Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bahagyang" poems
Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating ''Balang araw''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 3:43 PM UTC
Balang Araw
Babalik ako sa kung saan tayo ay mga bata pa Nag lalaro, tumatakbo, tumatawa Walang iniisip na problema At may mga ngiting walang katumbas Na nakikita sating mukha. Isang umaga ang hindi ko nalimutan Yung araw na nalaman ko na ikaw ay may pag tingin pala, Tumingin ako sayo Napatingin sa mga ngiti mo Na parang nakuha ang inaasam asam niyang regalo sa pasko Habang ika'y ay bahagyang yumuko at umiiwas na makita ko Mga mata natin ay nag tagpo Diko alam aking sasabihin Gusto ko itanong sayo kung bakit ako, Ngunit walang salita ang lumalabas sa mga labi ko. Ilang umaga ang nagdaan na palaging tumitingin sa langit at ngumingiti sa araw Pumipikit at dinadama ito na parang na sisilaw sa angkin nitong ningning Iniisip kung ikaw ay makikita. Kaya't dali daling papasok sa eskwela Tingin doon, tingin dito "Nasan ka ba" ang tatlong salita na laging sinasambit tuwing hinahanap ka. Tuwing tayo ay nag kakasalubong Parang may kuryente na sa katawan ko'y tumatakbo. Ngingiti tayo sa isa't isa Na parang mga batang binigyan ng sorbetes At natuwa sa kung gaano ito katamis. Tatapusin ko na itong tula na aking ginawa Ito nga pala ang isa sa magagandang bagay na nangyari saking pag kabata. Limang taon na ang nakalipas .
0
Feb 27, 2016
Feb 27, 2016 at 10:43 AM UTC
Elementarya
Sa huling sandali na nag-aagaw hininga Ang kaibigan kong hirap sa paghinga Pilit na nagsalita sa aking tainga "Paalam kaibigan ako na'y magpapahinga" Butas ay pilit kong tinatakpan Ngunit malubha ang kanyang tagiliran At sa bawat sandaling hindi mapigilan Kaibigan ko'y unti-unting binabawian Nagpalinga-linga walang mahingian Sigaw ay tulong pakiusap ko naman! Nagbadyang tumayo ngunit kanyang pinigilan Ako'y hihingi ng tulong. "Sandali, manatili ka na lang" Pag dilat ng mata ay aking nasaksihan Kaibigan ko'y nakahimlay na duguan Lalaki'y kumaripas sa kawalan At kami'y naiwan sa gitna ng daan Sa kanto kami ay napadaan Siyay bahagyang nasa aking unahan Isang lalaking tumatakbo mula sa likuran Sa isang iglap nalaho ang aking kamalayan
0
Mar 13, 2019
Mar 13, 2019 at 4:00 AM UTC
Kaibigan
Patay sindi ang ilaw sa kwarto. Bawat pagsindi ay napuputol ang tulog na mga limang minuto pa lamang ang tinatagal. Kaluskos mula sa kisame ay pilit na sinasawalang bahala. Ang salamin sa aparador sa paahan ng aking kama ay mistulang naggiging larawan. Mayat maya'y nagkakaroon ng imahe ng isang babaeng naka trahe de boda. Balingkinitan ang katawan, bagsak ang balikat, bahagyang nakatungo't walang bahid ng kagalakan sa kanyang mukha. Ilang saglit lang ay mawawala. Dali-dali akong tumayo at binuksan na lamang ang pinto ng aparador. Ihinarap sa pader ang salamin, sabay balik sa aking kama. Ang loob ng aparador na lamang ang aking nakikita. Wala na ang babaeng nakaputi, di narin nagparamdam muli. Nawala narin ang nakakabahalang kaluskos sa kisame. Ang ilaw ay nanatiling nakasindi. Alas-tres na ng umaga nang ako ay nakatulog. Nagising ng alas-sais at nagmamadaling naligo't nagbihis. Iniligpit ang gamit sa bag, nagsuklay at napaharap sa salamin. Natigilan. Nakasara na ang aparador. - March 15, 2010, Vigan
0
Mar 16, 2010
Mar 16, 2010 at 1:34 AM UTC
Ang Aparador
08:18AM #ToSite Bagamat ako'y bulag Sa mundong puno ng sawing imahinasyon, Patuloy Kitang titingalain. Ihahagis ko sa Langit ang mga kamay At bahagyang tatakpan ang paningin Nang masilayan ang iyong kariktan. Nakasisilaw ang Iyong Liwanag, Sabayan pa ng nagbagong-bihis na liriko Ng mapang-akit na sansinukob. Bagkus, ako'y mananatiling walang kibo Kahit nahihingal pati ang puso Sa paghihintay Sa'yo. Muli akong aalukin Ng mala-piyestang pangarap, Siyang babandila sa espasyong Puno ng takot sa kinabukasan. Ang mga banderitas sa Kalye, Walang sawang tumatakip sa Iyong katanyagan. Ngunit hindi Ka kumukupas, Di gaya ng laos na musikang Hindi na tipo ng makabagong henerasyon. Hinuha ko ang lente **Makuha lamang ang matatamis **** ngiti**. At sa bawat eksena'y hindi ako pakukurap Sa mga alikabok na namumuwing, Silang nililok para ako'y patirin. Naglantad ang klimsa Ng kakaiba nitong anyo. Kaya't sumanib ang sining Na tila iba ang maestro. Puso ko'y kinatok Pagkat ito'y tumitirapa Sa bawat lasong kumikislap, Siyang sinasaboy Ng mahiwagang mga kamay. Ako'y nagpahele sa Iyong misteryo Hanggang sa naging kalmado Buhat sa **likas **** pag-irog**. Bumungad sa akin Ang Liwanag na gaya ng dati. Nakasisilaw, bagkus suot ko na ang pananggalang Masilayan ka lamang Kahit saglit lamang.
