parte ng katawan ay ang konklusyon.
Ito yung mga panahong paunti-onti nang naglalaho ang “Tayo”.
Mga masasayang emosyon ay nawala nalang sa dako,
at ang mga masasayang araw ay paunti-onti naring naglalaho,
hanggang sa dumating na sa puntong...
Ito na ang huling pagbati.
Ngunit...
Ngunit may isa pang parte ng liham na dapat hindi natin balewalain...
Ang Lagda.
Sapagkat ito ay simbolo.
Simbolo na tapos na ang lahat,
at tinalo na ng emosyon ang ating lakas,
at isa rin itong uri ng pag-uulat,
na parang liham, kung merong simula’y meron ring wakas.
May 16, 2019
May 16, 2019 at 8:22 AM UTC
#012917
Naisip kong magpatangay sa hanging kumot sa aking paggising. Naisip kong hamunin ang araw ng mga talatang pasalaysay at huminto gamit ang panalangin.
Isa, dalawa, tatlo: oo, ito na ang ikatlong araw nang tayong ipinalipad sa iba't ibang dako -- patungo sa bawat sulok ng mga pangarap at doo'y sabay-sabay nating maitataas ang Kanyang Ngalan.
Di ko kayang amuhin ang bawat petsa sa kalendaryo para lang maggising tayo't muling mabuo. Di ko kayang sipulan ang ulap na kukumpas sa kalangitang hindi naman nagbabago.
Sa bawat pangarap na minsang natabunan ng ating mga mapapait na nakaraan -- mga pangarap na ni minsa'y di sumagi sa isipang mabubuo natin nang sabay; oo, posible palang maitagpi-tagpi ang bawat istorya para sa mas malaki pang larawang ni minsa'y di natin nasilayang mag-isa.
Marahil napuno tayo ng takot na muling humakbang sa bukas pagkat nahihila tayo ng dilim. Marahil kinain tayo ng sakit, kirot at alalahanin kaya naman tila kayhirap nang lakaran ang tubig ng pagpapala. Pero kahit na -- kahit na lumubog pa tayo sa kumunoy ng distansya't walang kasiguraduha'y may iisa pa rin tayong di dapat na bitiwan -- na patuloy tayong kumapit sa iisang Ngalang titingalain natin hanggang sa Kanyang pagdating.
Siguro nga mapapagod tayo pagkat taksil ang landas o ang pagkakataon pero hindi pa ba ito sapat na dahilan para muling masubok at tayo't tuluyang magpasakop? Kung ang lupa nga'y kayang sakupin ng mga dayuhan lang; ano pa't ang puso't buhay nating tanging hiram lang? Kakatok hindi ang pangarap bagkus ang may dala ng mga ito; ilapit mo ang mga kamay sa puso at doo'y mabubuksan ang pintong may sagot sa mga hiling at dasal mo. Mabuhay si Kristo! Buhay Siya sa iyo!
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:35 AM UTC
Alaala ang pinakamalapit na tugma
Ng mga tala.
Kapahina ang kakambal nitong
Pinakamapait na salita: Pangungulila.
Nang pagtingala
Sa buwan na ningas ng maamo **** mukha.
Kaya, sa kawalan ay mapapako.
Mapagtatantong
Bituin ka sa apat kong dako.
Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan.
Doon kita matatagpuan.
Ikaw, ang siphayo ng malamig na gabing pinili kong makasanayan.
Ikaw na siyang unan, kumot, at hanap-hanap kong dantayan.
Ikaw, ang pinakamataimtim na bulong sa mga bulalakaw.
Ang nag-iisang hiyaw.
Na kung hahamunin man akong bigyang-kahulugan ang salitang balang-araw,
Ang isusulat kong depinisyon ay ikaw;
Ang pinakainaabangan kong bukas
Matapos sariwain ang kahapon at nakalipas.
Ikaw ang uniberso.
Wari'y ang lawak ng kalawakan
Maging ang mga kislap nitong hindi pa natutuklasan ninuman,
ay hindi sasapat kung ikaw ay aking ilalarawan.
