Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"baligtarin" poems
Kay tagal kong hinintay itong araw na 'to, Marahil matagal tayong di nagkatagpo, Siguro ito na yung tamang pahahon para sabihin ito, Gulong-gulo ako hindi ko na alam ang gagawin ko. Maingay na lansangan, Mga taong nagsisigawan, Sobrang gulo ng kapaligiran, Pero ako patuloy na blangko ang isipan. Mahal, hintayin mo ko, sandali na lang to, huwag ka munang umalis, sana man lang kahit ngayon ako'y iyong matiis. Mga tatlong kanto pa ang layo ko sayo, Maaari mo ba kong mahintay pa, mahal ko? Paumanhin kung napatagal ang pagdating ko, Hindi ka na tuloy nahintay ng mga kaibigan mo. Pero eto na ilang hakbang na lang malapit na ako, Isa... dalawa... dalawa... Pero teka... Bakit parang hindi ka masaya? Bakit parang nadismaya ka pa? Sa puntong yun hindi ko talaga alam. gutom. pagod. uhaw. Kaya't sabi ko sa sarili ko gusto ko nang bumitaw, Pero mahal... ayoko pang umayaw, Baligtarin man ang mundo ang hahanapin ko'y ikaw parin at ikaw. At habang papalapit na ako, Mas naaninag ko na ang mukha mo, Tama nga ako, Hindi ka nga masaya sa pagdating ko. Pero nung niyakap mo ko at humingi ka ng tawad... Hindi ko alam kung anong unang babagsak, Ako ba o yung mga luha sa mata ko na nag-uunahang pumatak. Sa bawat sandaling iyon di ko talaga alam ang sasabihin ko, Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kaya ayun... hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko, Hinayaan kong ang mga mata ko ang magsalita para sa nararamdaman ko. Pero sabi ko sa sarili ko, " Gusto ko pa... Kaya ko pa naman." Kaya nung niyayakap mo ko, Alam mo kung ano naramdaman ko? Alam mo kung ano tumatakbo sa isipan ko? Hindi ko kakayanin kung ibang tao na ang yayakapin mo ng ganito. At sa pagkakayakap mo, Mas naramdaman ko na mas gusto ko pang kumapit sayo, Naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ang taong to, Kaya napatigil at napaisip ako, Bakit nga ba ako kumapit sayo? Kasi... Mahal kita. Mahal Kita. sa kung paano mo ikwento ang mga bagay na gusto mo, sa kung paano mo tingnan ang mga mata ko, sa kung paano mo napapasaya ang araw ko, sa kung paano mo hawakan ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao. Mahal kita. At sa tuwing kausap kita, Ngiti sa mukha ay hindi maipinta, Marahil ang boses mo ay parang musika, Kaya't puso'y laging naaalala ka. Lilipas ang mga araw at buwan, Tayo ay magkakatampuhan, Mga tao'y magsisilisan, Pero ako, dito lang ako di kita iiwan At sa mga oras na ito alam kong hindi pa huli, Mahal, may itatanong ako at sana ay pag isipan **** mabuti, Pag isipan **** mabuti dahil alam kong hindi ito madali, Mahal, pwede bang ikaw na ang aking una't huli? 12/27/18
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 6:34 AM UTC
Una't Huli

Continue reading...
70
Sana’y iyong tandaan Hindi kita kailangan At hindi ko masasabi na Mahal kita Lumuha ka dahil Hindi ko ginusto na Magsabi ng paumanhin sa lahat ng nagawa Kaya’t ako’y nagpapakita ng pagsamo para Makita kang masaya Ninanais ko lamang na Masira ang natitirang gunita Hinding hindi ko ginusto na Ikaw parin ang magiging ina ko Dahil kahit baligtarin mo ang mundo Wala kang kwenta At hinding hindi ko sasabihin na Hindi ko kayang mawala ka sa aking buhay Sana’y iyong unawain Yanan ang pamagat. Saliwain ay “nanay” Ang tulang ito ay pabaliktad basahin.
0
Jan 1, 2017
Jan 1, 2017 at 11:17 PM UTC
Yanan
Lahat tayo ay pantay-pantay sa isang kamay ngunit sa mundong ginagalawan tayo ay nag-aaway away para sa isang tagumpay kahit ang ibang tulad mo ay matapakan wala ka ng pakialam makamit lang ang inaasam-asam, pagtakbo ng matulin pagsisid ng malalim paglipad ng mataas mas mataas pa sa lipad ng mga ungas nag-uunahan sa isang pwesto isang pwesto na walang trono, na kung saan ang mga tao ay wala ng modo, lahat ng nasa baba ay inaapakan parang tuyong dahon tuyong dahon na handang ibaon sa lupa, handang sigaan hanggang maging abo na lang, kamusta ka? isang malaking tanong masaya ka pa ba sa karangyaan na mayroon ka ngayon? nakalimutan mo na atang maging tao? maging tao o kahit man lang magpakatao? o tumuring ng isang tao. sa iyong pagtakbo ika'y madadapa sa iyong pagsisid ika'y malulunod, at sa iyong paglipad ika'y babagsak kung gaano ka katulin mas masakit ang pagkadapa, kung gaano ka kalalim mas mahirap maka-ahon pa at kung gaano ka kataas mas masakit ang pagkabagsak lahat ng bagay ay may kabaligtaran baligtarin mo na ang mga bagay na dapat baligtarin dahil mas mahirap ang iyong sasapitin kapag di mo naagapan ang iyong tatahakin.
0
Feb 26, 2018
Feb 26, 2018 at 11:19 PM UTC
Accept mo