Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
solEmn oaSis Nov 2015
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN
KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN
ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala
naniniwalang kaya ko pang magpatuloy
magpatuloy sa aking mga adhikain
adhikain na nagsisilbing inspirasyon
inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak
mga anak na gagabay sa ating pagtanda
sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin
buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa
pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon
loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe
mensaheng dapat ingatan at gawing pribado
pribado na hindi tulad ng aking buhay
aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata
makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang*  nagningas
nagningas hanggang sa pumutok  ang araw
ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN!
kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig
nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA
TULANG PINAMAGATAN KONG
=_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
i proudly present to you my 21st presentation
of my emotion beyond the caption...
here in Hello Poetry,,
i found my self unselfishly!
though each one of us,
attending our own world sometimes.
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Boom!  Pagsabog!
Na sa aking dibdib ay kumabog!
Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog!
Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?

Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan,
Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan,
Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan,
Isang bayang tanyag sa kaunlaran,
Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.

Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan,
Isa ako sa mga nawalan ng magulang,
at saksi sa karahasan na walang katapusan,
Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.

at habang aking pinagmamasdan,
Isa-isang nabubulagta at dugu-an,
Ang aking mga kamag-anak at kaibigan,
at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.

Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo,
kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod...  humihingal....
Iyak ng iyak at nagsusumamo
at habang ako'y papalayo ng papalayo--------
Naisip ko:
      "Saan ako patutungo?"
       "Sa mga pangyayaring ito sino          
         ang namumuno?"
         Sila ba'y mga Muslim o
         Kristiyano?"
        Ngunit maging sino man sila----
        Sila'y hindi santo na may pusong
        bato,
        Dahil sila'y pumapatay ng kahit
        na sino,
        at ito'y hindi makatarungan at
        makatao.

       Ang sakit....Oo ang saklap...ang
       bayan na naghahatid ng
       kaunlaran,
       Ngayon ay nabubura at nag-iiwan
       ng isang malagim na ala-ala,
      Nagsisilbing aral sa tuwina at          
      nagpa-paalala,
      Na kinakailangan ng isang may      
      malinis na adhikain at tapat sa
       tungkulin ang namamahala.

    Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito?
Kaginhawaan o Kahirapan?
Kabuhayan o Kamatayan?

Ang katotohanang ito'y--------
Isang malagim na karimlan!
Pagluha para sa aming mga kabataan,
Crestine Cuerpo
at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,

Oo.....masakit ang mawalan,
Ngunit kailangan kong maging matapang,
Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban,
Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!

Sa mga kinauukulan:
   Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan?
Kung sa isip at puso niyo'y  para lamang sa pera at kapangyarihan?


Kapatid... Kapuso.... Kabarkada....  at Kapamilya.......
Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
012817

Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap
Natangay man ng hanging habagat
Ito'y iyong ulitin
Pagkat sa kamay mo nakasalalay
Ang imahe na magsisilbing litrato
Ng iyong mapaglarong isip.

Kumpas ng kamay
Na tila nagpapagalaw ng mga butil
Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin
At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw
Sa madilim na kwarto
Na sya ring nagbibigay kulay
At naiisakatuparan ang mga munting nilikha
Sa ibat iba nitong linya.

Ngayon, ikaw ay dumating
Wag **** sasabihing huli na ang lahat
Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo,
Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip.

Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa
Dahil Diyos ang nagbigay ng talento
Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap.
Magdiwang dahil kagaya ko,
Siya ang magbubuo ng iyong pangarap.

Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw
Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag
At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya.

Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita
Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
(C) MKD

Medyo in-edit ko lang.
011521

Iaalay ko ang aking katha
Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin
At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili
Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin.

Malayang pagpili --
Pagpili sa hindi lamang gusto,
Ngunit pagpili sa kung ano nga ba
Ang tunay na nararapat.

Kaakibat ng pagpili,
Ay ang pagtimbang sa kung ano bang
Makabuluhan sa panglahat na kapakanan.
Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili,
Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan.

Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan
Naroon na ang lahat?
At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari
Ay sama-samang pumoprotesta
Sa kani-kanilang adhikain.

Minsan, gusto nating matahimik..
Tahimik na lumalaban
Hindi gaya ng mga nasa lansangan
At itinatali ang sarili
Sa kanilang nasanayang batas.

Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon,
O baka nalimot mo na ring
tayo'y demokrasya na ngayon
Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon..

Ano nga ba ang malinis na konsensya
Sa bayan kong dinungisan na ng pawis
Ng iba'ibang ganid na mga bansa?
O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman
Na tayo rin mismo ang sumira
At lumaspangan sa bandila nating
Noo'y dugo ang nasa itaas.

Sakim ang ating mga sarili
Pagkat tayo'y nauuhaw pa
Sa pansarili nating kalayaan.
Tayo'y walang ipinag-iba
Sa mga pailalim na bigayan
At pagsalo sa kaso ng iba,
Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban
Ng mga naging bihag sa selda.

Habang ang iba'y naghahalakhakan
At pawang mga hangal
Sa kanilang pagbalot sa sarili
Patungo sa bukas
Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay.

