Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"aasahan" poems
Tayo ay magkasalungat Magkaiba, hindi tugma At kahit baliktarin mo ang mundo Tayo ay dalawang taong Hindi maipagsasama, Hindi maipapares, hindi din maitutugma Pero mahal pa rin kita Ikaw, Ikaw, na nagmamahal ng iba Ikaw, na mayroon mga mata Na para bang sila ang dahilan kung bakit may mga tala Ikaw, na mayroong bibig Para ngumiti o sumimangot Sa tamis at pait ng buhay Ikaw, na mayroong kamay Para mahawakan ang kamay ng taong mahal mo Ikaw, na mayroong puso, Na naghahanap ng kasabay sa pagtibok nito Ako, Ako, na nagmamahal sa'yo Ako, na mayroon ding mga mata Na nakakakita sa'yo kahit ang kwarto ay punong-puno ng libu-libong tao Ako, na mayroon ding bibig Para ngumiti, tumawa, humalakhak Kahit wala ka sa tabi ko Ako, na mayroon ding mga kamay Na dapat hawak ang iyo Ako, na mayroon ding puso Na hindi pala tutugma ng tibok ng iyo Kasi pabilis ito ng pabilis habang ikaw ay papalapit ng papalapit Pero pakinggan mo sana sa ingay ng 'di tugmang tibok ng puso natin May nagsasabing Mahal kita, gusto kita, ako na lang, sana tayo Pero nandiyan pala siya. Siya, na minamahal mo Siya, na parang buwan kasama ang mga tala Siya, na laging hawak ang kamay mo Siya, ang dahilan kung bakit hindi ko kayang sabihin lahat ng 'to sa harap mo. Tayo, Tayo ay parang tubig at langis, Liwanag at dilim, langit at lupa Mapait at matamis, madumi at malinis Maingay at tahimik, itim at puti Tayo ang perpektong kahulugan ng salitang 'salungat' Sana, Sana magising ako sa katotohanan na mali ang konsepto ng pag-ibig na nalaman ko Na ang pag-ibig pala hindi lagi inaantay, At hindi din lagi naghahanap ng kapalit Sana nagkakilala tayong may lihim na nararamdaman sa isa't-isa Sana kayanin **** magmahal ng higit pa sa kaibigan Sana hindi na lang kayo nagkakilala Sana ikaw ang pangalan na nawawalan ng saysay pag paulit ulit ko itong sinasabi Sana hindi na lang ako lagi kumakapit sa sana. Pangako, Pinangako ko sa sarili ko Na pagkatapos ng tulang 'to Titigil na akong isipin ka Titigil na akong alalahanin ang ngiti mo, ang paggalaw ng iyong bibig tuwing sasabihin mo ang pangalan ko Titigilan na kita sulatan ng tula Titigil na akong mahalin ka At ang huling sana na aasahan kong matupad Na sana tandaan mo, Minahal kita, Ginusto kita, Kahit siya na lang At sana masaya ka.
0
Feb 10, 2016
Feb 10, 2016 at 11:13 AM UTC
Magkasalungat

Continue reading...
65
100221 Nauuna pa tayo sa mga alitaptap Sa paggayak patungo sa dilim, At doon sa papag ay sabay-sabay nating iitiklop Ang ating mga paang napuno na ng alikabok Para lamang mag-“indian sit.” Ang ating mga halakhaka’y Nagmistulang musikang humihele Sa pandinig ng ating mga magulang At ito’y mangingibabaw sa liblib na tahanang Puno ng pagmamahal at pagmamalasakit. Tunay ngang payak ang ating pamumuhay — Tayo’y magsisilapit sa ginagawang liwanag ni Itay Mag-uunahan na parang sigurado na kung sino ang taya, Kung sino ang mag-aabot ng gas o posporo Sa tuwing naisasambit ang mga salitang, “Nak, paabot.” Nais sana nating hindi kumurap Pagkat tayo’y nakatututok habang pinagmamasdan Ang nagmimitsa’t nagniningas na apoy. At ito ang liwanag na aasahan nating Magbubuklod sa atin papalayo sa dilim At magkukulob sa nasasakupan Ng sinag ng ating mga paningin. Hindi na natin alintana Ang init na dumarampi sa ating mga balat At tayo’y mapupuno ng pagkamangha Sa liwanag na itinuring nating mahiwaga — Mahiwaga sa ating mga matang Walang ibang nais kundi magliwanag na. Hindi na rin natin namalayan ang bawat segundong lumilipas, Maging ang mga dahong kumukupas Sa paghimlay nito sa ating mga paanan. Panahon ay dumaraan ngunit hindi nang palihim; At panahon din ang susukli Sa mga alaalang nais nating manatili.
0
Oct 2, 2021
Oct 2, 2021 at 10:22 PM UTC
Sa Dulo ng Liwanag: Ang Mahiwagang Petromax
Sa laro ng pag ibig, Walang mechanics, Walang rules, walang score Meron lang players. Kalaban Pero walang kakampi Malas mo kung kilala mo ung kalaban mo pero di mo kayang talunin. Malas mo kung may gustong kumampi Pero ibang laro na ang gustong laruin. Sa larong 1 on 1 Sinong aasahan? Sarili **** strategy Strategy na nakabase sa kalaban.
