Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
john-michael-s-daroy
Trece Martires City
Oo tanga ako Tanga ako kasi umasa ako sa iyo Umasa ako na balang araw ay magugustuhan mo rin ako At umasa ako na balang araw makakapasok din ako diyan sa puso mo Na balang araw ay magiging mahalaga din ako sa iyo At mapapatunayan ko na may nagmahal sa akin ng totoo Pero wala,wala dahil akoy iyong binaliwala At mas pinili mo pa siya Siya ang tingin sa iyo ay sobrang baba Siya na kahit kailan ay hindi ka pinahalagahan Siya na naaalala ka lang kapag siyang malungkot ay nalulumbay Pero pilit kong tatanggapin Dahil desisyon kong maging tanga at alipin Sa sarili kong damdamin At sinasabing nagmahal lang, nagmahal lang ako mali ba itong isipin?
0
Feb 26, 2017
Feb 26, 2017 at 5:25 AM UTC
Nagmahal Lang Ako