Susuong ka pa ba?
Kaya mo pa bang magbulag-bulagan?
Pero sa buhay na iyong pipiliin,
Piliin mo sana ang daang matuwid.
At paano mo nga malalaman
Ang mas higit sa timbangan
Kung ang iyong pamantayan
Ay sirang orasan at papel na ginintuan..

Nasayo ang hatol
Ang hatol kung saan ka lulusong
Kung saan ka makikiuso..
Pauline Celerio Nov 2016
Alaala ng alapaap
Ang naglahong mga pangarap
Sa dapithapon na umaga
ng kawalan ng pag-asa.

Alaala ng alapaap
Ang bawat pangungusap
Na sa dugo ay inukit
At buhay ang kapalit.

Alaala ng alapaap
Ang mga bugso ng damdamin
Ang mga pusong lumalaban
Para sa iisang adhikain.

Ngunit sa bandang huli
Sa paglipas ng panahong mahaba
Tanging ang alapaap
Ang tunay na umaalala.
A poem in my mother tongue. In memory of all those who were unjustly killed during the Philippine Martial Law. #MarcosNOTahero
Eugene Feb 2016
Dumaan man ang napahabang panahon,
Lumipas man ang ilang libong taon,
Itago man sa kailaliman ng kahapon,
Uusli at sisibol ang mga tula ngayon.


Ilang beses mo mang pigilan,
Talunin sa iba't-ibang paraan,
Mapa-asaynment o impromptu 'yan,
Nagagawa ang tula ng may kahusayan.


Sinong mag-aakalang ito'y nakatago?
Sinong mag-aakalang ito'y para sayo?
Sinong mag-aakalang ito'y hindi bato?
Sinong mag-aakalang ito'y nasa puso?


Isang libangan kung ito'y tuklasin.
Isang adhikain kung ito'y susulatin.
Isang liwanag kung ito'y susuriin.
At isang kayamanang kailanma'y hindi maangkin.
Nagtago ang mga parilya sa kalupaan
Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan
Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim
Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon.

Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis
Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa
Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos
Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao.

Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain
Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi
Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo
At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw
Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis
Para sa ikuunlad ng kabuuan.

At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya
Ang mga may buo ang loob.
At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa
At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba --
Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan
At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.
Pusang Tahimik Jan 2023
?
Damdaming walang katumbas na salita
Maging sa diksyonaryo'y di ko makita
Waring humahagilap ng mga kataga
Na aangkop sa ginagawa kong tula

Ang isip ay nagtatalo at nagwawala
Ang bawat isa'y nais makawala
Aking gagapusin ng mga tanikala
Mga anyo na ako rin ang gumawa

Sapagkat hindi nga sila kayang patayin
Waring mga aninong di na kayang alisin
At sa pagdaay pinipilit ko na lamang mahalin
Kahit na taliwas pa ang aming adhikain
JGA
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad,
Ayokong maniwala sa kapalaran,
Pagkat hindi na tayo mga batang
Nakikipaglaruan pa
Sa mga mumunti nating mga pangarap.

Sa bawat desisyong ating paninindigan,
Doon natin masasabing, kaya talaga natin.
Mahirap man makipagsapalaran
Sa mga nagtatagisang katauhan
Ngunit, isipin mo,
Hindi natin sila kalaban.

Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya,
Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng,
“Magandang umaga.”
O kung bakit minsan,
Nananatili tayong pagod na pagod
Na tila ba hinihila tayo ng Araw
Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang
Na magpapagal at hindi aani.

Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo,
Kundi iikot tayong may dahilan
At hindi tayo magiging pabalik-balik.
Tayo’y matututo sa bawat lubak,
Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko —
At tayong manananatili sa pagwagayway
Ng ating mga bandera,
Na hindi nagpapatangay
Sa mga mistulang diktador na mga alaala.

Magbibilang tayo ng araw,
Ngayong taon
Ngayong araw na ito,
Tayo’y magsisimula —
At hindi tayo magtatapos
Nang walang kabuluhan
Ang ating mga adhikain.

Tayo ay iisa —
Isa, dalawa..
Tatlo..
Tayo na —
At magsimula.
Nix Brook Jan 2021
sa hindi sadyang pagkikita
mga matang aligagang nagtugma
bagkus pinagsawalang bahala
ba't paglalaanan ang 'di kilala

mga hindi tukoy na adhikain
ultimo interes iyong hahagilapin
bakit sayo'ng presensya pa-aalipin?
kung dusa't pighati ang siyang babaunin

mga kalakip ng hiram
hantungan ay paalam
wala kung sino ang may alam
mga damdaming kumakalam
unang paksa
Oh Pinakamakapangyarihang Dios Ama
Tagapaglikha ng tao, langit at lupa
Panginoon ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga

Kailan Mo po diringgin
Ang sampung taon ko nang panalangin?
Pag-ahon sa karimlan ay akin nga bang sasapitin?

Kayraming tao sa mundo ang sadya **** pinagpala
Hinandugan ng kapangyarihan at limpak na pera
Subalit kanilang ginamit sa mali at masama!

