Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Crissel Famorcan Oct 2017
Mahirap makipagsabayan sa mga bihasang makata
Animo'y kabisado ang bawat tugma ng bawat letra
Batikan sa pagbuo ng ibat't ibang klase ng akda
Nagkukuwentong mahusay ang bawat gawang tula
Mahirap makipagsabayan sa katulad nilang mga batikan
Lalo na para sa mga katulad ko na isang baguhan
Bakit ba ako magsusulat kung wala namang magbabasa?
Bakit pa ako magsusulat kung wala namang magpapahalaga?
Ano bang pakinabang ang makukuha ko sa pagsusulat?
Meron nga ba? O baka nag-aaksaya lang ako ng panulat?
Kaya nga siguro dapat ko nang iwanan
Ang mundong minsang nagbigay sa akin ng kasiyahan
Kailangan kong tanggapin na kahit kailan,di ako magiging katulad nila
Mahusay bumigkas at sumulat ng tula
Kabisado ang lahat ng tugma at tayutay
Na sa akda nila'y maaaring ilagay
Napakahusay!
Walang katulad.
Kapag nabasa mo'y mawawala ka sa reyalidad
Siguro nga mananatili na lamang akong nangangarap
Pagkat di ko maabot ang tulad nilang  sing taas ng ulap
Kaya paalam.
Salitang di ko sana gustong bitawan pero hinihingi ng pagkakataon,
Para makatakas ako kahit paano sa malungkot ko na sitwasyon
Alam kong sa pagdating ng panahon
Matatagpuan kong muli ang aking inspirasyon
Magsusulat akong muli,pero hindi pa ngayon.
JOJO C PINCA Nov 2017
Paalam bayan kong sinilangan,
sintang katagalugan, lupain na sinakop
ng mga puting dayuhan; inalipin at binusabos
ng higit sa tatlong-daan na taon.

Kung hindi sana ako nakagapos
ay nasa larangan ako ngayon,
nakikipaglaban para sa iyong kalayaan;
subalit ako ay binihag ng mga taksil na kalahi,
kayumanggi ang kulay ng kanilang balat
subalit ugaling Kastila sila.

Alam ko na ito na ang aking wakas
dadalhin nila ako at si Procopio sa dako na di namin alam;
tanging diyos lang ang nakababatid sa aming sasapitin.
Sa punglo kaya o sa talim ng tabak kaming magkapatid ay masasawi?

Nalulumbay ako hindi dahil sa ako'y mauutas
kundi sa pag-aakala na masasawi ako sa kamay ng aking kalahi.
Kung dayuhan man lang sana ang sa akin ay papaslang mas matatanggap ko ito nang maluwag sa dibdib.

Paalam mahal kong Oryang,
Lakambini ng Katipunan,
ina ng aking anak at kabiyak ng aking dibdib.
Naiiyak ako sapagkat malungkot ang naging wakas ng ating pagsinta.

Kung magtagumpay ang himagsikan
at makamtan na ang layang inaasam
wag sana makalimutan ang mga nabuwal sa parang ng digma.

Kainin nawa ng lupa ang mga taksil sa bayan,
lunurin ng baha ang mga nakipagtulungan sa kaaway,
tamaan ng kidlat ang mga tampalasan na umibig sa dayuhan na mapang-alipin. Sumpain sila ng langit.

Nakapiring ang aking mga mata subalit nararamdaman ko na malapit na kami sa dako kong saan babasahin sa amin ni Komandante Lazaro Makapagal ang hatol ng konseho ng digma.

Payapa ang aking kalooban, walang pangamba.
Alam ko na ginawa ko ang nararapat, kailanman hindi ako nagtaksil gaya ng kanilang ipinaparatang.
Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Rebolusyon.
032116

Tutugon iyong kamay
Sa musikang natural na naririnig.
Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y
Turo na yan nila Ma'am at Sir --
Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso
At saka umawit ng Lupang Hinirang.

Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan,
Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta.
Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito,
Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo.

Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin.
Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas.
Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap.
At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa.
Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika?
O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang?
Para sa higit na salapi't oportunidad.

Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan?
Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa?
O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula?
Taglay mo pa ang pagmamahal,
Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan
At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo?

May kumpas pa ba sa puso mo
Ang kislap ng watawat?
Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito?
O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino?

Masasabi mo pa ba't matatayuan
Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?"
Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan?
Walang Pilipinas, kung walang Pilipino.
Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako,
Walang Pilipinas kung wala tayo.
Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
RL Canoy May 2020
Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.

Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa't kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw.

Subalit ang dusang nakapanghihina,
pilit napapawi ng mumunting saya.
Ang isang bituing kahali-halina'y
naging hugot-lakas niring pusong aba.

Hindi ko mawari noon yaring dibdib,
tuwing binabaybay ang daang matinik.
Anong ubod sayang naglaro sa isip,
ang sinintang Musa ng aking pagibig.

Simula nang ikaw ay aking mamasdan
O! hangad kong tala sa sangkalangitan,
hindi ko malirip at di na maparam
tila nanggayumang lagi sa isipan.

At magbuhat noo'y aking hinahangad;
ang sangkalangita'y aking malilipad,
upang mahahaplos ang talang pangarap
at isang dahilan niring pagsisikap.

Subalit ang hangad wari'y panaginip
at tila'y malabo itong makakamit.
Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit,
at kutad ang pakpak at walang pangsungkit.

Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan.
Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang,
at kung anong siglang sa akin nanahan,
ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal.

Iyon ang gunita't aking kabataan,
doon sa mahal kong ating paaralan.
Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan,
subalit tiyak kong sa puso ay bukal.

Sumapit ang yugtong di ko na namasdan
ang tanging bituing aking minamahal.
Pagkat ay nalayo ako sa tahanan,
upang susuungin ang bago kong daan.

Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago,
paghanga'y aayon at ito'y maglaho.
Tulad ng magapok ang buhay na bato,
kung saan inukit ang puso't ngalan mo.

Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas,
ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas.
Hindi ko maarok na lalong nagningas,
nang muling magtagpo ang ating nilandas.

Kaya ninais kong maipapahayag,
ang mga damdaming sa puso'y nailimbag.
Limang ikot-araw ang mga nagwakas,
magpahanggang ngayo'y laging umaalab.

Ikaw ang bituing aking hinahangad,
isa sa nagtanglaw niring aking landas.
Ang Musa sa puso't tanging nililiyag,
ang umakay niring diwa na sumulat.

At ngayon ay aking naipapabatid,
dito sa talatang nagsalasalabid.
Mula sa paghanga't tungo sa pagibig,
ang hindi maihayag niring dilang umid.

Papalarin kaya itong abang lingkod,
at mula sa langit ikaw'y pumanaog?
Diringgin mo kaya yaring tinitibok
ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog?

At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap,
ipaguumanhin ang pusong sumulat.
Ninanais ko lang na maipahayag,
ang aking pagtangi sa'yo at paglingap.