Ikaw na napiling pag-alayan ng pag-ibig na matagal kong inipon at iningatan.
At wala akong ibang maramdaman
Kundi matuling ikot ng mga planeta
At mga nagbabanggaang kometa.
Subalit hanggang kailan?
Mahal, kapos ang haba at katahimikan ng gabi para lamang pakinggan ang dalawang pusong nagsisimulang bumuo ng kanilang istorya.
Araw ay marahang pinasisingkit na ang mga mata.
Umaga na subalit mahal pa rin kita.
Sinta, tinatangi kita.
-wng
Jun 12, 2016
Jun 12, 2016 at 7:55 AM UTC
Paalam bayan kong sinilangan,
sintang katagalugan, lupain na sinakop
ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos
ng higit sa tatlong-daan na taon.
Kung hindi sana ako nakagapos
ay nasa larangan ako ngayon,
nakikipaglaban para sa iyong kalayaan;
subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi,
kayumanggi ang kulay ng kanilang balat
subalit ugaling Kastila sila.
Alam ko na ito na ang aking wakas
dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam;
tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin.
Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi?
Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas
kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi.
Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib.
Paalam mahal kong Oryang,
Lakambini ng Katipunan,
ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib.
Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta.
Kung magtagumpay ang himagsikan
at makamtan na ang layang inaasam
wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma.
Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan,
lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway,
tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit.
Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma.
Payapa ang aking kalooban, walang pangamba.
Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang.
Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
Nov 4, 2017
Nov 4, 2017 at 12:05 AM UTC
Naa koy iingon sa imoha na importante
Ayaw kalain ha, dapat na nimo mahibaw.an tanan
Gusto jud nako mahibaw-an nimo ni karon.
Kadto giingon na naa koy pagbati nimo ug
Na nakagusto kaayo ko nimo.
Dili jud to tinood tanan.
Tinood jud na.
Pasayloa ko. Kabalo ka na dili ka
Importante ka para sa akoa.
Ug kung mawala gani ka
Mas malipay gani ko
Kapoy na kaayo
Labi na ug magtawag tawag ta.
Kapoy man d.i noh?
Kung ikaw gani ako ka-storya.
Wala nakoy gana ug
ang kalipay
mabati nako lahi ra.
Nakagusto ko sa imoha
Pero sa una ra.
Karon mas gusto pa nako teka
Na dili maka.storya na.
Ug kung magkauban ta sa taknang adlaw
Dili na nako na pangandoy
Mas ikalipay nako na
Na molayo nako.
Dako nako pasalamat na nakaila teka
Pero tama na.
Ug gusto pa teka makauban
Pero kapoy na..
Hinaot magmalipayon ka perme.
Ambot wala ko kasabot sa ako gibati karon.
Malipay man ko na naa ka.
Pero karon dli najud.
Ug hinaot na dli ka magbag-o
Amigo gihapon ta
Kay ako dili ko magbag-o sa imoha.
Amiga gihapon teka
Salamat kaayo.
Balika ug basa. Line 1,3,5,7, 9...... Lang
Mar 24, 2020
Mar 24, 2020 at 10:14 PM UTC
042522
Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw,
At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman.
Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga
At mismong lipunan ang syang magpapasya.
Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas
Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak.
Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa
Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa?
Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas
Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka.
Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta
Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma?
Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan,
Paano nga ba ang ating pagtindig
Para sa sinasabing mahal na bayan?
Pilipinas nga ba ang ating pinipili?
O kung saan lamang tayo kampante
Habang nananatiling namamaypay
At abala sa kabi-kabilang pag-uusig.
Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na,
Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising
Sa dugo nating makabayan?
At sapat ba ang ating paghiyaw
Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas?
Mga bibig natin, paminsan nga'y
Puno lamang ng mga palatastas.
Sapat ba na tayo-tayo na lamang
Ang naghihilaan pababa't paitaas?
Pagkat mismong pananampalataya'y
Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak.
Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan --
Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan.
Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas --
Sana'y mapaninidigan kita't
Hanggang sa huli'y maipaglaban
Pagkat maging aking hininga'y
Pansamantalata't pahiram lamang.
At hindi ito lotto o binggo,
Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino.
Ngunit kung sinuman
Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino
Sana tayo pa ri'y magkaisa
Para sa dangal na nais nating isulong.
Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y
May iisang hindi tayo tinalikuran,
Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran
Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan --
At Hesus ang Kanyang Ngalan!
Bangon Pilipinas!
Apr 24, 2022
Apr 24, 2022 at 9:53 PM UTC
habang naglalakad ako sa lupain ng mga sirang pangarap, mayroon akong pangitain sa napakaraming bagay. ang mga paghihinagpis tila baga'y tumutulong upang madagdagan ang aking pasan sa mundo. aking napagtanto na ang kaligayahan ay isang kalinlangan lamang. sa aking pagkalumbay at pakiramdam ng disorientasyon, buong buhay ko'y nabuhay sa takot. ang mundo'y pinamumunuan ng mga batas ng poot na matatagpuan sa iba't ibang dako. kaya naman ay ang mga nakararanas ng dalisay na kaligayahan ay isang hindi pangkaraniwang pangyayari.
sa bawat araw ng aking paghihirap, umaasang makakaahon sa ilang butil ng kasaklaman ngunit sa kaibuturan ko, wala akong ibang makikita kungdi ang kasuklaman ng buhay. patuloy akong naglalakad sa mga anino upang maghanap ng liwanag ngunit aking napagtanto'y malinaw kong nakikita na wala nang ibang paraan upang makalabas pa sa suliraning ito.
sa aking buong pagkabuhay, dala-dala ko ang mga basag na pag-asa't mga tipak na salamin. ang tanging sinag ng araw ang natitirang kislap ng aking mga masidhing lunggati sa rurok ng tagumpay. kung iyong titignan ang marikit na lilim ng gintong apoy na nagngangalit sa kanluran, ito ay ang aking mga minimithi na nakalilim sa puwang ng kalangitang asul. nais kong lumipad nang malaya tulad ng isang ibon sa kalawakan. sa mga kislap ng mga tala'y nakatingin, hinihiling na sana ang panagimpan ko'y dinggin. lahat ng iya'y hindi makakamtan sapagkat ako'y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible. pinapanood malunod ang aking sariling mundo mula sa aking bintana'y natatanto, mga pangarap ko'y dahan-dahang inaanod.
sa araw-araw na aking paglalakbay sa mga repleksyon ng kadiliman, isa lang ang aking katanungan, isang ilusyon lamang ba ang kapayapaang aking matagal nang inaasam?
Apr 21, 2022
Apr 21, 2022 at 6:29 AM UTC
SALAMAT SA SANDALING NAGING AKIN KA.
