"aayaw" poems
Higit isang taon na rin ang nakalipas
Nang lisanin ang bansang Pilipinas
Upang subukan ang buhay
Sa lugar na kung tawagin ay Dubai
Naalala ang galak ng pagpunta dito
Nang sa kalaunay puro na reklamo
Paano naman kasi ang mga Arabo
Minsan lang maligo sa isang linggo
Dagdag pa ng klima na sobrang init
Pawis mo'y abot hanggang singit
At kung taglamig naman ay pumasok
Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok
Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na
Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana
Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida
Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda
Pero kahit ganun ang katulad nila
Gusto ko ang kanilang pananampalataya
Sa diyos na tinatawag nilang Allah
May oras talaga pag nagdarasal sila
Akala ng marami buhay dito ay maganda
Di lng nila alam kami'y nangungulila
Sa pagmamahal na ipinabaon
Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon
Tila ang bilis ng mga pangyayari
May mabuting resulta kaya sa bandang huli
Lahat ng sakit, pagod at pighati
Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi
Kung lahat ng ito'y isang panaginip
Ayoko na talagang maidlip
Hay... buhay Dubai nga naman
Sana nga may patutunguhan...
Jan 18, 2016
Jan 18, 2016 at 3:38 AM UTC
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon
Nagbabakasakaling malilimutan ka rin
Ginawa na ang tamang desisyon
Na sarili naman ang bibigyan ng pansin
Sinusubukang kalimutan ang mga alaala
Na magpapabalik ng aking dadamdamin
Idinilat ko na ang aking mga mata
Sa mga bagay na maari kong sapitin
Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama
Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata
Sinubukan ko
At pilit na sinusubukan
Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan
Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala
Lugar na aking kinamumuhian
Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat
Mahal, hihintayin kita
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Hihintayin ko kahit imposible naman ito
Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako
Maghihintay ako
Ngunit mahal, hindi ko maipapangako
Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod
Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako
Dahil mahal, tao din ako
Gusto ko din na pahalagahan ako
Gusto kong mahalin ako
Yun nga lang gusto ko galing sayo
Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo
Kaya mahal, maghihintay ako
Habang minamahal ko ang sarili ko
Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa
Sana mahal, maintindihan mo
Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
Jul 21, 2017
Jul 21, 2017 at 6:49 AM UTC
gusto kong masaktan ulit
hindi ito yung tipong hiling ng nakararami pero
gusto kong masaktan ulit
gusto ko yung sakit na talagang mararamdaman ko
mula ulo hanggang sa dulo ng mga paa ko
gusto ko yung masakit talaga
na tagos sa buto at kaluluwa
yun bang sa sobrang sakit, aayaw ka na
pero hindi ka susuko dahil gusto mo pa
gusto mo pa kahit nanghinina ka na
gusto mo pa kahit alam **** mali na
gusto mo pa kahit sabihin nilang ikaw ay tanga
pero hindi mo pipigilan pa
na makadama ng sakit hanggang sa huling hininga
gusto mo pa
kahit ang sakit sakit na
hindi alintana kung sugatan at duguan
ang mahalaga ay mayroon kang nararamdaman
kahit masakit...
masarap...
ang sarap sarap
dahil sa kabila ng lahat ng sakit at sakripisyo
alam **** ikaw itong nagmahal ng totoo
hindi ka naman maaapektuhan ng lubusan
kung hindi tunay ang iyong naramdaman
kaya gusto kong masaktan ulit ng todo
sa pamamagitan nito, alam kong nabubuhay pa ako
gusto kong masakatan ulit ng todo
dahil gusto kong magmahal muli ng totoo
Jul 27, 2017
Jul 27, 2017 at 12:18 AM UTC
nang ako na ang nakasalang sa sampu ng aking pangkat
tatatlo nga lamang sa kanila ang nakaka-angat,,,,sapagkat
ako ang pang-apat na nakaupo sa kanilang lahat,,,,,at bagamat
ang bawat isa sa anim ay alamat,sa ika-lima ako'y nagpasalamat
di man ako lumingon sa tagiliran,,merong gigil ang aninag
di kalayuan,,,ramdam ko-malinaw ko siyang nababanaag
nagmumula iyon sa aking likuran,,, may puwersa ang kamao ng silay
halos mag-agaw sa pag-alingawngaw yaring tanglaw at panglaw
hanggang sa bumukol ang nauukol
dalawang pugad sa iisang pagpukol
sa tawag ng pagsubok,,di na ako"muli pang pasusukol"
sa aking pagtayo,,di ako aayaw sa lunas na patungkol
[4 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
less than 9 DAYS until Christmas
intuition ~~~ intwisyon
" 9 letter-word "
© copyright 2015 - All Rights Reserved
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 1:48 AM UTC
Ako'y bibitaw na,
Puso'y napagod na sa pagkapit
Pahinga na muna sa lahat ng sakit
Kahit na marami paring dahilan para ipilit.