At kung kasadlakan nito'y pagkabigo,
sa aking paglapit, ikaw ay lalayo.
Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo,
nawa'y di burahin ang mga yapak mo.

©Raffy Love Canoy |March 2020|
nathansolmeo Apr 2018
Isang karangalan ang pagiging *** laude para sa isang mag aaral. Karangalan na siyang hinahangad ng karamihan ngunit iilan lamang ang nagkakamit. Isa sa mga nagkamit nito ay si Hannah Isabelle D. Mendez. Ngunit sino nga ba si Hannah?Isang mag-aaral mula sa URSC na kumukuha ng kursong BSIT. Gusto mo bang mas kilalanin pa natin siya? Halina’t samahan mo ko.
Kanyang pinanggalingan...
Si Hannah ay ipinanganak noong Agosto 21, 1997. Bunsong anak sa dalawang magkakapatid nina Cristeo at Girlie Mendez. Simple lang ang naging buhay ni Hannah. Lumaking mabait, masipag at may takot sa Diyos kahit na mula siya sa isang 'broken family'. Naghiwalay ang kanyang mga magulang nang siya ay nasa ikatlong baitang. Masasabing hindi madali ito para sa kanya dahil nais niya ay buo at masayang pamilya ang makakasama niya ngunit sa pagsisikap at pagtitiyaga ng kanyang ina, naging matatag at matapang si Hannah.
Kanyang hilig…
Si Hannah ay mahilig magsulat, manuod ng mga pelikula at magbasa lalo na ang mga libro na akda ni Colleen Hoover. Ang pagbabasa ang naging pampalipas oras niya at nakakapagpasaya sa kanya. Maraming bagay ang kanyang natutunan bunga ng kanyang pagbabasa at isa ito sa naging dahilan ng kanyang mga kaalaman na nagdala sa kanya ngayon bilang *** laude.
Simula ng hamon bilang mag-aaral…
Noong bata pa si hannah, wala siyang interes sa pag-aaral. Tulad ng ibang kabataan, kasiyahan lang ang kanyang hinangad pero dahil sa kanyang naging **** noong elementarya, naging bukas ang kanyang isipan sa pag-aaral.
Nakapagtapos siya ng elementarya ng may medalya bilang ikalawang karangalang banggit, sumali sa iba't ibang kompetisyon tulad ng Nutri Quiz Bee - 4th place, Hekasi Quiz Bee -2nd place (Elementary, District level) at sa Highschool 15th place sa Sports Page (RSPC) 1st place Drama fest (School level) journalist at naging presidente ng isang organisasyon noong hayskul.
Sa pagtuntong ng kolehiyo, naipagpatuloy niya ang kanyang pagiging aktibo. Nahalal siya bilang kalihim (S.Y.2015-2016), pangalawang pangulo (S.Y. 2016-2017) at 4th year representative (S.Y. 2017-2018) ng BITS Organization. Naging miyembro din siya ng KASALI Organization taong 2014-2018.
Nang tanungin siya kung paano niya nagagawang pagsabayin school activities at academics, simple lang ang naging sagot niya, “Basta masaya ka sa ginagawa mo, magagawa mo lahat at naniniwala kase ako sa ibinigay sayo yung bagay na yun dahil kaya mo".
*** laude…
Hindi naging madali kay Hannah ang maabot kung anong mayroon siya ngayon. Dumating siya sa puntong hindi na niya alam kung ano ang uunahin. Nariyan ang school works, church duties, family problems at dagdag pa ang mga nagsasabing hindi niya kaya ang kursong IT pero kalaunan napamahal na siya dito. Goal na ni Hannah maging *** laude pero hindi niya ineexpect na makukuha niya ang karangalang ito.
“Sobrang saya dahil ipinagpanata ko ito sabi ko kung para po sa’ken ito, Kayo (Ama) na po ang bahala and then nung nalaman ko na isa ako sa *** laude, hindi ko alam gusto kong sumigaw sa galak, sobrang nakaka—overwhelm.”, wika niya.
Tanging inspirasyon niya ang kanyang pamilya para makapagtapos at maabot ang lahat ng kanyang pangarap.
"When the opportunity knocks on your door, always be willing to give it a chance, 'yan lagi nasa isip ko para wala akong pagsisisihan at always give your best shot sa lahat ng ginagawa mo", wika niya ng may halong ngiti sa kanyang labi.
Tunay ngang nakakagalak ang kanyang pagsusumikap upang makamit ang kanyang minimithi. Mula sa buong pamilya ng URSC, proud kami sa iyong pagdadala ng karangalan!
Susulat pa ba ako?
Naubos na ang laman ng puso
Nailahad na ang bawat laman nito
Ang sakit, ang kaba, maging ang saya ay naging pinta ng tinta

May hahahanapin pa nga ba?
Tila yata ang inspirasyon ko ay gasgas na.
Wala ng maidulot na saya
Ang pagbaybay ng ngalan mo'y pinagsawaan na

Pasensya na
Ngunit tila naubos na
ang lahat ng nadarama ay nabuhos na
sa pamamagitan ng tula

ang may akda ay naghahanap ng inspirasyon
saan pa nga ba lilingon
nakakapagod din pala
yung ikaw lagi ang inuuna
Stephanie Jan 2020
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
Louise Oct 2016
Ang gabi ay hindi dapat maging kaibigan ng delubyo. Nangangambang baka sa isang sulok ay may nag-aabang na demonyo. O baka sa likod pa natin mismo.
Saksi ang dagat at bundok sa pananaghoy ng bagong umaga.
At sino ang hindi makakaamoy sa pagsabog ng mga tala?
At nasaan ang gabi, ang inaakalang tanging katuwang?
Kasiping ba ng mga pangarap para sa bayan na siya nang nilamon ng digmaan?
Lumuluha ang bawat lawa at nagtatanong ang mga talon; makakaahon pa ba ang nalunod na tuwa't pag-asa ng kahapon?
O baka ang tuwa ay siya na'ng hinigop ng langit. Pinagtatawanan na tayo ng langit!
Sa mga dugong dumanak at ang naglalakasang pagtatangis na tila ba isang bulong sa bingi, tama nga't hindi ko kaibigan ang gabi.
Ganid ang gabi, palaging uhaw at nasisidhi sa kasawian.
Ang ngalan ng may akda ng munting tula na ito ay "delubyo".
Paminsan minsan maaari nyo ring tawaging demonyo.
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sa sulok ay hindi na magtatago. Haharap ako para tingnan ang bawat isa sa inyo sa mata. Sa dangal. Sa diwa. Sa puso. Sa dasal. At kakalabanin nyo dapat ako gamit ang mga ito... hanggang sa pag-usbong ng bagong umaga.