0
Apr 19, 2018
Apr 19, 2018 at 1:21 AM UTC
Laro - Sugal - Talo
Ang masalimuot na pag-aalboroto. Hindi na sana muli. Ang nakakapuwing na mumunting bato. Maging ang huli na sana ang pinakahuli. Aasahan pa ba natin? Ang nakakabulag, nakakaiyak na abo. Hihintayin pa bang dumating? Hindi na sana muli. Ang natuyong lahar ang aking kapatawaran. Ang iyong kapaligiran ang sa iyo naman. Tuwing Nobyembre at Enero Ipagdarasal ko ang hindi na muling pagputok, pagsabog at pagbulusok ng Pinatubo. Hindi na sana muli. Maging ang huli na sana ang pinakahuli.
0
Nov 20, 2023
Nov 20, 2023 at 8:36 AM UTC
Ang Muling Pagbulusok ng Pinatubo
kahit sabihing sandali hindi ako nag-atubili bakas sa mga labi ang aking mga ngiti makasama ka'y nag pauwi sa aking pighati kaya kahit sa sandali pangamba ko'y pinawi kahit sabihing sandali oras nama'y bumabagal at gustong ulit-uliting muli at sa iyo'y sumandal kaya't sandali huminahon ka man lang wag mag madali nais kang samahan at nasa alaala ko parati na bago umuwi mga kamay nati'y nagdampi kaya sa pagtalikod ay nakangiti at ang puso ko'y humihikbi sa tuwing ako'y iyong nilalapitan kaya sa mga susunod na sandali makasama'y aking aasahan
0
Dec 14, 2020
Dec 14, 2020 at 1:51 PM UTC
sandali.
Nagkakilala tayo sa mga panahon na kailangan ko ng saya Pinaramdam sakin na d ako mag-iisa At dahil dun ay nahulog ako sayo sinta Ngunit ako'y nabigo at nawalan ng pag-asa Tinigilan kong kausapin ka Sinubukan ko ngunit d ko kinaya Ang puso ko'y hinahanap hanap ka Sa isipan ko'y hindi na talaga mawala wala Kaya aking sinubukan ulit Kahit na masaktan akin paring pinilit Mabigo man ulit Okay lang basta sa babaeng aking iniibig Ngunit ngayo'y nag-iba, sayo ako'y hindi nabigo Ako'y iyong binigyan nang pag-asa Hindi ka sasaktan yan ang aking pinapangako Sa aking pagmamahal ikaw ay makakaasa Hindi pa man tayo ganun katagal Pero sigurado akong tayo'y magtatagal Kahit minsan relasyon ay tumatamlay Wag kang mag-alala hanggang dulo hahawakan ko ang iyong mga kamay Para sa babaeng pinakamamahal ko, Wag kana sanang maglaho pa sa piling ko Pangako ko hindi ko sasayangin ang isang tulad mo Pag-asa ang dala saakin ng isang tulad mo Hanggang dulo na sana Pag-iibigan nating dalawa Wala sanang makagiba Sa mga pangako natin para sa isa't isa Mahal, panghahawakan ko ang ating pag-iibigan Walang hanggang yan ang aking aasahan Makasama ka hanggang kailanman Walang gigiba sa ating pagmamahalan Mahal na mahal kita iyan ang pakakatandaan Kahit anong mangyari hindi ka iiwan Sa altar ika'y pagmamasadan Hanggang salitang "oo" ay iyong mabitawan
0
Dec 24, 2021
Dec 24, 2021 at 1:03 PM UTC
Para sa babaeng pinakamamahal,
O iindak na lamang sa tibok ng puso mo At aasahan ko na lamang ba na di mo aapakan ang aking mga paa Pipikit na lamang at magsasayaw...
0
Feb 21, 2017
Feb 21, 2017 at 8:41 AM UTC
Indak- UDd
Mahal hindi ko inasahan, at kahit kalian hinding hindi ko aasahan Hindi ko inasahan na lilihis ka ng daan Ang sabi mo sakin ay hihinga ka lamang Hihinga ka mula sa higpit ng aking pag mamahal Pagmamahal na akiy lubos na inaalay na minsan hindi may hindi nangalay Hindi nangalay sa pag-alay kasi kahit kalian ayaw kang mawalay. Mahal hindi ko inaasahan na lilihis ka ng daan. Mahal hindi ko hinding hindi ko aasahan Hinding hindi ko aasahan na akoy maliliwanagan Maliliwanagan mula sayong katabangan Katabanga tungkol sa ating pag mamahalan Mahal Hinding hindi ko aasahan na tayoy muling matatamisan Muling matatamisan sa ating mga pag sasamahan at madalas na hindi pag kakaunawaan Mahal alam kong ikay natatabangan na At hindi na kita papahirapan pa Mahal na mahal kita pero simot na simot na ko
0
Aug 2, 2017
Aug 2, 2017 at 7:43 AM UTC
Matabang Na Pag Mamahal
Andito ako nagaantabay Baka sakaling Sa dulo ikaw ay Dumating na. Mahal kahit malaon pa iyan Kakayanin Makakaya Kayang abangan ka Basta't ika'y sasapit Dahil aasahan ko Lahat ng ito Lahat ng sinabe mo Alam kong hindi biro ang pag antabay Pero kung para sayo Gagawin ko lahat Papatunayan ko sayo Ipapakita ko sayo na kaya ko Dahil alam kong napaka swerte ko sa iyo Ikaw ang nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo kaya sinta hihintayin kita at mamahalin pa kita.
0
Feb 17, 2020
Feb 17, 2020 at 4:48 AM UTC
Antabayanan