Even seen i really knew it sinabi ko na to sa mga salita ko at itoy totoo
Totoong kaya **** magsinungaling at d sabihin ang totoo ngunit ayus lang oo ayus lang na dna marahil wala ng tau na akala ko ay totoo ngunit isa palang guhit, iginuhit sa hangin at unti unting nag laho hindi na kita masisisi mag ka iba ang mundo na ginagalawan!! Mundo?? Oh pag iisip ayus lang ayus lang talaga salamat sa saglit sa kunting pag paramdam na kahit ako lang ang nag gagawa ng paraan ngunit kailangan na ata kitang kalimutan at tapusin ang tadhana na matagal kunang d pinapakawalan upang ma isip at makausap kapa siguro nga d tayu ang totoo siguro kailangan ko ng bitiwan ang lahat upang makalaya na ako sa pag iisip sa mga bagay na walang humpay na sumusulyap salamat sa saglit na taon sa buhay nating dalawa salamatSa mga nakasanayan dapat ko na atang kalimutan upang d tayo mag kasakitan dahil humihirap lang ang pusong nasasaktan siguro nga hanggang d2 nlangAkala ko habangbuhay ang awit sa ating dalawa ngunit biglang lumihis ang nota na dapat ay nasa tuno pa wala ng kasguraduhan na maibabalik pa ang nakaraan kaya sigurong tapusin na dahil na hihirapan lang salamat sa saglit na pag paparamdam na akoy mahalaga kahit itoy hindi na totoo pa salamat sa mga salita na ngaun ay nag lalayag na sakabilang dako ng mundo na dooy mag papahinga siguro ngay hanggang d2 nlang ang ating storya hanggang d2 nalng at itoy mag tatapos na salamat sa mga sandaling kaligayan salamat sa saglit ng pag paparamdam salamat sa taong nag paramdam ng katotohanan ang masasabi ko lang salamat sa sandaling naging akin ka
Apr 27, 2018
Apr 27, 2018 at 12:33 AM UTC
Ako nga gapabilin ra unta
Sa kweba nga way himaya
Kay ako man diri komportable
Pero ako gipugos gyud nimo pre
Ang akong kweba imong gi kulkog
Mintras Nagngisi paka nga mura ug hubog
Hangtod sa migawas na
Ang lawas kong imong gibira
Padung sa kalibutang mahayag
Kahayag nga makadam.ag
Ako nga nalipay
Kay karon kabalo na ako
nga ang kalibutan kay hayag man diay
ang kalibutan dako man diay
Ang kalibutan kay gwapo man diay
Pero wa ako gadahum nga sa ulahi ako diay kay magmahay
Kay ako, gidulaan ra diay sa inatay
Pagkahuman nimo bolabolahon
Sa imong kamot paligidligiron
Sa imong tudlo kalit nga palagputon
Isagpak sa pader
Ihandos sa ilalom sa lamisa
Ipahid sa maong **** kupas na
Pero ako nagpakatanga
Balikan mo, ako gahulat pa
Pero diay, ako gidulaan mo ra.
Feb 10, 2016
Feb 10, 2016 at 2:03 PM UTC
Sauna bata pako
Wa pa koy kahibalo,
Bisag lamok di patugpahan
Kay lagi pinangga man.
Nagdako kong hapsay
Malipayon kanunay
Kay aduna may
Naghigugmang tinud-anay.
Nagsubay mis saktong dalan
Kay kami saktong gitun-an,
Bisag si Mama dako nag baba
Kay kami badlungon man.
O pobre tood mi
Wa ko man na mahayi,
Dos ray balon nga ni human
Ko's hayskul ug elementary.
Pero bisan pa niana
Saludo ko nimo Pa,
Magtarong kog skwela
Para malipay **** mama.
Butang-butangan man ko
Di lagi ko paapekto
Magpakahilom sa ko
Kay wala pa ko sa pwesto.
Kay imo kong gipa skwela
Nipalayo ka sa amoa,
Naningpalad sa laing dapit
Sa desyerto na sangit.
Bisag layo ka kanamo
Murag duol ra ka kaayo,
Mura kag bituon
Nga gustong abuton.
Pa, kay layo man ka
Wa koy laing magasa
Basaha lang unya ni,
Happy father's day!
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 12:41 AM UTC
ang kaakit-akit
**** bating-
pangwakas
ang siyang wagas
na nagdala ng madamdaming
mga katanungan
mula sa iyong puso patungo
sa iyong kasintahan,
gamit ang ibabaw ng
mga matikas na alon...
walang pasubali na ipinahayag mo
ang iyong pangmatagalang
paglalarawan sa marami,
bagaman ang mundo
ng magkabilang dako
ay pansamatalang natutulog na
... ang kagandahan niyon
ay mananatiling gising pa rin.
Dahil siya ang natatangi **** daigdig
at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig!
At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula
Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag
habang heto si Ako...mananatili ring tapat
at gaya niya na di nakakalimot sa akin!