Pula, bughaw at dilaw laban sa kadiliman.
Nationalista
JK Cabresos Sep 2016
Isusulat kita.
Sa huling araw na masilayan ko
ang tamis ng ‘yong mga ngiti
at sa mapang-akit
**** mga labi.

Isusulat kita.
Habang nakikita ko pa
ang aking sarili
sa kislap ng ‘yong mga mata,
bago ka lumisan,
dahil matagal pa
ang ‘yong pagpihit
mula sa ibang daigdig.

Isusulat kita.
Sa mga titik at letrang
namumutawi sa aking bibig,
hindi ko hahayaang
malusaw na lamang
sa pagtakbo ng oras,
mabaon sa limot,
patungo sa karimlan.

Isusulat kita.
Habang tanaw pa natin
ang mapula-pulang sunset
na kakulay ng puso nating dalawa
at kayakap kita.
Yayakapin kita.
Hanggang sa magbubukang-liwayway
ang tanaw nating takipsilim.
Yayakapin pa kita.
Sana.

Isusulat kita.
Sa kailaliman ng gabi,
sa dilim,
sa nagsisidhing damdamin,
kung saan sinag lang ng buwan
ang tanging namamasadan,
at ang kayakap ko na lang
ay ang mga basang unan.

Isusulat kita.
Kasabay ng pagpigil
sa pagpatak ng luha
habang nakikita
ang ‘yong mga hakbang
paakyat sa bus dahil uuwi ka na.
Habang ang sinasakyan
ko namang dyip
ay papalayo ng palayo sa ‘yo,
ihahataid na
kung saan ako ngayon
ay iniisip ka.

Isusulat kita.
Ikaw ang ipaloloob
nitong aking akda,
bawat berso, bawat tugma,
ikaw ang nasa isip,
ang iisipin ulit
hanggang sa tumunog bukas
ang naka-set kong alarm
at magising na lang
na nasa malayo ka na.
Louise Sep 2018
Nakaukit na ang ngalan mo sa akin.
Ito ang katotohanan na alam ko.
Tila ba paulit-ulit nang ipinipilit ng panahon
na tayo'y pag-lapitin, na pag-lapatin pang muli ang ating mga palad. Ang ating mga labi.
Ngunit sa pagkakataong ito, nagpapanggap at nagsusumiksik ang panahon sa likod ng aking katawan at pagkatao.
Matagal nang kumawala ang tunay,
tangay nito ang ating awit at binitawang
mga sambit.
Hinalughog kong muli ang bawat tula mula sa pagkakawala ng mga ito sa lawak ng tagpuan ng makisig na buwan at payak na lupa.
Pilit kong isinaboy ang nakakapuwing na buhangin upang balutin nito ang mga bituin.
Upang mapadali ang sa kanila'y pag-dakip at sa mga pangamba mo'y aking itinakip.
Sinubukan kong gawing sigwa ang natitirang patak ng tuyot nang lawa.
Isang kasalanang pagbabayaran ng ilan mo pa kayang lihim na pagluha?
Sa dampi ng ginaw, isang ihip lang iyan, at hinding hindi na tayo muling magugunaw.
Ibinulong sa mga alitaptap na kung mabibigo at masusugatan man sa isa pang himagsik,
hindi alintana kung ang gantimpala ay
isa pang halik sa labi **** nilikha para sa akin, oo, ito'y para sa akin
ngunit mananatili ka namang naglilibot.
Kahit isa pang himagsik.

At isinumpa ko ang panahon. Ang relihiyon.
Hindi mo ba alam na ang pagmamahal ko sa'yo ang aking relihiyon?
Tawag ko ang ngalan mo hanggang sa pagbubukang-liwayway.
Dinarasal sa tuwina ang pamamalagi na lang sana ng iyong ngiti.
Niluhuran ang nagniningas na lahar,
nakayapak na nagtungo sa paanan ng iyong pagkabahala. Ito ang aking altar.
Patuloy ka pa rin namang maglalakbay.
Lingid sa iyong kaalaman na hinamon ko na ang araw sa gitna ng tag-ulan;
"Husgahan mo na ako. At kung mananatiling magmamahal itong puso,
maka-ilang ulit mang apak-apakan at kaladkarin, sa bawat araw man ay magalusan at mag-langib, habangbuhay mo pa akong sunugin at ito'y malugod kong titiisin! Sa araw na ang aking katawan ay masasawi, hanapin mo ako sa anyo at kulay ng mga puno at damo at siyang parusahan din."
Ngunit itong pag-ibig ay tila ba nagmimilagro o ito ang milagro mismo.
Araw na mismo ang tumanggi, pinasinayaan pa ng mga agila at payo ng mga talampas.
Anito'y mauubos raw ang sansinukob sa ugnayang ito. Natatawa kong tugon; "iyon nga ang aking punto!"
At ito ang naging kapanganakan ng kawalan ng ginaw dito sa piling ko.
Pinarusahan pa akong muli na mananatili kang maglalakbay, maglilibot, malayo sa aking tabi.
Na patuloy **** hahanapin ang lamig ng hatinggabi.
Kahit halinghing lang sana ng iyong tinig,
malaman ko man lang na tayo'y tumatanaw sa iisang langit.
Manatili ka lang na nakatungtong sa sansinukob na minsan ko na ring isinumpa.
Manatili ka lang na naglalakbay at naglalakad sa kulay ng damo na minsan ko nang inalay sa saliw ng pagkabalisa.
Manatili ka lang, giliw...
kahit hindi na sa aking bisig.

Sa hagupit, sa kamalasan na lamang ako makikipaghimagsik.
Hindi na magmamakaawa ngunit hindi pa rin magsasawa.
Tatanawin ka sa kabila ng ginaw,
ngunit ang awit ng pag-ibig para sayo'y hindi na malulusaw kahit sa tag-araw.
Ang tagtuyot ay pababayaan na lang o hihintayin kahit ang pag-ambon, hindi na ipagdarasal ang sa atin ay isa pang unos.
Mga buhangin ay isasauli na sa dalampasigan, upang sa pagbalik ng tag-init, mga halakhak natin ay mananatiling nakakabingi.
Sa iyong mata'y manatili sana ang mga bituin.
Marahil hihinto na rin sa paghahalughog ng nawawalang mga tula at prosa,
lilikha na lamang ng mga hungkag na pangungusap na tila ba pang-hele sa
sarili sa mga gabing nasasabik pa sanang basahin ang pagpapatuloy ng ating nakabitin na akda.
Ang iyong mga awit, ang iyong pag-awit... ipinagdarasal na aking mapagtagumpayan ang pagpapanggap na hindi na ito kailanman balak pang marinig.
Ang ika'y makadaupang-palad, ang sayo'y makipagpalitan ng maiinit na halik...
ay, para lamang dito'y lilikha na naman ba ng isa pang tula?
Panahon, isumpa mo ako pabalik.
Susukuan na ang pagpilit sa iyo.
Wag ka lang sukuan ng pag-asa na sa iyong nais at tunay na matungtungan ay pihitin ka pa-usbong. Ako na lamang sana ang gantihan ng panahon.
Ang katotohanan na sa kasaysayan at mga katha ay hindi na maaalis; kailanman, anuman at saan man...
nakaukit na ang ngalan mo sa akin.
solEmn oaSis Jan 2016
kung ang tula ay di akma
sa paksa ng may akda
ano pang talim meron ang talinghaga

