Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mundo'y kayganda,
Puno ng hiwaga,
Ng pasimulang likhain
ng AMANG DAKILA!!!

Ngayon ay saksihan,
Ganda ng sanlibutan
Di malirip na kagandahan at kayamanan,
Na ibinigay sa atin ang karapatan.

AMA NA DAKILA!
Lahat kami ay pinag-pala,
Sa aming kasalanan
Ay nagpatawad ka!

Nagbigay pag-asa
sa kaluluwang dukha!
Dukha sa Liwanag
ng Iyong Ganda!!

AMA NA DAKILA!
kami ay Iyong pinag-pala,
Binigyan ng pag-asa, sa
Di malirip na pagkakasala!!!

Sa ngalan ni JESUS NA IDINAKILA
Dahil sa pagsunod sa AMANG DAKILA!
Hindi nag-alinlangan
Hanggang katapusan,

AMA sana'y bigyan kami
Ng pusong masunurin
Pag-iisip na puno ng dunong
Mula sa Iyong katwiran na puno ng katotohanan,

JESUS na aming PANGINOON,
Bahala kana po sa amin,
na LIWANAG sa amin ng DIYOS!!!
Kami ay Iyong dalhin,
Upang AMA ay aming KAMTIN
Hanggang sa katapusan ng aming Lakarin,!
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
Eugene Dec 2015
Kaibigan, naalala mo pa ba?
Ang araw na lagi tayong magkasama?
Ikaw at ako, tayong dalawa,
ay masayang naghahabulan sa may kalsada.

Kaibigan, natatandaan mo pa ba?
Nagkasakit ka't sa iyo'y walang nag-alaga?
Mabuti na lang naroon ako.
Walang araw at gabing inalagaan kita.

Kaibigan, hindi mo ba nakalimutan?
Ang pagtangi kong mahal pala kita?
Nagulat ka, at napaurong ang dila.
Natigilan, natahimik, at mulagat ang mata.


Kaibigan, sa tingin mo ba?
Naiwaksi ko sa aking isipan na,
Mahal mo ako noon pa,
At hindi mo iyong sa'kin ipinagkaila.


Kaibigan, sampung taon na pala?
Ikaw at ako ay buhay pa.
Kahit uugod-ugod at matanda na,
Pagmamahalan natin ay tunay na dakila.


Kaibigan, mahal na mahal kita...
Friendship never die...
Eugene Feb 2016
Nilikha silang kaagapay ni Adan,
Sa hirap at ginhawa, sila'y naririyan,
Maging gabay sa hinaharap man o nakaraan,
At punuin ang gabi ng walang pag-aalinlangan.

Isa kang dakila at isang huwaran,
Isang ina at ilaw ng tahanan,
Mga anak mo'y iyong inaalagaan,
Winawasto ang bawat nilang kamalian.


Babae, ika'y kapita-pitagan.
Babae, ika'y hinahangaan,
Babae, ika'y karunungan,
Babae, ika'y kayamanan.


Katalinuhan mo'y lumalabas,
Katapangan mo'y naipamalas,
Kasikatan mo'y pumapaibabaw,
Kagandahan mo'y umaapaw.
Eugene Oct 2015
Isa kang dakila...

Sa bawat takdang araling
nais **** iparating,
Nakasalalay ang bawat marka
ng bawat estudyanteng
gustong matuto.

Bawat estudyanteng,
hinihimok mo at
tinutulungang pumasa,
nakapagninilay-nilay sila,
sa matayog na pangarap.

Isa kang dakila...

Sa matayog na pangarap
na sumisibol sa puso,
nang bawat mag-aaral,
ay kaakibat na kasiyahang,
hindi kailanman mabibili.

Hindi kailanman mabibili,
ng pilak at ginto,
ang karunungang iyong,
ipinunla't yumabong,
lumipad at naging matagumpay.

Isa kang dakilang...****.
Sofia Paderes Jan 2016
Di niyo ba alam
na nang pasimula ay nilikha ng Diyos
ang langit at ang lupa?
Na ang mundong ito'y
Kanyang binigyan ng hugis at anyo
gamit lamang ang mga salitang
dumaan sa Kanyang bibig?
Na nung sinabi Niyang, "Magkaroon ng liwanag!"
Nagkaroon nga.

Di niyo ba alam
na kaya Niyang humarang
sa agos ng dagat,
ipaawit ang mga bituin,
ipaluhod ang bulubundukin?

