Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"binoto" poems
Ewan ko ba kung bakit Sa pag-ibig may politika Kung sinong mas may kapangyarihan sa puso mo Kung sinong kayang bayaran yang mga ngiti mo Kung sinong may kakayahang patahanin yang luha mo O paagusin nang walang patumangga Ano nga bang kapangyarihan ko? Kundi makinig at makisimpatya-simpatyahan Punasan ng mahimulmol na panyo ang mga pisngi mo O ngitian at kulitin ka para di mo naman maisip ang mga problema mo Ano nga bang kakayahan ko kumpara sa kanya Kung binigay ko na lahat ng karapatang ari para sa'yo Ano bang laban ko kung siya ang may hawak ng property rights mo? Hindi ba krimen na ang tawag kung magnanakaw ako ng tingin sa'yo? Pero bakit di ka pa nakukulong sa puso ko kung ilang beses mo na akong pinapatay? Bakit ba wala akong lakas na gumanti sa tuwing sinasaktan ka niya? Dahil ba sa nakapanghihinang pakiusap mo? Sa malakas na pagtutol ng mga mata mo? Maraming dahilan yan kaibigan. Pero dahil politika ang pag-ibig, siya ang binoto mo at hindi ako Siguro dahil siya nga ng napusuan **** kandidato. O sadyang walang dating ang pagpapapansin ko O dahil masyado mo na akong kilala na di mo nais na maging isa ako sa tatakbo Nais **** siya naman ang maglingkod sa'yo Kasi hindi ko alam, ang sabi mo kasi mahal mo siya Alam mo ba ang salitang yan? Sapat upang magpaguho ng mga buhay at kinabukasan Hindi ko, ngunit mo Pinalampas mo ang pagkakataong Paglilingkuran kita na parang isang prinsesa Kung ano ka naman talaga Naiinis ako sa tuwing pinagmumukha ka niyang pulubi at walang silbi Ikaw naman nililito mo siya Binabato ng mga paratang Tama na Mahalin mo rin siya ah Kasi di naman siya maluloklok kung di mo pinili Pinili mo yan Magdusa ka Kahit pa mahal kita Eh kung sa di mo ko nakikita Ni binilugan sa balota Paano ko pa ba ipakikilala ang sarili ko? Kailangan bang masabing kayo upang mabigyan siya ng kapangyarihan sa'yo? Pwede naman kitang paglingkuran kahit di ako pinili mo Pwede naman kitang mahalin kahit kelan ko gusto Kaya kong gawin lahat 'yon --- Kahit walang pondo kundi ang puso ko Kasi independent party ako At ang katotohanang walang tayo Di magiging tayo Na sinampal mo sa aking mukha noon pa mang naging magkaibigan tayo Tanggap ko Wala naman akong hinihinging kapalit Gusto ko lang masaya ka sa napili mo At sana panindigan niya ng pagpapahirap sa damdamin mo Kasi tangina kinuha niya lahat ng binigay **** buwis at pawis Di man lang nagtira upang mabigyan ako Pero sige na Tama na'to Wala nakong maramdaman Isang kasinungalingan Paalam na Sana magtagal pa ang termino Administrasyong binuo ng pag-ibig niyo
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 3:00 AM UTC
Poli--teka?

Continue reading...
66
Ang nakaupong tiwali— siya ang binoto ng masa. Sa manggas ng kanyang barong, panganib ng maralita May kinang ang kan’yang ngiti mapungay ang mga mata Sa bawat pangakong lahad ay pagsibol ng pag-asa. Pag-asa na tayo'y ligtas ay naging katakot-takot. Para raw sa Inang Bayan, peligro na nakabalot. Ang salitang bulaklakin ay daglian ding nalanta kapalit ang pagtungayaw, at banta ng direktiba. Hindi natin inasahan— bahid ng dugo sa daan. Mga kamay, nahugasan ngunit hindi ang lansangan. Sa lapida nakaukit ngalan ng mga biktima. Sunod kayang tatahimik ang silang may pinupuna? Hapis ng inang nawalan, “Crispin, Basilio, anak ko,” oyayi ng Inang Bayan. “Pasismo! Peligro rito!”
0
Aug 22, 2020
Aug 22, 2020 at 10:55 PM UTC
Danak ng Dugo
Tinugis ka ma’y Buong bayan ang nagtiis Ika’y reyna ng katiwalian. Maghugas kamay man Putik ng katiwalian Babangon sa hukay Siya’y bangungot Sa’yong paghimbing. Sa Senado’y Sino ba ang salarin? Niluklok at binoto Hindi para manloko Kawangis nila’y Naging isang delubyo. Itong si Juan Pulubi na nga Pinamihasaan nyo pa Kaban ng bayan Winalis nyong bigla. (12/2/13 @xirlleelang)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:22 PM UTC
Ang Pamimihasa ng Tropang Napoles