kung wala nang talas sa bawat talastasan
nitong nagbabagang hidwaan ng tugmaan
sa palabigkasan ng huwarang balagtasan

meron pa nga bang halaga ang mga rima
sa tuwinang wala namang ka-eskrima
ang taludturang may tatlo-hang tugma

manapa'y pakinggan itong aking mga tagong himig
bagkos nga ako ri'y gawaran ng batikos sa aking hilig
sapagkat mayroong hiwa ang susunod kong pahiwatig

meron akong ikukuwento
mga saknong na naimbento
ito'y mula pa sa " KONTENTO "

sa una niyong bahagi
ano daw ang sinabi?
heto't muli kong ihahabi

ang hadlang at paslang
na kapwa pumailanlang
sa makatang may lalang

1) " may saboy ang liyab kapag naidadarang " (fire)
2) " sa simoy at alimuom na hindi pahaharang " (wind)
3) " anomang sisidlan, tining ay iindayog kapag umaapaw " (water)
4) " gaano man kalalim hukay, pagtapak sa lapag mababaw " (earth)

5) matapos ang pagyuko
,,,,tingalain ang Kaitaasan
....Ika-limang KONTENTO (love)
---walang hanggang mararanasan!

1) APOY
2) HANGIN
3) TUBIG
4) LUPA
5) PAG-IBIG
kung inuuna ng isa ang kapakanan muna ng kanyang mahal...
iyan ang dalisay na pagmamahal!
Habang lakbay-diwa
hetong magiliw na lakandiwa
sa wagas na Pag-ibig at pagsinta
ng mga katagang isina-TINTA!
Kasabay ng aking pagpikit
Ang pagsilip ko sa panaginip sa aking isipan.
Namumukod tangi ang Iyong kagandahan
At Ikaw ang nag-iisang kumikinang sa aking paningin.

Napapasilip ako
Sa likod ng lahat ng napakagandang palamuti,
Pagkat nariyan pala ang tunay na may-akda ng lahat.
Pagkat sa kabila ng naghihiyawang palakpakan,
Sa kabila ng mga ngiting bumabandera sa aking harapan --
Ang dahilan ng aking kalakasan.

Pagdilat ko'y tila bukang-liwayway na,
Hindi kumupas ang Iyong kagandahan.
Muli kong kinapa ang aking bulsa,
At muling naghagilap ng anumang umiingay sa aking kalupi.
Dahan-dahan kong pinakiramdaman
Ang magaspang na katauhang gawa sa pilak.
At buhat sa pagkakamulat,
Ay dahan-dahan akong pumikit
Na tila ba sumasabay sa unang pagpatak ng ulan.

Nangungusap sa aking konsensya
Ang tinig **** matagal ko nang hanap-hanap.
At sa naudlot na istorya sa entablado'y
Nagpatuloy ang aking paghahanap.
Hinahanap ko kung saan nagmumula
Ang tinig **** humihele sa akin
At nagbibigay galak sa puso kong
Uhaw sa malasakit at pag-ibig na tunay.

Nasaksihan ko ang paglisan ng bawat katauhang
Kailan lamang ay nasa akin ang pagtingin,
Ngunit ang lahat pala sa kanila'y
Syang palamuti at hindi tunay na kabahagi
Ng aking istorya.

Patuloy silang nalusaw
Gaya ng krayolang nilalaro ko sa apoy
Noong ako'y paslit pa lamang.
Na ang akala kong bubuhay sa pinipinta kong larawan
Ay hindi pala sapat sa magandang imaheng
Aking nasasaklawan sa aking imahinasyon.

Kusa silang naglaho na tila ako'y tinakbuhan lamang
At marahan akong napaluhod buhat sa aking kinatatayuan.
Gusto kong magsalita, gusto kong may masambit..
Gusto ko silang pigilan sa paglisan
Pagkat hindi ko ninais na mapag-isa
At patuloy na mangulila sa pagmamahal.

Kung pwede lang na sa gitna ng katahimikang ito'y
Kaya kong marinig ang sarili kong boses.
Kung pwede lang sa gitna ng aking paghihintay at pagsusumamo'y
Wag muna silang kumilos at aking mahanap
Ang tinig na akala kong susundo sa akin
Buhat sa paglimot ko sa aking sarili..

Namukod-tangi ang boses na aking hinahanap,
Naririnig ko na ang Kanyang mga yapak
Na tila ba patungo at palapit na sa akin.
Ngunit hindi ako makagalaw buhat sa pagkakayuko.
Ni hindi ko na masilayan pa kung sino ba ang paparating.
At dahan-dahan pa rin ang pagpadyak
Ng Kanyang sandalyas patungo sa akin.

At habang Siya'y lumalakad,
Ay dahan-dahan ding nagbago ang senaryo
Na aking kinalalagyan.
Narinig ko ang napakalakas na pagpaubaya ng alon,
Ang tunog ng kampanang magaan sa aking pakiramdam,
At ang mga humiheleng tila mga anghel
Na naging mitsa ng pagtatayo ng aking balahibo.

"Nasaan na nga ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
At muli kong narinig ang mga nagpupuring anghel
Na tila ba walang katapusan ang kanilang galak
At ako'y nadadala kung saan.

Hindi ko pa rin mabuksan ang aking mga mata
At wala akong masilayan maliban sa dilim
Na pilit kong nilalabanan at alisan.
Hinahanap ko pa rin ang tinig Nya
At nais kong tanggapin ang bawat salita mula sa Kanyang bibig.

Maya-maya pa'y narinig ko
Ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking, "Anak."
Habang ang aking kamay ay hawak-hawak pa rin
Ang pilak na muli ko sanang itatapon sa balon..

"Anak, halika na.. sabi ng doktor, may donor ka na raw.."
Sambit ng aking ina habang ako'y akap-akap
Sa kanyang mga maiinit na mga bisig.
Kusang tumulo ang aking mga luha
At sya nama'y humagulgol sa saya.

Walang salita ang sinambit naming dalawa,
Ngunit ang kanyang yakap ay humigpit.
At naramdaman ko ang kanyang mga luhang
Dumadampi sa aking balikat at sa aking damit.

At sa mga oras na iyo'y
Ang kanyang yakap ay higit pa sa lahat ng yakap sa mundo
Ang luha nya'y tila ba binabalot ng isang hiwagang
Nagpapakalma sa aking paghihirap.
Ang gaan ng aking pakiramdam,
Ang saya ng aking kalooban.