Ako na itong alam Mo kung saan gagamitin
Negosyong pangtustos sa pagkaparing nais tahakin
Puhunang tutulong sa mga taong may mabuting adhikain

Bakit ipagkakait sa nais pagsilbihan Ka?
Sa may hangaring tumulong sa kapwa at sa bansa?
Dakilang Tagumpay sa Philippine Lotto sa akin po ay itadhana!

-06/27/2015
(Dumarao)
*My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
My Poem No. 370
051922

Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.

Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.

Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.

Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.

Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.

Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.

At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.

Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.

At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling  makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.
112622

Balikan natin ang mga pahina ng kasaysayan
Bagamat may iilang tekstong isinawalang-bahala na.
Mga pahinang hindi na nagawaran
Ng konkretong kalinawagan
Bunsod sa kusang pagpapasakop natin
Sa mga banyagang hayagang dumidikta
Sa ating kultura maging adhikain.

Hindi man natin nalimot
Na tayo’y minsang nakipisan sa mga bahay kubo,
Tayo pa rin ay tumawid sa lubid ng kamangmangan —
Ilang ulit na‘t tila ba hindi na tayo natuto sa mga kamalian ng nakaraan
Hindi lang tayo basta nabitag,
Bagkus rehas ay atin pang ipinagtibay.

Oo, tayo lang naman ang bumihag sa ating mga sarili
Kusang sumiping at nagpatali
Hanggang huli na nang mamalayang
Hirap na pala tayong kumawala
Sa mga buhol na tayo mismo ang may sulsi.

Iniibig natin ang Pilipinas gamit ang ating bibig
Ngunit ang bandilang ating iwinawagayway
Ay hindi na pala ang sariling atin.
Hindi masamang makisabay sa uso
Ngunit wag nating kaligtaan na tayo’y mga Anak ng Bayan.

Hindi rin mainam na tayo’y magpasakop
Sa samu’t saring ideolohiyang inihahain sa atin.
Pagkat hindi porket nasa hapag na’y
Ito’y para sa ating upang nanamnamin.
Wag kang hangal, Inang Bayan!

Isinisiwalat natin na tayo’y tunay na mga kayumanggi
Gamit ang mga sandatang hiram
Ngunit sa ating pakikibaka’y
Hindi ba sapat ang ating armas
At kailangan pang umasa sa kanilang lunas?

Pluma ang naging sandata noon
Ngunit maging ang ating Bayani’y
Hinayaan na nating maging pipi.
Mga lata’y maiingay
Sa araw-araw nating pakikipagkalakal.

Kahit saan tayo sumipat,
Tayo’y natutukso pa rin —
Bumibigay at bumibitaw, nalilimot maging tapat.
Aahon nang nakapikit,
Maging lenggwahe’y pahiram na rin.

At kung tayo ang huhusga
Sa ating walang modong mga nagawa’y
Linisin natin ang sarili nating mga dumi’t
Wag nang hayaang maging pabigat sa iba.

At Bandilang ginula-gulanit
Ay sama-sama nating susulsihing muli
Nang ang mga galos ng nakaraa’y
Maging umaapaw na pabaon sa ating mga iiwan.

Sa pamamagitan ng ating pagbubuklod,
Tayo’y magiging isang buong Pamilya.
At magbabalik ang sigla
Na minsan nating hinayaang kainin ng mga bukbok
At anay ng ating pagkawatak-watak.
keneth Feb 1
Itim, malambing. Mga matang aking hambing
Nakatuon, nakatingin sa kanilang nakaw na sining
Isang ako, taimtim, mas tahimik pa sa gitling
Suot ang ngiting tila hiling akong ilibing

Ako't ako, nakatingin sa akin.
Takot akong tumingin sa akin.
Sangkot ako sa kaniyang adhikain
Kumakatok sa'king damdamin

Ilog ng luha, rumaragasa
ba't nga ba 'di mo na 'ko kilala?
Akong kasama mo mula simula
Ako't ako'y di ko na kilala.
elle Sep 17
ano nga ba ang wakas  
ng isang pag-ibig walang landas?
sinta, kumapit ka sa patalim
at isaksak mo ito sa baga mo--
at habang ika’y nasasamid
sa dugo’y mala putik ang testura
tandaan  
iyong adhikain inialay
sa bukas na mapanlinlang,
iyong buhay isinumpa
sa pag-ibig na walang wagas
Ang awitin ng mga armas,
ang katahimikan ng kampana,
ang tinig ng mga bala,
ang kawalan ng himno ng misa.

Balikan mo ang kwento ng nayon,
bilhin mo ang bawat minuto at oras,
mag-baliktanaw sa kahapon at ngayon
nang ‘di ma-balewala ang bukas at wakas.

Ang himig ng mga nagliliparang pana,
bulong ng mga dasal at adhikain,
ang ungol ng mga sundalong sugatan,
bitbit ko sa aking kasal sa kanluranin.

Balikan mo ang kwento ng nayon,
bilhin mo ang bawat minuto at oras,
mag-baliktanaw sa kahapon at ngayon
nang ‘di ma-balewala ang bukas at wakas.
"Baler" series, part four

— The End —