"basahan" poems
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa
-Tula VI, Margaret Austin Go
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 7:07 PM UTC
Sana makapaghabi ka ng magarang tula
gamit ang tira-tirang retaso ng puso ko
Maiibsan ang kirot sa pagkakaalam
na muling mapakikinabangan
damdaming nagmistulang basahan
Heto pa ang mga luma kong luha
Tambak, nagkalat, 'di na alam saan nagmula
Kiluhin mo na't gawing sining
Nang may malugaran,
sariwang luhang nagbabadya pang dumating
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 11:26 AM UTC
Hindi mo ko minahal.
Hindi mo ko minahal.
Ginawa mo lang akong basahan,
isang tela na pupunitin
para lang matakpan at maalis
ang dumi mo para mag mukhang malinis
ka sa iba
Hindi mo ko minahal.
Nagsilbi lamang akong isang laruan
isang manikang matagal ng nakatago
sa iyong aparador
na gagalawin mo lang para ika'y malibang.
Hindi mo ko minahal.
Pinaasa mo lamang ako
na ako'y hindi mo iiwan
para lang ika'y hindi mawalan
ng masasandalan dahil alam ****
ako'y nariyan lamang.
Ilang beses kitang binuhay
tuwing nararamdaman ****
sarili mo'y ikaw ay pinapatay.
Ako ang kasama mo
ng mga panahong wala ka ng maiyakan
Tatlong taon akong nagpakatanga.
Hindi mo ko minahal.
Pero tangina
minahal kita.
Ngunit iyon ay matagal na panahon na.
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 2:28 PM UTC
Ipanligo ang luha
Gawin basahan ang damit na
pamunas sa sugat na di gumagaling
Hulug bituin ba na matutupad ang mga hiling o bagay na tinatapon ng langit
Ano ang susundin
Naduhagi sa buhay
Nabubuwal sa kapalarang sinapit
Kagustuhan ng loob o ang ikakaunlad ng Maharlikang angkan
Sa basbas ng langit
Iniusal ang dasal
Sapat na ang saya nang masilayan si dessa
Walang dusa't unos na nanaig
Anyong Diyosa, diwata ang kawangis
Kinang ng perlas
Kagandahang nang -aakit
Marupok na ang silya
Habang ang damit ay tagpi-tagpi
Naluoy na ang labi
Mata'y nangamuti
Inilalarawan na ang mukha sa salamin ng bukas
Natatangi man ito ang sa isip
Ang kabiguan ay tinitiis
Pa isa-isa man ang balahibo idinidikit
na para pumagaspas sa hangin
Makakalipad nang mataas
Bubulusok nang mabilis
May 29, 2019
May 29, 2019 at 1:33 AM UTC
Madilim na sulok kung san nagdurugo ang mga palad
Na alala ko pa no'y si Inang ingat na ingat
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Na di ko na maalala itsura kung anong ipis
Ngunit sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Taga UP ako, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Taas ng pinag-aralan ko, kung sa ibang bansa, sahod lang ng bayaran?
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:24 AM UTC
Tulad ng kinimuyos na papel
Sinta, kaya kitang isantabi
sa mga botelya ng alaala ng hikbi
Isasalampak sa isang sulok
Pabubulukin sa tagal ng panahon
Tulad ng maruming basahan
Puso, kaya kitang itapon
Sa'king labahan ng paglimot
Doon kita'y ikukula sa mga buntong hininga
Patutuyuin hanggang muling mapakinabangan
Marahil ito na nga ay pagtanggap
Na tulad ng maraming bagay na napaglumaan
Kaya kitang limutin at talikuran
Sa lupa, doon ang pinaglibingan
Ng ikaw at ako na walang patutunguan.
May 29, 2015
May 29, 2015 at 9:23 AM UTC
#042816
Naghalungkat ako
Ng mga larawang walang mukha,
Kupas na alaala,
Walang kulay na sandali,
Basura ng pagkukunwari.
Nagkolekta pala ako
Ng mga kumikinang na diyamante
Mapang-akit at akala ko'y tunay.
Pero sila'y pekeng alahas.
Pinunit ko
Ang mga sulat na hindi nabasa
May mga letrang dayuhan sa papel,
Nabubura, natitintaan, natatapalan
At nakakalimutan.
Nagbilang ako
Ng mga barya, kahit paulit-ulit
Hanggang sa maging kulang.
Inipon ko, pero hindi sapat,
Kaya't gagastusin na lamang
Para sa walang saysay na luho.
Nagtupi ako
Ng mga damit na gula-gulanit
Noo'y bago pa't sabay sa uso.
Ayos ang pustura,
Pero ngayo'y basahan na,
Mabuti pang gupit-gupitin na lang.
Magtatapon ako
Ng inaanay na kaha,
Walang silbi; walang pag-asa.
Kesa sa mabulok itong muli,
Hindi niya na kayang iinda ang paglilihim.
Papalayain ko na siya
Kahit pa siya'y mahal.
Apr 28, 2016
Apr 28, 2016 at 10:36 PM UTC
Alam kong masakit para sa akin
ang unti-unting tuklasin ang katotohan
sa mga taong nakakaalam ng aking nakaraan,
Ngunit ito ang tangi kong paraan
upang damdamin nila ay hindi masaktan
kahit sa umpisa pa lang ay hawak ko nang ako ay isang talunan.
Kung hindi niyo kayang sagutin
ang mga katanungan kong paulit-ulit kong itinatapon,
bakit kailangang idaan sa ibang uri ng paligsahan?
Ano ba ang tingin niyo sa akin
isang laruan na kapag nagsawa na ay basta na lamang ninyong iiwan
o isang paluwagan na kapag tapos na sa pangangailangan ay ipagwawalang bahala na parang basahan?
Tunay ba ang bawat mga salitang
naisisiwalat ninyo sa tuwing nagsasabi ako ng totoo
sa tunay na kalagayan ng puso at katawan ko?
Masama bang itanong ang mga bagay na paulit-ulit
kong hinihingian ng konkretong kasagutan?
Kung hindi ako naniniwala sa inyo
bakit paulit-ulit kayong tinatanggap ng puso at isipan ko
at hindi kailanman nawaglit o isinantabi ang bawat isa sa inyo?
Bakit kapag ang taong mahal ninyo
na paulit-ulit na nagagalit sa inyo ay tila wala lang iyon sa inyo
pero kapag ako na ang magsasaboy ng mga salita, aba at bigla na lamang kayong mag-aalburoto?
Nasaan ako diyan sa mga puso ninyo?
Nasa loob ba o nasa labas?
O baka naman paulit-ulit kong huhulaan na walang AKO kahit sumiksik pa ang aking sarili sa inyong katawan.
Oct 14, 2018
Oct 14, 2018 at 1:30 AM UTC