At doon ko natagpuan ang aking hinahanap,
At sa aking muling pagmulat
Kung saan may liwanag nang maaaninag,
Alam ko kung kanino na ako muling lalapit pa..
Alam ko, hindi ko man nasilayan ang lahat
Ngunit ang pakiramdam na iyo'y
Habambuhay kong nanaisin
At pasasalamatan.
sa may dagliang liko
abot ng aking ligaw na sulyap ang
sabungan. matatas ang kanyang
ngalan.

"Cockfighter's Rendezvous" kaunting
lakad lamang pabalikwas sa
MERALCO kung saan isang mahabang
karagatan ng tao ang pilit
na inaalon ng bayarin, kaltas
sa sahod, bulag sa paroroonan.

ayon sa mga akda ay mayroong
Kristo sa sabungan. siya ang
nangangasiwa sa aliwan ng mga
drayber. ang matalas na tari
ng kanilang hagikgikan
ay lumulubog sa haba ng
pantimpalak

naroon daw si Kristo
habang
ang dagundong ng batingaw
ay tulog sa tore.
pitikan ng pitikan ng yosi
kung saan na lamang maisipan
ng pagod na kamay na may samyo
ng dala nitong lansa,
at matapos ay papasok ng muli
sa simbahan kung saan
kasabay ng pag-danak ng dugo
ang pag-kubra ng nag-wagi.

hawak ni Kristo ang patay
na manok,
nasusulat sa tari ang
linya ng dugo.
alam ko naroon si Kristo.

hawak ni Kristo
ang mga baryang kumakalansing.
ilang pirasong pag-asa
para sa pawisang drayber,
para sa parokyanong lasinggero,
para sa baguhan sa aliwan,
para sa llamado.

hawak ni Kristo ang lahat,
at siya ang panuto
sa pagsusulit ng ganid.

pauwi na ako. wala na ang
alingawngaw ng sigawan.
Lunes nanaman at ramdam
ng lahat ang bigat
ng parating na mga araw.
Crissel Famorcan Dec 2017
Value.
Madalas lesson sa math at related sa piso
Pero minsan pwede rin naman nating  iugnay sa tao
Parang ako.
Matagal - tagal ko na ring hinahanap
yung halaga ko sa mundo
Ipinanganak ba ako para maging sino at ano?
Sa paglaki ko, dun ko natuklasan
Na ang halaga ng tao nakabatay sa sitwasyon
Yun bang kapag kailangan ka lang nila
Saka ibibigay yung hinihingi **** atensyon.
Yun bang kapag MAHALAGA KA LANG saka ka kukulitin
Yung kapag kailangan lang ng tulong mo saka nila hihingin
Kaya madalas tuloy napapaisip ako
Ni minsan kaya naging mahalaga ako?
O nagkaroon man lang kaya ng halaga
ang isang tulad ko
Dyan sa puso mo?
Alam kong wala ako sa lugar para itanong ang mga  bagay to
Kase una sa lahat, magkaibigan lang naman tayo
Pero pagod na akong itago yung nararamdaman ko
Pagod na akong Magsinungaling
At magsabi ng di naman totoo
pagod na akong lokohin ng paulit-ulit yung sarili ko
Pagod na pagod na ako.
Kaya sa mga sandaling ito
Sasabihin ko na ang lahat
Lahat ng nasa puso ko
At sana kahit saglit
pakinggan mo naman ako.
Sana lahat ng sasabihin ko
Tumatak dyan sa isip mo
At maging mahalaga
Yun bang paulit-ulit **** maaalala
Parang lyrics ng paborito **** kanta
Na maingat **** tinandaan at kinabisa
Para lang wag **** makalimutan
O makaligtaan.
Sana ganun din ako, maging mahalaga
Kahit  ilang minuto, ilang segundo
Ilang oras
Kahit saglit lang,
gusto kong maging mahalaga
Katulad nung paborito **** sapatos at damit
Na kahit luma na iniingatan **** pilit
Kase nga mahalaga
at ayaw **** mawala
Gusto kong maging Importante
Pero parang malabo at imposible naman yung mangyari
Kase kahit magkaroon man ako ng halaga
Yung puso mo naman, hawak na ng iba
Kaya heto ako,nilalabas ang nadarama
Sa pamamagitan ng mga tula
At sisiguraduhin Kong Hindi ito ang magiging una at huli Kong katha
Na tungkol sayo
Dahil habang nabubuhay ako
Lahat ng tula at akda na gagasin ko,
Exclusive lang para sayo.
George Andres Jul 2016
Maraming klase ng manunulot
Isa ka ba saamin?
May manunulot na makata
Halos makikita mo sa kanyang mga 'akda'
Sing-rurok ng bundok na di na maabot
Maging siyang isang manunulot
May manunulot na umiibig
Na minsan masarap buhusan ng tubig
Umamin nang manunulot siya sa mga umuusig
May mga manunulot na paawa at patawa
Eto ang self-defense mechanism nila
Kaya 'wag kang magpapadala
Ika nga, manunulot lang sila
Magagaling kumuha ng mga akda
Marami pang klase ng manunulot
Pero 'yan muna, sunod sa makalawa
Hihintay ko pang ipost niya yung pangalawa
7816
kingjay Dec 2018
Sa look ng kabihasnan ay niluray ang moral
hanggang wala na natira sa kasarilihan
Matayog na pananaw ay lumulubog
parang tumatandang lawin

Ang katauhan ay yumayabong na talahib na inaambon
sa larang ng mga lapida
Kaya musika ng panananghis ang nakatadhana
Mapanglaw sa linang

Ang kalakasan ay nahahamugan
Nang pagsulong nito tungo sa kapangahasan
Isang paa ay nasa libingan

Kahit anuman ang makatugon sa pagdaralita nang malapot
Sa antas ng balangaw, ano ang ipinapahiwatig?
Masilayan man ng busabos, walang linaw sa intuwisyon

Ihalo ang walang kaugnay na pangungulila
sa balangkas ng talambuhay
Magbuo man ng introduksyon
Di pa rin makabangon sa panimula ng akda
George Andres Jun 2016
Nanaginip akong hawak ang mga kamay mo
Nagising akong hawak ang akin lang pala
Natitigan ko ang mga mata mo
Nangungusap, sana kilala mo rin ako

Nawala na ang kaba kung ika'y nababasa
Pero ikaw ay iniisip parin sinta
Isang araw sana kita'y makita
Nang di na malito, nararamdama'y makumpirma
62716
Mysterious Aries Sep 2015
Lapis at papel aking pinangsibat
Pinangsibat sa mga taong ayaw mamulat
Mamulat sa mga bagay na sa mali nasadlak
Nasadlak ma'y pakay ng tinta kong mahatak

Mahatak sa tama't puso'y bumusilak
Bumusilak di ang anyong mapanindak
Mapanindak kasamaa'y kinakalat
Kinakalat sa buhay ng iba'y nangwawasak

Nangwawasak ma'y handa ang aking sibat
Sibat na letra'y sa pusong bato'y tatarak
Tatarak ng marahan makikiusap
Makikiusap sanang papel ko'y nayurak

Nayurak binalewala't mga letra'y nakalat
Nakalat sandatang higit pa sana sa sibat
Sibat na tinta'y nagdulot nga ng napakalaking sugat
Sugat sa puso ng may akda nitong sulat...