Di niyo ba alam
na ang kapangyarihan na ito,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para ibuo ang mga planeta,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para tigilan ang pag-akyat ng buwan
nung lumalaban sina Joshua,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para bigyan muli ng buhay ang yumao
ay nasa
atin
din?

Ito
ang Kanyang pangako:
Na tayo'y binigyan ng kapangyarihang
tapakan ang mga ahas at ang lahat ng kapangyarihan
ng ating kaaway

Di
niyo ba
alam na
may kapangyarihan sa pagsamba
sa Kanya?

Di niyo ba alam
na nung ikapitong ikot
sa ikapitong araw,
mga trumpeta at boses ng Kanyang mga anak
ang ginamit ng Diyos para ibagsak ang Jerico?

Sumigaw na tayo sapagkat
nasa atin na ang tagumpay
Sumigaw na tayo sapagkat
sa Kanyang pangalan ang pag-asa ng mundo
sa Kanyang pangalan,
lumiliwanag ang dilim
sa Kanyang pangalan,
lahat ng takot ay nadadaig

Sambahin natin ang Panginoon
ng buong galak
ng buong puso
nanginginig at mga demonyo
sa pangalan ni Hesus
tumutumba ang mga harang ng impyerno
sa pangalan ni Hesus

Tayo'y magkaisa,
itaas ang mga kamay
tayo'y magkaisa,
itaas ang iyong boses gaya ng mga trumpeta
tayo'y magkaisa

Sambahin natin ang Diyos na buhay,
ang Diyos na dakila!
Written as a call to worship during our church's prayer meeting. First Tagalog spoken word piece.
Taltoy May 2017
Heto't nag-iisa,
Malungkot at walang kasama,
Hinahanap ang ligaya,
Nabulag ng lungkot, saya'y di na makita.

Sapagkat hinahanap yung makakaagapay,
Sa mga panahong lumbay ang kaaway,
Kaya nga kay lungkot ng bakasyon ko,
Takot na ako'y limutin mo.

Ako sayo'y nangungulila,
Ang aking nag-iisang tala,
Ang hinahangad na makita,
Sa  gabing kay dakila.

Sayo, di gustong mawalay,
Ang laman ng damdamin kong tunay,
Ayaw kong ako'y mapang-iwanan,
Mapang-iwanan at makalimutan.

Ako'y  takot sa katotohanan,
Na sa buhay, walang pang walang hanggan,
Na ang lahat ay may katapusan,
Na ang lahat ay pwede kang iwan.

Walang magagawa, yung ang totoo,
Kaya damdaming ito'y itatago ko,
Kaya ang tiwala ko'y ibubuhos ko sa'yo,
Tiwalang ako'y maaalala mo, kaibigan ko.
Dahil sayo'y napalapit na, di na gustong mawalay pa.
Jun Lit Oct 2018
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan,
Enero, Pebrero, Marso ng kabataan
Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam
balatkayong pinasikip ng mga agam-agam
mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham
sa yungib ng pipíng isipan.

Sa pagtalikód ko’y hiniwa
ng balaraw ng panghihinayang
ang banig na naidlip saglit
sa magdamag na paglalamay
banig na nilala ng mga dekada
mula sa mga hibla ng pagsusumikap.

Paalam,
kaibigang nabingi sa tawag ng luho
Walang alinlangang maririnig mo rin
ang tibok at bulong ng puso
Ninais ko sanang samahan mo ako
at ating anihin
ang mga uhay na mula
sa binhing ipinunla
sa mga alapaap.
Ninais kong lasapin
ang matamis na bunga,
pinahinog ng tiyaga
at patuloy na pag-asa.

Subalit
dagtang makapit,
luhang mapait,
kumikirot ang lupa
sa patak ng namuong dugo
ng bayaning nagbuwis
ng sariling pagsuyo.

Kikitlin ng Nobyembre
ang bawat naiwang himaymay
sa lamig ng yakap ng amihan
- akala’y dakila ang dayuhang niyebe.
Mamamaluktot muli sa maigsing kumot
hanggang sa magising
sa aguinaldo ng Disyembre
at pagpasok na naman ng Bagong Taon
walang kamatayang panahon
aasa na naman sa ****
na iba ang pangako at iba ang tugon
sa dalangin at maraming tanong

Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
Oktubre - Filipino word for October; for several years now, sometime within my birth month, I unconsciously start to reflect on events in my life and the places I call home.
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sona-sonahan, madilim na naman.
Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo
Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko
Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?"*

Pag si Juan ang nagsalita,
Nag-aalitan ang madla.
Pag tikom ang bibig,
Siya'y bulag raw sa maralita.