Kaya naman sa iyo aking mahal,
Malayo ka man sa akin ngayon,
lagi pa rin namang merong "tayo"
Maulap man ang papawirin
Ating babagtasin
ang araw at sinag nito
hanggang sa isang kabilogan
na lang ng buwan
ang aking pananabikan at bibilangin ko!
Sa pagsapit niyon
matamis na katahimikan
ang siya nating mabubuo!
tanging sa ating pagniniig
nang may buong kasabikan
ang mga himig na maririnig!
mula sa simula hanggang
sa ang wakas ay magsilbing hudyat
na sa langit nating inaasam
ay magigisnan ang malakidlat
na tilamsik ng ating pagsusuyuan
Di-kapara ng naunang magsing-irog
mula sa bukana ng talon ay nahulog
at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog
pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog!
patutunayan nating Hindi tayo
ang tipong mauuwi sa TaLiwaS
dahil sa katunayan nga mahal ko
sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT
labo na nananahan sa pagitan ng tukso
at ng bahay na inaakala nilang
panghabang-buhay na tahanan!
Oct 23, 2020
Oct 23, 2020 at 9:08 AM UTC
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Maisusulat, halimbawa:
“Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul,
ang mga tala sa dako pa roon.”
Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit.
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya.
Sa mga gabing tulad nito,
niyakap ko siyang mahigpit
at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.
Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin.
Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam?
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi.
Isipin lang: Hindi ko siya kapiling.
Nawala siya sa akin.
Dinggin ang gabing malawak,
mas malawak pagkat wala siya.
At ang tula’y pumapatak sa diwa,
parang hamog sa parang.
Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig?
Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling.
Iyon lamang.
Sa malayo, may umaawit.
Sa malayo.
Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala.
Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya.
Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling.
Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy.
Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos.
Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig.
Sa iba. Siya’y sa iba na.
Tulad ng mga dati kong halik.
Tinig, maningning na katawan.
Mga matang walang-hanggan.
Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya.
Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot.
Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit,
diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala.
Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin,
at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya.
“Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda
sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Araw ng mga puso na pala,
pero bakit kasi ito'y inimbento pa
kung pwede namang araw-araw tayo'y masaya.
Di na kailangang maghintay
sa Pebrero katorse para tayo'y maglakbay
habang magkahawak ang ating mga kamay.
Kahit saang dako pa ng mundo tayo maligaw,
tayo'y kakanta lang at sasayaw,
at ikaw ay pipiliin pa rin sa araw-araw.
Feb 13, 2023
Feb 13, 2023 at 7:57 AM UTC
0118
Hindi Ka lumipas —
Naalala ko noong nakaraang taon
Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko
Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan
Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon.
Hindi Ka lumipas —
Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan
Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan
Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang
At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi —
Hindi Ka pa rin lumipas
At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat
Na ang lahat ay walang kabuluhan
Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran.
Hindi Ka lumipas —
Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata
Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo
Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi.
Hindi Ka lumipas —
Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo
Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat
Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak
Walang katulad ang Iyong mga yakap,
At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw.
———
Hindi Ka lumipas —
Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos
Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang ang sumalo
Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko —
Ayoko na
Pero hindi —
Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili
Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay
At hindi tayo kakapusin sa oras
At hindi ito isang “sandali lang.”
Hindi Ka lumipas —
At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman”
Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas —
At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw
Sa susunod pang hihiranging mga araw
Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat.
Hindi Ka lilipas —
Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan,
Tanging Ikaw ang magiging bukambibig.
Kahit pa hindi makakita ang mga bulag
Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin
At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama.
Hindi Ka lilipas —
At sa bawat pagtaas ng Bandila
Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan
Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan
Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa.
Hindi Ka lilipas —
Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila
Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha
Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula.
Hindi Ka lumilipas —
Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw.
Maghari Ka —
Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.
Jan 6, 2018
Jan 6, 2018 at 6:39 AM UTC
031117
Iniibig Kita
Gaya ng panata ko sa Pilipinas
Ipagmamalaki saanmang dako Mo ipasayad
Ang minsang nalulumpo kong pagkatao
Buhat sa minsang ding pagmamataas ko.