Written: June 27, 2014
Mysterious Aries
Eunoia Aug 2017
Ako'y natatawa sa'king nakikita
Lahat ay naging makata pagkatapos ng
100 tula para kay Stella,
Paggawa ng isang akda'y hindi ko minamasama,
Sadyang nagulat lamang ako nang mabasa ang katha ng isang kakilalang itinatakwil ang larangan nang pagsusulat,
Sinasabi nilang sila'y katulad ni Fidel, mahilig magsulat pinglalaruan ang bawat salita
Ngunit bakit taliwas ito sa'king nakikita?
Gayong piyesa nga nina Balagtas, Rizal at Bonifacio ay iyong sinukuan?
Lumikha nga ng isang simpleng sanaysay iyong minumura,
Sinasabing "Ano ang kahalagahan ng tugma't taludturan?"
Kaya sabihin mo nga saakin mahal na kaibigan, nararapat ba talaga kitang tawaging isang manunulat?
Hinaing at katanungan ng isang taong matagal na sa larangan nang pagsusulat
kenny Jul 2018
Librong matagal na binuksan sa madla,
Ngayon ay ipipinid ko na,
Maraming salamat sa pagbasa ng aking mga obra,
Sa inyong aking mga taga suporta.

Ngunit ngayong gabi wawakasan ko na,
Hindi na kailanman masisilayan pangalan ng may akda,
Hindi ko na kayang sumulat pa,
Sapagkat kadilima'y tuloyan ng nakapasok sa puso ng manunula.

Nahihirapan ilimbag itong huling tula,
Kahit alam kong dito'y walang magbabasa,
Ito na ang huling tulang aking isusulat,
Paalam ito'y iaalay sa inyong lahat.

'Wag ka sanag tumigil sa paglikha,
'Wag **** hayaang mawala ang tinta ng iyong pluma,
Gawin **** inspresyon ang pagsasara ng aking libro,
Ipinapangako kong ako'y gagabay sa'yo.

Hindi man kita lubosang kilala,
Ngunit ibibigay ko sa iyo ang aking dugo upang ika'y makasulat pa,
Maraming salamat,
Ako'y magpapaalam na.
RLF RN Feb 2018
Masakit na nakaraan,
tayo'y kapwa mayroon.
Syang dahilan ng ating takot,
Huwag ng balikan, bagkus
Sa isa't isa halina't kumuha
ng bagong lakas,
ng bagong simula,
at ng bagong pag ibig.

Tila sinadya ng tadhana,
Tayo'y sinaktan at tinuruan muna,
Upang sa araw ng pagtatagpo,
Kapwa tayong nakahanda.
May dahilan ang lahat, ika nga.

Ilang sulok na ba ng mundo,
Ang ating nilakbay?
Ilang tao na ba ang sinubukan
kilalanin at sinugalan?
Gaano karaming luha na ba,
ang pumatak at naubos?
Ilang beses na ba?
At ilang beses pa ba?
Nandito na ako, hindi ba?
Nandito ka na rin,
Nandito na tayo,
Palalagpasin pa ba?

Sa malayuan, mananalangin na lang ba?
Sa malayo, mangangarap na lang ba?
Aasa na lang ba sa malayo?
Magmamahal na lang ba sa malayo?
Hanggang sa malayo na lang ba ang lahat?

Humawak ka lang sa akin,
Pangako, hindi kita bibitawan.
Buksan mo ang iyong mata,
ang ganda ng bagong pagkakataon,
pangako, ipapakita ko sayo.
Maaari ka rin pumikit,
Damahin mo ang aking haplos,
pangako, ikaw lang ang mamahalin
pangako, sa iyo, ako'y tapat.

Huwag ka ng matakot, mahal ko.
Tayo'y magtiwala sa Diyos,
Sapagkat Siya ang may akda,
Ng istorya ng ating pagtatagpo,
Ng kwento ng ating pagmamahalan.
Huwag kang sumuko, mahal ko.
Huwag tayong susuko, mahal kita.
Crissel Famorcan Oct 2017
Minsan naisip kong huminto
Naisip ko na ring sumuko
Pakiramdam ko kasi kakaiba na ako sa lahat
Kaya madalas naiisip kong tumigil na sa pagsusulat
Hanggang sa makatagpo ako ng ilang Makata
At sa PANGATLONG PAGKAKATAON,sa kakayahan ko,
Mayroong naniwala
Isa yun sa mga pangyayaring labis kong ikinatuwa
Pagkat kahit papano,may nagpapahalaga pa sa aking mga akda
May nakakapansin pa sa natatago kong kakayahan
Kaya nga mas lumakas ang taglay kong paniniwala
Na isinilang ako para magsulat
Kahit na pakiramdam ko kakaiba ako sa lahat
Hindi ako titigil
Sa pangarap kong 'to walang makakapigil
Patuloy akong magsusulat hangga't kaya ko
At Pagyayamanin pa ang bigay sa aking talento
At sana balang araw,
Matupad din yung pangarap ko
Maging propesyonal na manunulat
At May akda ng Isang Libro.
Pusang Tahimik Feb 2019
Buhay ang tula
Dulo ay may tugma
Mga salita'y umaakma
Sa damdamin ng may akda

Huwag ka'ng mabibigla
At manatili na mamangha
Sa mga liham na katha
Na isip ang lumikha

Ang pagsuyo ay makata
Na walang pag-aakala
Ang tiyakin ay abala
Tiyak **** makikita

Ang paksa ng tula
Ay tiyak sa simula
Suriin ang salita
Sa puso ay nagmula

Ikaw ay mapapaibig
At titikom ang bibig
Manlalambot ang bisig
Sa tula na may tinig
By: JGA
Zen billena Aug 2020
siyam na letra ang "mahal kita"
dalawang salita na di ko makakaila.
hindi man ako bihasa, sa mga matalinhagang salita.
nais ko lamang ipadama dito sa maiksing tula.

gusto ko ilahad ang hindi mapaliwanag
nais nang matapos ang paghihirap.
magiipon ng lakas, kahit pwede ito ang maging wakas.
pipiliin sumugal at ang puso'y itaya.
hindi mo man maibalik ang mga salita.

oras at sandali ay akin pang naalala
nung buong loob sinambit na "mahal kita"
balintataw saking mata agad nadama.
nung sinabi mo saaking "pasensya kana".

para akong pinilas na pahina
sa libro na ikaw ang may akda
mga mata'y di na nag tagpo
ngiti mo saakin biglang nag laho.

masakit pala.. kahit pa handa ka
pero ang sabi nga ng iba
kung  mahal mo sabihin mo
panalo ka man o talo.
111322

Sa mga lirikong wala pang tono
Ay aking ipamamalas ang Iyong Kagandahan —
Kagandahang ni minsa’y hindi pa nasulyapan
Bagkus kusang hinahanap-hanap.

