Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bumisita" poems
#090316 Naabutan mo ba ang Chinese Garter o 10-20? Luksong-lubid, Tagu-taguan, Piko o Patintero? Alam mo ba yung Yes or No? Gumuhit ka ng kahong pahaba't Hatiin ang mga ito, marahil mahabang proseso Mahalukay lamang ang tamang istilo. Titingala't magtatanong, "Yes or No?" At may magbabatuhan ng boses ng pagsilong. Paano kaya kung ganoon kadali Kung kaya **** magpatawad Nang bukal sa puso't walang gitgit. Hanggang kaya mo nang ipaubaya ang galit sa Langit, Hanggang kaya mo nang lumaban na may sariling paninindigan. Pagpapatawad Sa mga nanakit sayo, Sa mga nasaktan mo, Maging sa sarili mo. Kaya mo ba? Yes or No? Bumisita ka sa Palengke, Tiyak bistado mo ang 'yong sarili. Hindi ba't pag mahal, humihingi ka rin ng tawad? Pag di ba pinagbigya'y galit ang ibabayad sa Tindera? Oo, mahal kasi; sobrang mahal Kaya sana'y lambingin ng "oo" ang "patawad" niya. May oras para sa lahat; Maging sa paghilom ng Bayan, Sa pagdidildil ng Asin sa sanlibutan, Na Siya ring naghasik Ng mga butong nagkalaman sa Lipunan. Bahagi ka ng Tulang ito, isang tulang pasalaysay - Payak at walang bahid na pagkukunwari. Ibabalot ko ang tanong na "Yes or No?" Batang 90's, iba na nga pala ang timpla't Magkakaubusan na naman ng mga letra't himig. Sige, magtatapos ako Sayo, Pagkat Ikaw naman ang taya sa buhay Mo. At ito na marahil ang Pagtatapos Na Ikaw rin ang Panimula. (P.S. Tapusin Mo, sa muli nating pagkikita)
0
Sep 3, 2016
Sep 3, 2016 at 8:37 PM UTC
Batang 90's
Kung sakaling ikaw ay magbalik, huwag mag-atubiling hanapin ako. Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik na buksan muli ang matagal nang sarado. Bumisita ka sa amin, kumatok sa pinto at mag-abang. Kapag hindi ka agad papasukin, dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang. Maaaring hindi ko lamang narinig ang katok **** nag-aalinlangan. Paki-usap, huwag hayaang manaig ang dudang tatlong taong napag-ipunan. Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako paminsan-minsan kung may tao sa labas. Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas. Kapag magkasalubong ang ating sulyap at tayo'y muling sapian ng pagnanasa, kimkimin muna natin, idaan sa yakap pag-isipan kung handa nang muling magtaya. Anumang daan ang tahakin, pag-ibig nati'y walang kupas Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin, mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas. Kung sakaling hindi ka magbalik, sisikapin kong maghanap sa'yo. Aabalahin kita, dahil ako'y sabik na mapagsaluhan natin ang mundo.
0
Jul 25, 2012
Jul 25, 2012 at 3:01 PM UTC
Kung Sakaling Ikaw ay Magbalik (If Ever You Return)
Ako’y isang Pilipina Na nagtungo sa Tsina Upang bumisita Sa maysakit kong lola. ‘Di ko na ipinagtaka Kung ako’y ‘di nakilala Sapagkat siya’y ulyanin na. Ang ‘di ko lang malimutan Nang ako’y pagkamalan Na isang taga-Kanluran. ‘Pagkat ang sinabi ba naman “Hey, what are you doing here, woman? Do I know any American?” My gosh! Sa laking gulat ko Mga mata ko’y nanlobo At nawalan ng malay-tao. Nang ako’y magising Mga ilaw nakaduduling And everybody’s dancing. Ako’y nasa diskuhan nga pala Nalasing at naidlip tuwina Gayak panggala, pusturang pang-Kana. Buhok na kinulayan Labing nilipstikan Mukha nga akong American. Para sa mga di-makaunawa At mga Maria Clarang Pilipina ‘Wag niyo akong itatwa. Kung si Rizal nga’y naka-Americana Ako pa kaya? – Modernang Pilipina! -07/30/2008 (Miagao) *for Kim Carlm Jagorin in PI 100
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:05 AM UTC
Pilipinang Kana