Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bumubuka" poems
Unang gabi sa huling sandali Nag-aagaw ang ilaw at dilim Katahimika'y namamayani. Nakatayo sa gilid ng bangin Isang hakbang tungo sa libingan Nakapikit ngunit nakatingin. Sumilip ang buwan sa kalangitan Hudyat ng katapusan ng duyog Tuluyang bumukas ang pintuan. Lumiyab ang bawat alikabok Mga alitaptap na dumadapo Sa bawat sugat nangingimasok. Buhok ay nagsimulang lumago Sabay sa pag-ikli ng hininga Nagpupumiglas sa bawat pulso. Isang bulaklak na bumubuka Dugo at ginto ang tanging dilig Usbong sa hungkag at tuyong lupa. Buto at laman ay nanginginig Balat ay nagsimulang uminit Halik ng apoy sa pulang tubig. Umuungol sa bawat pagpunit Likuran na may bagong pasanin Ngipin na sukdulang nagngangalit. Nakalutang sa payak na hangin Kamay ang nagsisilbing kandila Maglalakbay sa tulay na itim. Isang sulyap bago kumawala Ibinuka ang pakpak na pilak Huling yugto ng pakikidigma.
0
Nov 18, 2018
Nov 18, 2018 at 11:28 PM UTC
ELUSIDASYON / GARGUWALYO (Gargoyle Terza Rima 1)
Sawa na ako sa ideya ng Pag-ibig Sawa ka na rin ba? Sa pagbulong, paghikbi at pag-asa? Dahil minsan mayroon akong nakilala Isang bulaklak ng sampaguita Bagamat di pa tuluyang bumubuka Dinudumog na ng labis na pagsinta At minsang umibig rin siya At hinayaang pitasin ng isang binata Ipinagkaloob ang taglay na kamurahan at bango Isiniwalat lahat ng pinakatatago Araw ni Valentino nang muli siyang nakita Nangungulubot na ang kanyang mumunting petalya Muli kong napansin na ang pagsinta Katulad rin pala niya May panahon ng pag usbong May panahon ng pagkamatay Hinubog na ideya sa ating isipan Na ang pagmamahal ay walang katapusan Iyan ang dahilan kung bakit sawa na ako Sa ideya ng pag-ibig
0
Jul 12, 2016
Jul 12, 2016 at 2:21 AM UTC
Sawa na ako sa Ideya ng Pag-ibig
Humahagibis ang hangin sa dalampasigan Kaya ang mga dahon nagsisipagaspasan At kung tumila ang simoy ng Amihan Alaala'y bumabalik nang walang pakundangan Mahamog na ang kapaligiran Malamig na rin ang kaparangan Sa pagtaas ng alon sa aplaya Ay sumasabay ang pagbubuntong - hininga May saliw ang karoling Himig ng pasko'y umaadya sa damdamin Ngunit pansamantala ang dulot na aliw Sa maghapong pangunguyumpis Hindi na bumubuka ang bulaklak Ng itinanim kong Rosas Hindi na gaano maliwanag ang kislap ng tala Dahil ba sa hukluban na't yumuyukod O nasisiphayo ng pag-ibig Ang pangakong hindi maghihiwalay ay kanyang tinalikdan Ngayon nag-iisa na humihimlay Kasama ang yakap ng lumbay Hindi ko kailangan na manimdim Sapagkat tunay at wagas siyang inibig Bakit taliwas ang bawat wakas At maunsiyami sa mga hiraya Saan-saan na lang ibinaling ang paningin At iniba ang hilig Ngunit sa paghinto ng paghalakhak Hindi ko maiwasan ang umiyak Nalugami sa pagmamahal At kung mabuksan muli ang puso Malaman niya sana na siya ang dahilan Ng paghibik sa pasko
0
Dec 19, 2019
Dec 19, 2019 at 11:43 PM UTC
Paghibik sa Pasko
Oo, tigang ako. Tigang sa katawan ng tao. Sa haplos ng malalambing na wika na ilang beses hinaplos ang mga taingang sanay lamang sa palo. Sa halik ng atensyon na kay tamis lalo na sa mga oras ng lungkot. Sa pagpasok ng ideya na pag-ibig na pilit pinupunit ang dingding na noon pa butas-butas ngunit unti-unting bumubuka. Tigang ako sa palabas at pagpasok, labas at pasok ng anumang klaseng pagpapaibig. Basta't masarap, matamis, at maaaring ulit-ulitin, aking ibubuka ang sariling tigang sa pag-ibig.
0
Oct 8, 2017
Oct 8, 2017 at 11:30 AM UTC
Tigang
Matatawag bang kausap? Taong nasa iyong harap Kapag isip ay sa ulap Kahit na ano pang sikap Bagamat sadyang mahirap Kung salita'y hinahanap Bibig man ay bumubuka Pero agad nawawala Sa mga tingin ng mata Na nais lang na makita Sasabihin na'y nakuha Dahil sa kariktang dala Pagka't hindi naman sanay Sa pagbibigay ng kulay Ng aking mumunting buhay Ngunit laging nasisilay Ang ngiting nananalaytay Sa maliliit na bagay
0
Oct 9, 2019
Oct 9, 2019 at 4:55 AM UTC
Tingin ang Magsasabi