Ang matatamis **** Salita
Ang aking baon buhat agahan hanggang hapunan.
At mauhaw man ako o magutom sa daan
Ay alam kong Ikaw ang sagot
Sa bawat katanungan at kakulangan.

Ang pagdampi ng bawat lubid sa aking mga daliri
Ay katumbas ng paghehele Mo sa akin sa gabi —
Sa gabing palaging puno ng bituin ang kalangitan
Na pahiwatig ng maigting **** pag-ibig
At walang katapusang pag-iingat
Sa puso kong puno ng galos sa bawat araw.

Ang likidong sining sa aking mga mata’y
Palatandaan na ako’y isang mahinang nilalang
Na nagnanais ng Iyong pagkalinga’t pag-aaruga.

At ako’y uhaw pa rin sa katotohanan
Bagamat ilang beses ko nang nilisan
Ang mga baitang ng edukasyon
Na isang panimula lamang
Sa yugtong ito ng sarili kong kasaysayan.

Takpan ko man ang aking pandinig
Ay hindi ito balakid sa paghirang Mo sa aking ngalan
Na tila ba Iyong hayagang binabanderya
Na ang pagkatao ko’y may halaga
Bagamat ako’y may hindi sapat na pananampalataya.

At sa katunayan pa nga’y
Ikaw ang humihila sa akin pabalik
Sa mga lirikong akala ko noong una’y
Ako ang may akda
Ngunit maging ang hininga ng mga letra’y
Tanging Ngalan mo ang isinisigaw -
Syang salamin sa'king Tula.
Ara Mae Apr 2020
Napakatamis ng mga umaga na ang bumubungad sayo ay ang kaniyang magagandang ginawa, at sa gabi baon-baon mo ito hanggang sa paghimbing.

Nang natutunan ko ang tunay na halaga ng pagsamba, natuto din ako puso na tumibok at magmahal ng totoo.

Nagmamahal ako kaya ako nakatayo ngayon sa inyong harapan, pero bago ang lahat ng ito, may nagmahal muna sakin kaya ko nakayanang tumayo rito.

Sa paglipas ng buhay, ng dahil sa pagmamahal na nag uumapaw at hindi mapantayan, lahat ng salita, kilos, gawa o akda hatid ko ito sakaniya bilang pagsamba.

Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsayaw, hindi lang sa pag tayo rito sa kinatatayuan ko ang tunay na pagsamba, dahil ang tunay na pagsamba ay mula sa ating ginagawa na ating isinasapuso para sakaniya.

Maraming paraan para ang Diyos ay ating mapasaya, kaya huwag kang mag alala, malambot ang puso niya basta’t lumapit ka lang ng may pusong mapagkumbaba.

Magtiwala ka, dahil nakikita niya ang bawat galaw, naririnig niya at bawal salitang iyong sinasambit kapag ika’y nagdarasal o kahit umaawit.

Minsan tayo’y nahihirapan sumamba lalo na kung ang ating puso ay punong puno ng galit, sakit at mga tanong na bakit na dahilan ng ating paglayo sakaniyang piling pero mali, bakit tayo lalayo sakaniya kung alam nating siya lang ang makapag pa paalis ng galit, makapag pa pagaling sa sakit, at makaka sagot sa mga tanong na bakit, pero kung hindi mo alam to, sinasabi ko sayo, totoo, huwag kang mahiyang lumapit sakaniya dahil nakikita niya ang lahat ng ito.

Alam mo, tatanggapin ka parin niya kahit minsan inisip **** tumalikod sakaniya, kahit minsan, mas pinili mo pang makasama ang barkada, buhat buhat ang mabigat na problema diyan sa iyong puso, iniisip mo ito ang sagot sa problema mo pero hindi. Mas dapat piliing lumapit sa pinagmulan ng iyong liwanag sa buhay dahil siya lang ang makagbibigay ng ilaw kapag ang iyong buhay ay nagdidilim na.

Ang lahat ng ito’y nararapat lamang para sakaniya, dahil inalay niya ang kaniyang buhay, naglakad ng duguan, ipinako sa krus kahit walang kasalanan. Hindi siya sumuko, hindi siya huminto, ipinagpatuloy niya ang lahat ng ito para ilagtas ka, ako, tayo.

Ang pagsamba, hindi lang sa ginagawa ko sainyong harapan, ito rin ay ang pagtitiwala sa Panginoon na siya’y magbibigay ng kasagutan sa ating mga kahilingan.

Nasasabi ko lahat ng ito dahil binuksan ko ang aking puso’t isipan sa bagong kaalaman, hindi tungkol sa matematika, dahil pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo ...... namulat sa katotohanan at nagkaroon ng pagbabago sa buhay, ang Diyos ay nakilala, at binigyan ng kulay ang aking buhay.
Isabelle Dec 2017
Dito tayo sa istorya
Na ako ang may akda
Kung saan tayong dalawa
Oo, tayong dalawa
Tayong dalawa ang bida

Dito tayo kung saan tahimik
Na ngiti mo lang ang dinig
Dito tayo sa aking panaginip
Kung saan ikaw ay akin
Kung saan ikaw ay akin
Gumising ka....

Inspired by autotelic's gising
Trying hard sa tagalog poetry
Glen Castillo May 2020
Hindi kalayuan ang mga bituin
Kung ito’y sagad na susumahin
Di hamak na mas mahirap marating
Ang pusong hinding hindi mo ma-angkin

Hindi kalayuan ang pangarap
Kung ito’y sakdal nasang makaharap
Di hamak na mas malayo ang agwat
Ng dalawang pusong di magka sabwat

Pangarap kong maisulat kita sa aking mga tula
Pangarap ko ring maisulat mo ako sa iyong mga akda
Sana’y sing dali tayong maglapit at maglapat
Na tulad ng mga papel at kanyang panulat.


