Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"binulong" poems
*ilang beses na ba akong ngumiti ng magisa habang iniisip ko ang mga panahong kasama kita ilang beses na ba akong umiyak sa aking kwarto habang tinitiis ko ang sakit at pighati sa aking puso ilang beses na ba ako umiling upang mawala ang alaala mo saking isip ilang beses na ba ako nagbuntong hininga upang mailabas ang lungkot na aking nadarama ilang beses na ba akong nagsulat ng liham na hindi ko naman naibigay kahit kailan ilang beses na ba akong gumawa ng tula tungkol sa pagibig na di ko naman maipadama ilang beses ko na bang binulong sa hangin na mahal kita, na mahal kita kahit magisa lamang akong umiibig* Sept 30, 2016
0
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 10:59 PM UTC
Ilang beses na ba?
Sumikat ang araw sa puso ko Tinangay ang mga ulap sa isipan Sa wakas may ngiti na sa mga labi ng umaga At ang gabi ay tumahan sa lilim ng iyong mga mata Ang kinang ng mga tala ay lumulutang sa ibabaw ng karagatan Habang ang oras ay naglalayag sa asul na kalawakan Mga salita kong binulong sa hangin Naging paru-paro sa iyong mga kamay Mga paa kong ligaw ay nakatagpo ng hiwaga sa mga yapak mo At sa himig ng mga iiwanang bakas ay mananatili tayo.
0
May 11, 2019
May 11, 2019 at 12:34 AM UTC
Sa araw ng tag-init