Pag nilatag ang naplantsa,
Lalatiguhin ng administrasyon.
Pag walang plataporma,
Ihahagis sa bangin ng suhestisyon.

Kalaban pala nati'y ang sariling atin,
Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig
Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad
Mapait ang kapayapaan,
Dakila ma'y kanilang binabagsak din.

Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin
Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan
Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya
Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista.

Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil
Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan
Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan,
Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay.
Yuyuko na lang ang nasa langit
Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak --
Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid,
Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan.

May iilang nagtatanong,
May iilang walang pagtataka,
Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong
Kaya't iba na lang ang nakikinabang
Puspos sa distansya
Ng kamalian ng nakaraan.

Hugas-kamay ang iilan,
Simpleng hindi batian,
Wika nga ba ng pagkakalimutan?
Parang away-kalye, away-bata
Aso't pusa, sa lipunang
ang hepe'y sila-sila lang din.

Batu-bato pik, naglalaro ang iilan
Bukas tataya na naman sa lotto
At pag natalo'y iiyak na lang,
Bibigyan ng tsokolate,
Pangako para sa matamis na pag-iibigan
Ngunit balat lang pala,
Mapagbalatkayong himagsikan
Tapos, hahanap ng Darna
Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
kingjay Jan 2019
Nahahabag sa sinta
Tulad ng dapit-hapon, ang araw ay papalubog na
Ang pangkukulam ay hindi magagawa
Diyos na dakila na ang bahala

Sa bagong paraiso'y maninirahan
kung saan ang bundok ay hinahampas ng alon ng dagat
Ang kalungkutan ay malumanay nang sinasakbibi ng puso na dinuruan ng pag-ibig

Kung sakaling mapunta sa dating tahanan
Ang Liham sana'y mahanap
Sapagkat sa mga naisulat naipapakita
na nasa puso't diwa si Dessa lang ang nilalaman

Ang pag-ibig ay buhay
at ang mga buhay ay nangagsipanaw
Kung gayun ang pag-ibig ay nangagsipanaw na din gaya ng buhay ng takipsilim
091222

Dakila ang Iyong Ngalan —
Walang makapapantay Sa’Yo.
Ikaw ang Himig sa aming pagsamba,
Ang Liwanag sa mundo naming kaydilim.

Ilapit Mo kami Sa’yo,
Nawa’y ang aming pagsinta’y
Maging kanais-nais na samyo
Sa trono **** banal
At sa pag-ibig **** hindi pabagu-bago.

Hubad man ang aming pagkatao’y
Hindi ito naging hadlang
Para kami’y Iyong tawagin —
At kusa **** akayin
Ng wagas **** pag-ibig
At bihisan nang walang anumang bahid
Ng paghuhusga’t pagkukutya.

Putik man ang aming pinagmulan
Ngunit kami’y Iyong hiningahan
Ng buhay na sa huli’y
Sa’Yo rin ang katapusan.
Ikaw ang simula at ang wakas —
Sa’yo nagmumula ang dunong at lakas.

Sa’yo iaalay ang buhay na hiram
Sa’yo igagawad ang lahat ng papuri’t pagsamba.
Salamat, Panginoon! Ikaw ay Dakila!
Maligayang Anibersaryo, LifeChurch!
Kaybuti ng Diyos!!!
061224

Malaya kong isisigaw ang Ngalan Mo —
Dakila Ka,
Dakila Ka ngang talaga.

Saksi ako sa kabutihan Mo
Sa buhay kong balang araw
Ay babalik din sa alikabok —
Na ang bawat pangako Mo’y
Mga balang lumagablag sa aking kaibuturan.

Saksi ako sa pag-ibig ****
Umaakap at umaakay sa akin
Pabalik at papalapit Sa’yo —
Ang pagmamahal **** kusang ibinibigay,
Ibinubuhos, mabuhay lamang ako.

Saksi ako sa grasya **** umaapaw,
Nalulunod ako Sa’yong pag-ibig
At sa Liwanag Mo’y nabubulag ako
Hanggang sa…
Hindi ko na masilayan
Ang dati kong pagkatao.

