"asaran" poems
Mahal,
Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya?
Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan
Na hindi ko malaman
Kung saan nanggaling ang mga iyan
Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi
At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata?
Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako?
Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo
Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw?
Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko.
At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita”
Dahil ako? Naalala ko pa
Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala
Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako
Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako
Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita”
Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita”
Dahil sabi mo,
Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na
Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo
Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako
Kahit masakit, kakayanin ko”
At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.”
Tinanggap kita.
Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo.
Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko
Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako?
Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita?
Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo?
Hindi naman diba?
Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal
Hindi sila yung sinaktan at iniwan
Ilang gabi akong umiyak
Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan
Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason
Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba?
Kung masaya pa ba ako?
Kung pagod na ba ako?
Hanggang saan yung kaya ko?
At duon ko natagpuan
Duon ko natagpuan ang sarili ko
Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako”
Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako?
Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo?
Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo?
Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo?
Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”?
Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo?
Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto?
Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo
Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako
Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako
Kasi mahal, gusto kong magpahinga
Para muling madama ang init ng pagibig
Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang
Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao
Mahal, patawad.
Mahal kita, pero pagod na ako
Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako
Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako.
Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
I.
Noo'y akin pangg naaalala,
Nung una kitang makita.
Ako'y humanga na,
Lalo na sa taglay **** ganda.
II.
Nakaka-akit ang iyong bintana ng kaluluwa.
Lalo na’t sa tuwing ngumingiti ka.
Hindi ko mapigilan ang sariling,
Ngumiti rin pabalik sa iyo, sinta.
III.
Araw-araw na tayong magkasama
Sapagkat pareho tayo ng tropa.
Asaran dito, asaran diyan.
Kulitan dito, kulitan diyan.
IV.
Hanggang sa lagi na kitang hinahanap-hanap,
‘Pag wala ka para akong sinakluban ng ulap.
Napapansin na rin nila na kapag wala ka,
Para raw akong lantang-gulay kasama.
V.
Hindi ko rin alam kung bakit ganun?
Lito pa rin ako hanggang ngayon.
Gusto na ba talaga kita?
Hindi ko rin alam ang aking nadarama!
Oct 5, 2015
Oct 5, 2015 at 11:35 AM UTC
Habang nag-iisa
At walang kamalay-malay
Ako'y nadampot ng mga
Naghahanap ng karamay
Nayaya ng promotor
At hindi na makatatakas
Hinamon ng mga tomador
At nagkasukatan na ng angas
Marami nang bote ang walang laman
Nakabasag na rin ng mga baso
Paubos na ang mga pulutan
Amoy na rin ang halimuyak ng chiko
May di matapos-tapos na asaran
May mga pikon ngunit puno parin ng tawa
May mga tulog na at may nagkukulitan
Mayroon din namang nagkukwento ng paluha
Walang humpay rin ang kantahan
Punong-puno ang lamesa ng kwnetuhan
Rinig hanggang langit ang halakhakan
Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan
Masayang salo-salo
Matibay na pagsasamahan
At ang highlight dito
Ay ang hangover kinabukasan
Sana'y king bilis mawala
Gaya ng hangover kinabukasan
Ang aking mga alaala
At ang sakit ng iyong paglisan
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 6:43 AM UTC
Paano ba nagsimula ang ating kwento?
Yung dating magkabila nating mundo
Yung biruang ikaw at ako
Akalain **** ngayon ay nagkaron ng tayo
Teka, pano nga ba nauwi sa tawagang jowa?
Eh ilang taon nating di pansin ang isa’t isa
Malayo, malabo at talagang di naman uubra
Kahit siguro magbakasali, iisipin pa ring malabo at di gagana
Bakasali... tama, isang araw na nag baka sakali
Baka sakaling mapansin o baka sakaling pansinin
Baka naman maumpisahan o kaya naman ay masubukan
Kung gagana nga ba talaga o hanggang tanong na lang
Isang araw na di sinasadya, di rin naman pinagplanuhan
Inumpisahan natin sa simpleng batian
Na nauwi sa magdamagang kwentuhan
Hanggang sa aminan ng nararamdaman
Araw araw, palagian at halos kadalasan
Kwentuhan, asaran, lalo na ang mga awayan
Hindi pa nga tayo nun mag jowa kung titignan
Pero yung bangayan, parang aso’t pusang nagka sabayan
At dumating na nga yung punto
Na yung dating hindi sigurado, nabuo
Yung dating malabo, naging klaro
Yung dating ikaw at ako.....
Ngayon ay tayo.
