Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"binaliwala" poems
Ilang beses mo na akong napatawa Maraming beses na rin tayong naging masaya Sa piling ng isa’t isa Di na rin mabilang  ang pagkakataon Na naisip ko na sa aki’y mahalaga ka Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita Sa bawat sandaling kapiling kita Tila buong mundo koy napakasaya Kasi sa harap mo, pwede ang ‘just simply me’ kung baga Dahil tanggap mo ang buong ako, Walang bahid ng panghuhusga Kaya sa buhay ko talagang mahalaga ka Pero huli na nang malaman kong mahal pala kita Isang araw nagising nalang ako Naisip ko Na higit pa sa pagpapahalaga ang nararamdam ko para sayo Pero binaliwala ko ito, Sa pagaakalang pansamantala lang to Sinikap kong mawala ang nararamdaman ko Kaya naisip koy pansamantalang lumayo sayo Pero di ko na namalayan na masyado na palang lumayo Ang dating ikaw at ako Tila nakalimutan mo na rin na naririto pa ako, ang tayo Ngayon ibang tao na ang kapiling mo May pumalit na sa posisyon ko Na dati’y sa tabi mo Tuluyan na ngang nawala ang mga pagkakataong Tumamatawa ko, masaya ako sa piling mo At saka ko pa lamang nalaman, Na Mahal pala kita MAHAL KITA. PERO HULI NA.
0
Jul 23, 2015
Jul 23, 2015 at 8:28 AM UTC
Huli na nang malaman kong mahal kita (TAGALOG)
Hindi kita gusto sa una nating pagkikita, Ngunit, muli tayong pinagtagpo, at ito'y umusbong na. "Ayoko, ayoko nito." "Mahirap, mahirap ito." Mga salitang nabanggit ko, habang ako'y nakatitig sayo. Simula noong araw na iyon, nagtanong- tanong na ako, tungkol sayo. Gusto kong malaman ang pangalan mo, Gusto kong malaman ang mga hilig mo, Gusto ko lang makaalam ng kahit ano, tungkol sayo. Nabalitaan kong sikat ka raw, Talaga ba? Marami raw nagkakagusto sayo? Edi mas bumaba ang tsansa ko, upang mahalin mo? Masakit mang isipin, pero ito ang totoo, Masakit mang isipin, pero hindi ako ang mahal mo. Nagdaan ang ilang araw, Natuklasan ko, Paasaa ka, pafall ka, Pero mahal parin kita. Oo crush lang kita, Pero gustong gusto kita, higit pa sa kanila. Isang araw nabalitaan ko, Balitang dumurog sa puso ko. May ka-M.U ka raw, may nililigawan ka raw, at ako namang si t*nga, Hindi naniwala sa kanila Mas pinili ko pang umasa, Sa taong wala naman akong pagasa. Pero nung makita ko, Nung makita nang dalawang mata ko, yung paghaharutan niyo, Napaisip ako, "Bakit ganito kayo?" Nasobrahan ba yung pagka- bulag ko para sayo? Nasobrahan na ba yung pagmamahal ko para sayo? Upang ako'y masaktan nang ganito? Pinilit kong ihinto ang pagmamahal ko sayo, Ngunit mas lalo lang kitang ginugusto. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito, Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako. Ang sakit na iyon ang nagturo sa akin, kung paano kumalas, Kumalas sa relasyong ako lang ang lumandas. "Ayoko na, ang sakit sakit na." Ngayon, pinapakawalan na kita. Susuportahan kita kung saan ka sasaya, At yun ay sa piling niya. Bumitaw ako, ngunit hindi ibig- sabihin non, ayoko na sayo, Gusto kita, tandaan mo yan, Ngunit hindi ko yata kayang lumban, Sa pagmamahalang, ako lang ang nakakaalam. Lumipas ang ilang buwan, Sinabi mo mahal mo ako, Sabi mo, ako lang ang yong gusto, Ano 'to lokohan? Pagkatapos mo akong iwan, ngayon ako'y babalikan? Oo mahal kita. Mahal kita noon, Pero binaliwala mo iyon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang ako'y sumuko na? Bakit ngayon pang ako'y nasaktan na? Bakit ngayon pang ako'y masaya na... SA PILING NG IBA?
0
Jun 29, 2017
Jun 29, 2017 at 6:45 AM UTC
Bakit ngayon pa?

Continue reading...
64
Oo tanga ako Tanga ako kasi umasa ako sa iyo Umasa ako na balang araw ay magugustuhan mo rin ako At umasa ako na balang araw makakapasok din ako diyan sa puso mo Na balang araw ay magiging mahalaga din ako sa iyo At mapapatunayan ko na may nagmahal sa akin ng totoo Pero wala,wala dahil akoy iyong binaliwala At mas pinili mo pa siya Siya ang tingin sa iyo ay sobrang baba Siya na kahit kailan ay hindi ka pinahalagahan Siya na naaalala ka lang kapag siyang malungkot ay nalulumbay Pero pilit kong tatanggapin Dahil desisyon kong maging tanga at alipin Sa sarili kong damdamin At sinasabing nagmahal lang, nagmahal lang ako mali ba itong isipin?
0
Feb 26, 2017
Feb 26, 2017 at 5:25 AM UTC
Nagmahal Lang Ako
Patawad kung hindi ko nasabi amg mararamdaman ko. Patawad kung hindi ko binigyang halaga ang mga oras na naibiga mo sakin. Patawad kung nagkamali ako ng akala na hindi mo ako mahal. Patawad kung pinag hintay kita ng matagal. Kahit humingi pa ako ng tawad, Dahil huli ko ng nalaman na may nararamdaman pala ako sayo. Dalawa sana tayong mag kasama ngayon. Kung hindi ko binaliwala ang nararamdaman mo.
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 7:59 AM UTC
Patawad