Nagbago na pala ako,
Ako’y binago Mo.
Malayang-malaya na pala ako,
Ako’y pinalaya Mo.

Dakila — ‘yan Ka,
Mahal — mahal Kita, Ama.
Eugene Nov 2015
Nilikha man akong walang mga mata,
Mayroon naman akong maibubuga.
Nariyan ang aking dalawang tainga,
Nakikinig sa bawat matatabil niyong dila.
May dila rin akong nakakapagsalita,
At bukambibig sa isipan ang inyong pag-aalipusta.

Ano ngayon kung wala akong mata?
Ano ngayon kung hindi ko kayo nakikita?
Ano ngayon kung paningin ko ay nawala?
Nabawasan ba ang pagmamahal ko sa Diyos na Dakila?
Naging suwail ba akong anak katulad ng iba?
O nagrebelde dahil sa wala akong kwenta?

Nawalan man ako ng ilaw sa aking katawan,
Madilim man ang landas na aking dinaraanan,
Masaya naman ako sa loob ng aming tahanan.
Sina Ama at Ina'y lagi akong ginagabayan.
Inaruga, minahal, at hindi pinabayaan.
Laging pinapaalalang, ako'y biyaya sa kanilang kanlungan.
Danica Oct 2019
Isang halimbawa ng magandang asal
Mumunting dasal kanyang inuusal
Pambihirang talino,  dedikasyon at dangal
Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal

Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga?
Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga
Sa aking agam agam,  tunay siyang pamilya
Mula sa isip,  sa puso at sakanyang mga gawa

Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag
Laban sa tanghali upang isip ay malinangan
Kanyang ituturo talagang kaabang abang
Ito’y magagamit bilang pananggalang

Bilang anak at estudyante ako ay humahanga
Isa kang modelo, isang tunay na dakila
Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula
Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula

Sa iyong mga mata,  may kislap ng Pag-asa
Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa
Umalis man o mawala kasama ka sa gunita
Mabuhay ka!  Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
Tula para sa mga ****,  pagbibigay karangalan sa kanilang ambag sa ating lipunan, kung wala ang mga ito mararating ba ng bawat kabataan kung nasaan sila ngayon?  Tayo'y sumaludo sa ating mga ****.
Pusang Tahimik Jan 2022
Hangal na humahagilap ng salapi at material
Hangal na ipinagkakait sa kanya ang pagmamahal
Hangal na di lumalakad sa kanyang ipinangaral
Hangal na di makita ang halaga ng kanyang pagpapagal

Lubusang lumayo sa inaasahang pangako
Nagpalakad-lakad sa mapanganib na dako
Nagpaikot-ikot sa isip na liko-liko
Mga sumpa ba'y tuluyang mapapako?

Hangal na sumasabay saan man ang agos ng ilog
Gising nga ngunit patuloy na natutulog
Madadaya ang lahat ngunit sarili'y di mabibilog
Hahayaan na nga lang ba sa dilim ka mahuhulog?

Dakila nga sa lahat ng mga hangal
Bukas ang isip ngunit walang pagmamahal
Ano ba ang nais **** parangal
Ang buhay na Dakila o kamatayan ng Hangal

-JGA
Pusang Tahimik May 2019
Ano ang dahilan at tila
Sumusulat ka ng tula
Upang aliwin ba ang madla
O sambahin ang  mga dakila?

Sapat nga ba ang aanihin
Sa ihahasik na pagkain
Ito nga ba ay diringgin
Ng pusong malayo ang tingin?

Kung tapos na ang simula
Ano pa ang mapapala
At kung wala nang manunula
At patay na ang tula?

Sino ang makikinig
Kung higit na nananaig
Sa kumpas ng aking bibig
Ang maingay na sahig?

Walang may nais umunawa
Sila'y pagod na't nagsawa
Nais ay mabilis na ginhawa
Sa isip na nakakaawa

JGA
Patay na nga ba ang tula?
Jun Lit Sep 2017
Makulimlim ang kalangitan
habang pilit kong inaaninag
kung ikaw ay nasaan
Mga palad natin kapatid
kung hindi man nagkadaupan
Tukoy kong iisa
ang ating pinagmulan

Mapula, kulay-dugo,
ang agaw-buhay na liwanag
sa likod ng mga ulap
Alam kong lumubog na
ang araw sa kanluran

Hinihintay ng katuwang sa buhay
ngunit ang sagot mo sa mga panaghoy
ay hindi marinig ng naulilang pandinig.
Hinahanap ng mga magulang
ang anak na inaasahang
sa takdang panahon
sa kanila’y maghahatid sa himlayan.

Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Liku-likong landas tungo sa mithiin
ng Sambayanang hindi palaring
pamunuan ng mga bayaning magigiting
sa halip na mga kawatan at mga salarin

Mabato, matarik, ang piniling lakbayin
Ngunit hindi ka natakot na ito’y tahakin
Hindi ka umurong at di mo pinansin
ang mga pasakit, ang mga pasanin.

Dakila ka, kapatid
At ang ‘yong paglisan, may hatid mang lungkot
na ang punglong malupit, takbo mo’y tinapos,
hininga mo’y nalagot
At sa huling bugso,
tatabunan ng lupang kalayaan ang dulot
mula doo’y sisibol, sanlibong punlang aabot
hanggang sa dulo, hanggang sa tugatog
Aalalahanin ka sa araw ng tagumpay at pagtutuos
Para sa Sambayanan, bawat puso’y sasabog!
Ronna M Tacud May 2021
Siya'y aking Ina na kung tawagin
ng iba'y 'Ilaw ng tahanan'.
Dugo't pawis ang kanyang natamo
upang kami'y maitayo.
Sa hirap nang buhay siya'y aking
tinitingala dahil siya'y dakila.
Anumang unos ang dumating
siya'y handang sumalungat.
Upang kami'y maprotektahan at pagka-ingatan.

Aking Ina, paano kami kung wala ka.
Paano ang aming kinabukasan kung
ika'y wala sa aming tabi.
Sino ang aahon at tutulong sa pagsubok na aming haharapin.
Sino ang sisindi ng ilaw kapag kami'y
pumanig sa karimlan.
Sino ang gagabay at patuloy na gumagabay
sa pamilyang binuo ng isang matapang na mandirigma.

Paano kami kung wala ka, aming Ina!
Ika'y Ilaw sa loob ng aming tahanan.
Ang siyang aming sandigan sa bawat suliranin na aming pinagdadaanan.
Mahal naming Ina, salamat!
Salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinuhos mo bawat isa sa amin.
Ang tanging hiling ko lamang sa Dios ay kung sana'y ika'y pagpalain.
#Ilawngtahanan #mahalnamingina #Inay #salamat
Manunula T Apr 2018
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,
Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,
Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling
Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!
#pagmamahal at Panganib
patrick Nov 2019
ano ang aking ginawa
upang ibigay ang pagpapapala
makilala ang taong nag iisa
nagpakita ng kabutihan at pagibig na dakila

aking iniisip ano naman ang kapalit
pag ibig na tunay o isang pait
ikaw na sana ang sa huli makasama
sa bawat sandali ng oras at sa tuwina
Enero Diez y Otso, Dos mil Kinse
Kayrami paring mga sumalubong sa kalye
Unang tinungo Unibersidad ng Santo Tomas
Tuloy parin ang pangaral at pagbasbas
Nakipagkita mga pinuno ng ibang relihiyon
Humingi ng pag-unawa at kapayapaan sa mga nasyon
Nakinig sa hinaing ng mga kabataan
Inalo isang batang babaeng luhaan
Huling tinungo ang Grandstand sa Quirino
Kung saan may pinakamaraming dumalo
Tinig ng koro nakapangingilabot
Mensahe ng Dios abot na abot
Oh anong saya nang tawagin ng Santo Papa
Na dakila ang aming munting bansa
Ngayong kapistahan ni Santo Niño
Kanyang ipinaalaala halaga ng mga bata sa mundo.

-01/19/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 319
Jun Lit Jan 2022
Jose Rizal ating paksa
Naturalista nga kaya?
Sagot nati’y “Tunay! Sadya!”
Dangal ng Lahing Dakila

Mga aral na pamana
Ng bayaning ating bida
Kalikasa’t Baya’y t’wina
Mahalin at Laging Una
Translation:
Jose Rizal - today's talk list
Was he really naturalist?
Our conclusion Of course! Indeed!
The Great Honor of a Proud Race.

The lessons learned, the legacies
of this hero that here we praise
Nature and People - for always
Love them and push their welfare first

Note: Dalit Poem presented as conclusion of a talk on Jose Rizal as Naturalist

— The End —