© 2020 Glen Castillo
All Rights Reserved
Sa kabilang dako ng mundo ay nakaharap ko ang manunulat na katulad ko.
Crissel Famorcan Dec 2019
#84
Sinungaling ang mga manunulat.
Mapanlinlang ang kanilang mga akda—
Pinaniniwalang maayos lang ang lahat
at walang dapat na ipag-alala,
Nagpapanggap
na tanggap na nila,
Ang mapait na sinapit
ng ugnayan niyong dalawa—
Nagpapanggap
na tanggap na nila,
Dahil magaling silang magpaikot
ng mga salita,
At bihisan ng ibang kahulugan
ang kanilang mga tugma;
Mapanlinlang ang mga manunulat,
Paniniwalain ka nilang tanggap na nila ang lahat,
Na ayos lang kahit hindi sila ang piliin
basta't masaya ka—
Wag kang maniniwala sa kanila!
Sinungaling sila!
Mapagpanggap
ang kanilang mga panulat;
Masaya kahit nasa piling ka ng iba?
Sino ba namang matutuwa
'pag ang bagay na pinapangarap mo
ay hawak ng iba?
Hindi gano'n kabilis magpalaya
ng mga bagay na hindi pa nagiging sa'yo,
Pano mo bibitawan kung hindi pa naman dumarampi sa mga palad mo?
Kaya maniwala ka.
Sinungaling sila.
Hindi nila tanggap na hawak ka ng iba.
Hindi sila mabilis magpalaya.
At wala silang balak na palayain ang pag-ibig.
Kahit nagkakasiya sila sa mga simpleng titig—
Mga patagong ngiti at kilig
Sa t'wing nariyan ka.
Oo! Sinungaling sila.
Pagkat sa likod ng mabulaklak
na isinusulat nilang mga salita,
Nakatago ang pusong humihiling,
"Sana ako nalang siya".
042624

Ang bawat buhay
Ay binubuo ng mga pahina ng mga tula
Ilang libong libro na may makakapal na kuwento
At marahil ang iba’y, sa unang pahina pa lamang
Ay maroon na rin ang kanilang dulo.

Kakatha pa rin ang Bathala
Kahit punitin man ng kadiliman.
Lilikha gamit ang Kanyang hininga,
Isang idlap, isang kurap
Patuloy ang pagbibigay buhay at katuturan.

Sunugin man ang mga pahina,
Dapuan man ng mga alikabok at mga insekto,
Mabura man ang mga letra
buhat sa mga patak ng ulan
Ay mananatili pa rin ang mensahe’t nilalaman.

Sa huli, ang may Akda
Ang tanging may hawak ng mga kasagutan
Sa mga pahinang hindi natin alam
Kung kailan nga ba ang katapusan.
111921

May mga gabing kukuha tayo ng pluma’t
Kakatha ng mga himig sa ating isipang
Itinuturing nating mga bala’t sandata
Laban sa mga nanghihimasok na mga ideolohiyang
Kumikitil sa ating nag-aalab na mga pangarap.

At may mga gabing
Isusulsi pa rin natin nang magdamagan
Ang mga alaalang pinunit ng kasaysayan.
At siguro nga’y wala na rin tayong
Ibang kuwentong maiaambag pa.
Marahil ang lahat ay maging tuldok
Bilang panimula’t pangwakas.

Kusa ang ating pagtiklop
Bagama’t manhid na tayo
Sa malamig na pag-ihip at pagsipol
Ng bumubugang panahon.

At maghahagilap pa rin tayo ng dahilan
Sa bawat puwang, sa bawat patlang
Na bumabalandra sa ating harapan
Sa bawat pagkabit sa araw
Na parang mga parol pagsapit ng kapaskuhan.

At siguro nga’y magugulat tayo
Sa paparating na sorpresa
Na hindi na tadhana ang may akda.
Na baka bukas o sa makalawa’y
Ibang lenggwahe na ang ating binibigkas
At ang ating mga kasuota’y
Mapupuno ng mga palamuting
Pinili at tunay ngang may basbas.
Pusang Tahimik Jun 2021
Ang panukala ay itinago sa lihim
Lihim na nakakubli sa isang malalim
Na talinhaga na di kayang unawain
Nang isipang tinakpan ng takip-silim

Tila yata walang naka-uunawa
Kung ano ang mga panukala
Na nagkukubli sa anyo ng Salita
Na nariya'ng kasama natin at nakatala

Sino nga ang nakakikilala ng May-akda
Na nagpapahayag at Siya ring nagtakda
Nang mga kaganapang walang patda
Na Siya'ng tumpad din ng mga Itinakda?

Sino nga ba itong Salita
Na nagkukubli sa anyo ng mga salita
Na tinatawag ding Mabuting Balita
Na inyo nga'ng ipinamamalita?

Sino nga ang marunong at nakauunawa
Ipahayag iyon sa isip, salita at gawa
Ipakita ito sa kanyang kapwa
Upang may buhay ang kanyang mga salita
Tula, talinhaga, Panukala, Mabuting Balita, Salita,
Kev Catsi Jan 2022
Bagong kabanata ay nabuksan
tatlong daan anim naputlimang pahina ang pupunan
bawat araw ay ilalathala at susulatan
maging maganda o masama man ang kalabasan

Mga kalbaryo at pagsubok na kailangan pagtagumpayan
Mga pagpapalang darating at kailangan nating pasalamatan
Mga sakit at pighating hindi maiiwasan
Ating haharapin at mararamdaman

Ika'y handa na ba ngayon?
Harapin ang bukas at iwan ang kahapon?
Kalimutan at isara libro ng nagdaang taon
Pero may mga aral ka ng nakaraan na iyong baon baon.

Sa libro ng ating buhay na tayong may akda
sulitin ang guhit at sulat ng ating tinta
matuto sa mga karanasang mapait at maganda
Bago natin bitawan ang pluma at lumagda
kim Oct 2020
Hindi ka man mahilig sa tula
hayaan **** gawin kitang akda
‘pagkat dito dumadaloy ang mga salita
na minsang ipinarating ng mga mata
marianne Apr 2022
Alam ko,ikaw sa kaniya ay unos, sinimulan ng mga munting patak na nagsalba mula sa pagkauhaw ng puso,niluklok ang kaluluwa sa sukdulan, panandalian **** nilunod ang mga pighati’t galit sa dibdib ay umaapaw. Ngunit ako,ako ang katapusang gugunaw ng mundo–mundong puro pait ang pinadadampi sa pusong nagpapakatatag anumang paggiba sa bintana’t pinto nito ang gawin ni realidad . Ako ang susunog sa bawat ala-alang nilason : mga litrato’t tula na iyong kuha’t akda. Ako ang tatapos at ito ang aking simula.
KI Feb 2018
Sarili ay sa wakas napagbigyan
Ngunit ang natanggap ay malamig na katahimikan
Isang pagtanggi, na di makakalimutan, na itatatak, na tatandaan
Meron talagang mga bagay na napakatamis parin kahit man masaktan

Tanggap ko na ang nakatakda
Tanggap na ang katapusan na di kayang palitan kahit pa ng pinakamagaling na may-akda
Tanggap na pero pilit paring nagpapakatanga
Pilit paring linulunod ang sarili sa damdamin na parang na wawala
Ako nalang sasagot sa sarili
(before receiving the true rejection kay di man niya dayun gi hambal )

— The End —