Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"backride" poems
#073115 Ang pagpara'y naging daan Hindi alintana ang trapik Kumukutitap ang asul Patungong berde ng panimula. Di naglao'y nagbadya ang motorsiklong itim Medyo napasilip, kahit saglit Biglang nautal ang pag-iisip Baka sakaling ikaw ang kumakarera nito. Pinagmamasdan ko ang mga kamay ko Baka ang bukas ay maging ngayon, Yan ang isip ko. Panandalian akong napatingin Medyo kumakapit sa bakal, Ibababa ko ang mga kamay Sabay paulit-ulit lang, Pagkat nakakangalay. Kaya pala ang bagal nang takbo mo Lumagpas ka nang diretso pati ang paningin Hindi ka man lang lumingon Hindi ka man lang napatingin Kahit distansya nati'y Segundo lang ang milya Ganoon tumibok ang oras. Napapikit ako Nagulat pagkat tama ang akala Hindi nais na ganoon ang pagkikita Akala ko kasi'y lumisan ka na Akala ko kasi'y sa susunod pa ang balik Pero haharurot sa kalsada, Naghahari-harian sa eksena. Hindi ako galit sa tadhana Na naglalapit sa atin sa isa't isa Hindi ko na nga hinihiling na ikaw na Iniwan ko na ang alinlangan sa kalsada. Napakapit ako sa bilis ng takbo Ang pusong walang tibok, Walang mintis kung sinusubok Nangangalay ang pagtitiis Ang hirap pala ng posisyon ko, Tinatalikuran, dinaraanan lang Nilalagpasan lang, Nauusukan, nasasaktan Ayoko na lang sa backride. "Para na, Kuya."
0
Jul 31, 2015
Jul 31, 2015 at 6:59 AM UTC
Backride
Yes kuya, it's nice to dream once-in-a-while Like you, I used to dream about us Of happy things we can do together For it costs us nothing to dream. Like you, I dreamed of us walking in your farm As we see the beauty of the sun rise in the morning Slowly feeling its gentle heat on our skin Feeling the fresh breeze upon our face. See the beautiful hue of sun setting at dusk Enjoy the beauty of nature's painting in the sky As you give your ading a backride home Enjoy dinner of freshly harvested greens. I dreamed of the flowers you used to tell me Like you, I see you pick and give them to me I see the animals of the woods by your yard Coming to say hello before they retire. It's nice to think the dreams you dream of us Seated by the tree shade at the golf course Sipping ice cold peach tea after your golf Enjoy the fresh wind and bright sun. But all these kuya I ceased to dream Didn't you tell me to enjoy what we have now? Yes, I am enjoying what we have now Minus the dreams for they mean nothing. March 22, 2010 © 2011 emilou (All rights reserved)
0
Mar 22, 2011
Mar 22, 2011 at 6:43 AM UTC
DREAM