Mas ipagsisigawan kong
Ikaw ang kalakasan ko
Ang kalasag sa bawat oras
Na gusto ko nang huminto
Na gusto ko nang sumuko
Na gusto ko nang magpatalo.
Gaya ng aking panata
Sa bansang pinagsilangan ko
Mas paninindigan na Kita
At hindi ko dudungisan ang Ngalan Mo
Pagkat Ikaw ang tanging baluti ko --
Ang panatang alam kong
Di ko kayang talikuran pa.
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 9:00 PM UTC
‘Heto na naman tayo’t nagbabangayan
Parating nagtatapat na magkabilang panig
Sinusubukang amuhin ang galit na nadarama
Pinipilit ayusin ang matagal nang nasira
Nandiyan ka na naman sa iyong sulok
Hindi mapigilang umiyak at magmukmok
Ako nama’y nandito sa kabilang dako
Pinupulot ang mga bubog na iyong binato
Ang mga sugat na matagal nang naghilom
Muli na namang binuksan ng mga sakit ng kahapon
Bakit pa ba natin binabalikan ang nakaraan?
Ang gusto ko lang naman ay ang ‘tayo’ ng kasalukuyan
Ngunit sa bawat titig na iyong binibitawan
Para bang ramdam mo pa rin ang sakit na ako ang pinagmulan?
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Para tuluyan mo na akong patawarin?
Isang patawad na paulit-ulit na lang sinasambit
Isang patawad na matagal na dapat pumawi ng galit
Ngunit sadyang ganon yata talaga ang tindi ng sakit
Kung kaya’t ang pagsusumamo ay dadahan-dahanin at ‘di na ipipilit
Mula sa nakalalasong relasyon ika’y aking pinalalaya
Sige na’t humayo ka, bumangon at humanap ng ikasasaya
Mahirap para sa akin na ika’y bitiwan na parang wala
Ngunit ito’y ginawa dahil kahit ganon ay mahal pa rin kita
Isang rason lang ang aking sasabihin
Isang rason na sana’y di mo limutin
Sa pagdating ng tamang oras sana ako’y maalala mo rin
At ang pag-ibig na pinanghahawakan ang maging tulay para ika’y bumalik sa akin
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 9:08 AM UTC
Matagal ko na gusto itong sabihin sa iyo
Ang pag-ibig katulad ng ihip ng hangin ay nagbabago
Sa magulong mundong makikita saan mang dako
Iisa lamang ang pag-ibig na totoo.
Bangon kaibigan sa iyong kinasasadlakan
Tunay na pag-ibig na ito ay walang hangganan
Ito ang tagapagsilbing gabay sa iyong buhay
Ng makamit mo ang saya na tunay at walang humpay.
Kaibigan sa iyong paglalakbay sino ba ang gumagabay?
Masalimuot na mundo, marami ang patunay
Marami ang temptasyon sa atin ang sumasabay
Kailangan ang Panginoon ang pag-ibig Niyang alay.
Minsan ba sa iyong buhay problemay napakalaki?
Lahat ng solusyong naisip puro walang silbi
Subukan **** bilangin ang biyayang pinagkaloob
Ng Diyos Ama sa Langit na Siyang may handog.
Kaya kung inaakala mo ang buhay mo ay patapon
Wala ng silbi, wala ng pag-asang maiahon
Mayroon isang Diyos sa atin naroon
Kumakalinga sa Iyo sa lahat ng panahon.
Matapos ang araw na ito sana maintindihan mo
Kung gaano kalaki ang biyayang nasa sa iyo
Tanggapin lamang ito ng bukal at buong puso
Ang bukal ng buhay ay tanging kay Kristo.
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 11:27 PM UTC
Hangal na humahagilap ng salapi at material
Hangal na ipinagkakait sa kanya ang pagmamahal
Hangal na di lumalakad sa kanyang ipinangaral
Hangal na di makita ang halaga ng kanyang pagpapagal
Lubusang lumayo sa inaasahang pangako
Nagpalakad-lakad sa mapanganib na dako
Nagpaikot-ikot sa isip na liko-liko
Mga sumpa ba'y tuluyang mapapako?