0
Jul 20, 2016
Jul 20, 2016 at 7:42 AM UTC
Sky of Love
081721 Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag Na dumarampi sa aking mga pilik-mata Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit At pag-agos nang marahan Ng pawis na pilit kong ikinukubli Sa bawat pagtiklop ng hapon. Walang oras o segundong hayag Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli. Ni hindi ko magawang lumapit Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin Na para bang nais Nitong hingahang muli Ang buo kong pagkatao. Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang Minsang kumatok at pinagbuksan. Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang Walang ibang hiling Kundi sumapit ang takdang araw Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan Ng mga bulalakaw sa langit At may iba’t ibang kapaliwanagan. Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian At sa pastulang aking minsang sinuklian Ng Kanyang mga balak At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon At akin nang inaani nang may galak. Dumudungaw sa lente ng aking mga mata Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag. At tunay ngang ang mga luha'y papawiin At wala nang ibang maibibigkas pa kundi Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman. "Bubuksan Ko ang kalangitan, Maging ang buong kalawakan, Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo. Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo. Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik. Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin. Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag Sa pagsapit ng itinakdang oras.. At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad Sa landas kong laan para sa'yo. Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian Ay bukas para sa lahat, At ang dugong dumanak Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban. Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong Syang gagabay sa'yong mga pasya't Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay Na tanging pang-langit lamang. Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo, Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob.. At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko Ang lahat ng aking mga anak Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos. Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
The Space Between Us

Continue reading...
67
Bahagyang pumanaw na ang uhaw Sa mga bagay na nakakatunaw Sa mga bagay na tuluyang umaagaw Sa mga panahong tila naliligaw Dumating na yata ang hangganan At humarap na ng tuluyan Sa laban na laging iniiwasan Ng waring musmos na isipan Ngunit magtutungo ng mag isa Sa lugar na aking hinuhulma Sa bawat hakbang hindi lumilinga At sa harap ang tuon ng mga mata Sana'y huli na nga Sawa nang mag pa ika-ika Pagod nang tumingala At paulit-ulit na magsalita
0
Dec 23, 2022
Dec 23, 2022 at 7:19 AM UTC
Dalawampu at Siyam
Ang lungkot at pakiramdang kay pait, pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot, mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?” Ilan man ang dumaan at nakilala, Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta. Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan, biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan. NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya, na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama, ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya, patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na. At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana, ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.
0
Nov 12, 2019
Nov 12, 2019 at 11:36 AM UTC
Unreal Smile
Balang araw, Biglang babagal ang paglakad ng oras Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas Aawit ang mga langay-langayan At luluha ang kalangitan Luhang hatid ng matinding galak Sa wakas ay wala ng iiyak Dahil natapos na ang panaginip Salamat at hindi ka nainip Maraming istorya ang nais kong sabihin Inipon kong lahat para sa'yong pagdating Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay Kung paano kita hinintay Sa sandaling tayo'y magtagpo Doon lamang magiging perpekto ang mundo Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo Sana nga bukas kapiling ko na ikaw Sana nga bukas na ang ating Balang araw.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:23 PM UTC
BALANG ARAW