May 3, 2019
May 3, 2019 at 8:00 AM UTC
balik-tanaw. limang taong gulang.
tapos na maghabulan, magtayaan.
pagod na ang lahat at ang natitira na lamang
ay magkwentuha't mag-asaran bago magsiuwian.
"wala mga daddy niyo sa daddy ko", sigaw ng aking kalaro,
"nagpapalipad siya ng mga eroplano".
manghang-mangha kami habang nagkukwento siya
at may hawak pang eroplanong papel.
"pero 'di papatalo si itay", sabi naman ng isa pa,
"sa Saudi siya nagtatrabaho kaya lagi akong may bagong laruan".
bilang ganoon pa kabata, 'di namin mapigilan mainggit.
sino ba namang hindi kung laruan ang binabanggit?
pinagyabang ko siyempre ang aking ama.
"pulis ang tatay ko". sabay humugis ng baril
gamit ang mga kamay.
basang-basa ang mga ito dahil sa pawis.
mga palad na makaraan ang isang dekada't kalahati
ay nalulunod na sa pagiging pasmado o marahil sa kaba
dahil sino ba'ng 'di matatakot sa pulis
ngayon?
nalaman namin na hindi nagpalipad ng eroplano
yaong daddy ng kalaro namin.
flight attendant siya. marangal na trabaho.
nagtrabaho nga sa Saudi ang itay ng kalaro pa naming isa
subalit kalaunang bumalik sa 'Pinas dahil pagod na.
kahit ano pa mang trabaho iyan o kung saan,
nakasisindak isiping nakatira ka sa iisang bubong
kasama ang isang mamamatay-tao.
ang malala ay isa siya noon sa mga pinaka-tinitingila ko.
tunay ngang mabilis ang pag-ikot ng mundo
kung ang nasa poder ay baluktot ang prinsipyo.
biktima tayong lahat na pumapailalim
sa mga nagmamataas na sakim at gahaman.
bakit magtataka sa kasulukuyan
kung mas masahol pa sa kriminal
ang puwersang kapulisan?
May 29, 2020
May 29, 2020 at 10:30 AM UTC
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin?
Simula't sapul hanga ako sa iyong angking
Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing
Napukaw mo ang aking damdamin
Noo'y di lingid sa aking kaalaman
Ikaw pala ay aking magiging kaibigan
Usap nang konti, tawanan sandali
Marupok na puso'y pilit winawaglit
Mali bang ika'y aking pangarapin?
Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin
Konting asaran na lang at ako'y matatangay
Sa iyong mga matang laging nagpupugay
Ngunit sabihin man nating gusto kita
Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa
Takot masira kung anong meron tayo
Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 5:38 PM UTC
Sa aming pagsilip sa buhay ng mag-ina
Nasilayan ang mga matang puno ng pag-asa.
Malapit na raw matapos ang matagal na pagdurusa,
Pagka’t ang kalagayan ni ina’y bumubuti na.
Sa ilang minutong kuwentuha’y tila ba kami’y pamilya,
Nagtawanan, nag-asaran, at nagbahagi ng nadarama,
Subalit biglang dumating ang kakila-kilabot na balita,
Kailangan ng malaking pera kapalit ng buhay ni ina.
Ako’y napatda at kumirot ang puso,
Biglang napaisip at kumunot ang noo,
Kung nabibili ng pera ang buhay ng tao,
Mura lang pala ang buhay ng Filipino.
Feb 7, 2019
Feb 7, 2019 at 9:05 AM UTC
My thoughts always ask
Bakit ikaw? Sabay takip ng unan sabay sigaw bat nga ba laging ikaw?
I always ask my self ?
Naiisip ko, paano kaya pag naging tayo?
You filled my heart with excitement
Yung pag lipas ng bawat sandali na parang walang katapusan, yakap, tawanan, kulitan at asaran
It always makes me smile because,
Sa bawat pag pikit ng aking mata at sa muling pag mulat nito'y nariyan ka
Pero bat Parang may mali
Everything is real for me
Kahit ito'y panandalian lamang
And it bothers me a lot
Dahil sa bawat pag hibing lang kita makakpiling at mayayakap
It always scares me
Na sasampalin ako ng realidad sa aking pag mulat
Because no matter what I do, no matter how much efforts I put
Hinding hindi kita mamatawag na akin sapagkat ang agwat ng imahinasyon at realidad ay hindi masusukat.
At ang pag kaka mali ko ang angkinin ka ng walang permiso
That you love so much even though you knew it will never happen.
Nov 21, 2018
Nov 21, 2018 at 1:52 PM UTC