Hangal na sumasabay saan man ang agos ng ilog
Gising nga ngunit patuloy na natutulog
Madadaya ang lahat ngunit sarili'y di mabibilog
Hahayaan na nga lang ba sa dilim ka mahuhulog?
Dakila nga sa lahat ng mga hangal
Bukas ang isip ngunit walang pagmamahal
Ano ba ang nais **** parangal
Ang buhay na Dakila o kamatayan ng Hangal
-JGA
Jan 10, 2022
Jan 10, 2022 at 8:40 PM UTC
Isinulat ko ito hindi para mabasa mo
Ito ay paalala sa sarili ko
Kung anong meron tayo
Na hanggang dito lamang ako
Ipinagdarasal ko na sana ikaw na nga
Ang sa akin ay nilikha at nakatadhana
Hanggang sa pagtanda ay makakasama
Kabiyak sa Hirap at ginhawa
Ngunit sa kabilang banda
Realidad ay sa aki'y bumabangga
Ako ay kaibigan lang pala
At hindi maaaring lumagpas sa linya
Hindi ko alam kung bakit ikaw
Ang sa atensiyon ko ay pumukaw
Sa puso ko ay umagaw
At sa buong pagkatao ko'y sumaklaw
Sinusubukan kong sayo ay lumayo
Ngunit Ako'y pinapangiti mo
Mabigat na araw ko ay humahayo
Araw ko'y muli **** kinumpleto
At heto nanaman ako
Gusto ko tayo pero mukhang malayo
Imposibleng maging Ikaw at ako
Iyong mga mata'y nasa kabilang dako
Hanggang dito lamang at aking lilimitahan
Upang Hindi masaktan
Sa sampal ng katotohanan
At magising na lamang kinabukasan
Makita kang masaya at masigla
At sa akin ay ibinabalita
Ang natagpuang pagibig sa iba
At makita kung gaano kayo kaligaya
Wala na akong ibang hiling pa
Na tunay na pagibig ay iyong makamit na
Ating pagkakaibigan ay manatili sa tuwina
Dahil ito lamang ang sa aki'y matitira
Jun 7, 2018
Jun 7, 2018 at 10:40 AM UTC
sobrang hinahangaan Kita dahil napakagaling **** gumawa ng mga istorya,
mga istoryang tila talo na pero sa huli ay naipanalo Mo pa.
sa una'y aping api ang bida
pero di nakakapagtaka na sa huli sila ay naging masaya
dahil pangako Mo na hindi kami mag-iisa.
Hindi kami magiisa dahil Ikaw ay kasama,
kasama sa hirap at ginhawa, sa lungkot at tuwa,
talikuran man kami ng madla Ikaw ay hindi mawawala.
Ikaw ang napako hindi ang Iyong mga pangako
kasalanan naming lahat ay Iyong inako
Iyong pagmamahal ay damang dama saan mang dako.
Daan mang tinatahak ay bako bako
Direksyon mang sinusunod ay liko liko
Walang sapat na rason para kami'y sumuko
Dahil pinaglaban mo kami at hindi isinuko.
Oct 31, 2017
Oct 31, 2017 at 11:43 AM UTC
57 Sa bisperas ng kasalan muling nagkita
Sa kanilang tagpuan sina Birio at Alyna
58 Napagpasyahan nilang maagang umuwi
Bandang tanghali at ‘di na gabi
59 Subalit nang sila’y pauwi na
May pagsubok pa pala
60 Paligid nila’y umapoy
Mga nakapalibot na punungkahoy
61 Paano na sila makababalik ngayon
Sa kani-kanilang mga nayon
62 Mistula silang nakakulong
Sa isang naglalagablab na patibong
63 Sila’y tumaghoy ng saklolo
Sa lahat ng sulok at dako.
-07/19/2012
*Gintong Lupa Series
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 10:00 PM UTC