Wala na rin namang patutunguhan
Kahit sabihin kong mahal parin kita.
Wala na rin silbi ang lumaban,
Lumaban sa gyerang uuwi kang laging talunan.
Akala ko'y walang hanggan pero bakit heto ngayon sa dulo
Ikaw ay lumayo, pag-ibig ay biglang huminto.
Lahat ng tiwala'y napalitan ng hinala,
Lahat ng pangarap natin ay bigla nalang nawala.
Minsan kailangan mo ring gawin ang mga salitang "bitaw na".
Kasi lahat ng mabibigat, gumagaan kapag binibitawan.
Pero paano ka aayaw sa bagay na gusto mo pa?
Paano mo bibitawan ang kamay na gustong laging hawakan?
Paano ako bibitaw?,
Kung sa bawat minuto,
bawat oras, bawat araw ay laging ikaw.
Paano ako bibitaw?
Kung sa bawat sulyap ala-ala mo ang tinatanaw.
Paano ako bibitaw?,
kung mahal ko parin ay ikaw.
Oct 25, 2018
Oct 25, 2018 at 10:27 AM UTC
VIKING
- Lovely Joy / 22nd September 2020
Unang sulyap mapapasabi kayo ng
"Tara!! Sakay tayo diyan"
At lahat ay naghabulan
Papunta sa pilahan.
Sa simula ay naeenjoy niyo pa
Pero habang tumataas, buong katawan aayaw na
Sasabihin kay kuya operator na
"Kuya, tamypers muna...",
"Kuya tama naaaaaa..."
At yung taympers na yun, mauuwi sa tiis nalang muna.
Ang dating saya nyo pagkaupo ay napalitan ng takot at kaba
Ang dating ngiti na kay tamis ay napalitan ng ngiting kay pait.
At ang mga tawa nyo sa mukha ay napalitan ng simangot,
At ang malakas na hiyaw na boses nung una
Napalitan ng pabebeng sambit na "ayoko na."
Sumimple sa isang tabi na tulala at sukang suka na
At sinabing di na uulitin pa
Viking tama na o Viking sige pa?
At sigurado akong sasabihin niyo na
VIKING PAALAM NA!!
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 6:42 AM UTC
nilalamig, nanginginig, nanghihina, at humahangos,
sa siksikan na lugar, pinipilit kong umusad at makaraos.
ang sakit ng puso’y nagpaparamdam sa paos niyang sigaw ng “tigil!”
sa mga matang hindi alam ang ginagawa pero ayaw magpapigil.
naghahanap ng sagot, nangungulila sa gustong pagmulan nito,
ang mga paa’y hinahatak palayo sa direksyon mo.
paurong-sulong ang isip na tanging laman ay ikaw,
nagmamakaawang nakaluhod, pilit nang nag-aayaw.
nananakit na ang leeg kakahanap sa kanyang noo’y sandalan,
naiiyak na inaalala ang nagtapos kamakailan lang.
ngayo’y naglalakad mag-isa sa gitna ng maiingay na tao,
dahil sa manhid, wala nang pakialam kahit natutulak at nabubunggo.
bagsak ang mga balikat, ang mga tuhod ay sumusuko,
paubos man ay lumalaban ang mahinang bulong ng puso.
umaasa na sa konting sakit at hintay pa, baka ako pa rin—
na sa aking paghahanap ay makita ka at ang iyong mga matang naghahanap din sa akin.
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:39 PM UTC
'Kaya ko' yan ang sinabi ko
lumalaban kahit parang susuko
pero pagod na pagod na ako
pasensya na pero aayaw na'ko
Aug 24, 2018
Aug 24, 2018 at 7:59 AM UTC
maglalayag sa hiwaga ng hiraya
simula sa sulok ng maharlika
hanggang sa dulo ng maginhawa
alapaap na bang maituturing itong kalsada?
humahawak, bumibitaw
magpupumiglas ngunit hindi aayaw
sanga’t daho’y sumasayaw
pusong puno’y sumisigaw
sigurado sa bawat yapak ng paa
ligaya sa kislap ng mga mata
bawat ngiti sa iyong pagtawa
langit ang makasama ka
babalik
tayong muli
sa maginhawa
Sep 3, 2020
Sep 3, 2020 at 12:32 AM UTC