Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#tanong
Sa bawat pag lipas ng taon Ako'y tila naiiwan ng panahon Ngiti ang sagot sa bawat tanong Ngunit hindi ang siya ko ngang tugon Tanong na tila humahamon sa katauhan ko'ng malamya Tanong na malalim ang mga kataga Tanong na iniiwasan ko'ng tumaga Sa pusong takot nang muli pang mapiga Takot lang ako na baka meron akong masaktan Ang siya ko'ng laging sagot at dahilan Ngunit ako nga ba'y tumatakbo lamang mula sa nakaraan At ang totoo ako'y takot na muli nang masaktan? Hindi hindi. Sadyang ako'y iba lamang mag-isip Hindi puso ang umiiral kundi lagi ang isip Sapagkat ako'y pagod na sa mga panaginip
0
Jan 16, 2023
Jan 16, 2023 at 11:21 AM UTC
Tanong
Ala-ala na nga lang ba? Ang makakapagpasaya. Doon na lang ba tayo magkakasama? Doon na lang ba tayo maayos? Di na ba talaga maaayos? Di na ba talaga maibabalik?
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:07 AM UTC
Mga tanong sa aking isipan
lakad takbo walang siguradong direkyon basta yun lang ang ginagawa ko may pagkakataon din nagtatanong kung may papatungohan ba 'to hila dito hila doon saan ba dapat lilingon? aatras ba o aabante ang gulo ng utak ko ano ba ang mas importante? sarili mo o yung mga tao sa paligid mo? ano ang pakikinggan mo? utak ba o ang puso? hirap pumili kasi hindi ka sigurado ipanalangin mo pag ika'y nagdadalawang isip anong ginagawa ng pananampalataya mo? nalilinlang ka na ng mundo sinusunod mo na lahat ng luho mo patawarin mo ako tao lang ako
0
Jul 18, 2019
Jul 18, 2019 at 12:03 PM UTC
Alinlangan
Noong una akala ko ikaw at ako. Yun pala sa huli ay hindi naging tayo. Mahal na mahal kita pero sa pagkakataong ito handa akong bitawaan ka. Handa akong iwan ang lahat para maging masaya ka, Handa akong magpanggap na okay ako! Na okay ang lahat ng meron tayo. Kaibigan ba o ka - ibigan, pumili sa dalawa kung saan nararapat. Patawad kasi sa pagkakataong ito mahal parin kita, Patawad kasi hangang ngayon ikaw parin ang tinitibok nito. Sabi nila pagmahal mo ipaglaban mo bakit di mo ko pinaglaban? Diba ako karapatdapat sayo? Ano ang kulang? May kulang ba ako? Dating ikaw at ako lang ang masaya walang inisip na problema. Dating ikaw at ako lang ang kailangan pero bakit ngayon walang ikaw at ako. May problema ba sating dalawa? May pagkukulang ba kong ginawa? Binigay ko naman lahat sayo, tapos eto lang isusukli mo. Bakit mo ko hiniyaang mahulog sayo? Sino ba sa ating dalawa ang Tanga? Ikaw o Ako? Sabihin mo para may alam ako? Hahayaan mo na lang ba ako? Hahayaang makuha ng iba? O Hahayaan mo na lang akong na masaktan. Dating ikaw at ako lang ang meron noon ngayong ikaw at siya nalang ang pwede, Hindi na tayo pero bakit ako lang ang nasasaktan. Samantalang ikaw naman ang nangiwan sa tulad ko na handang patawarin ka, pero sa huli sinayang na pagmamahal ay nauwi sa walang naging Ikaw at Ako.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 7:54 AM UTC
Dating Ikaw at Ako
Gaano ba kadaling ipagwalang-bahala ang isang bagay? Iniisip mo parin ba ang kasiyahan, O hindi mo na namamalayan , ang iyong kapalaran? Marahil ngayo'y hindi mo pa naiisip ,na Kinabukasan ngingiti ka parin ba o, Palihim ka nalang sisilip. Tignan mo ang kapwa mo kayod-kalabaw buong buhay Habang ikaw nakaupo ka lang nakaharap sa modernong teknolohiya, Sinusubuan ng pera at habang buhay ka na yatang magiging buhay maharlika, Ano? Magmamasid ka nalang ba sa nangyayari? O iisipin mo nalang ang ginawa mo nung nakaraan, Malagim na nakaraan na dinadala mo sa kasalukuyan Hindi puro kasiyahan ang takbo ng buhay ng tao Kailangan din ng kahirapan,kalungkutan para makamit ang inaasam-asam, Huwag kang tumunganga kumilos ka , Ano? Hahanap ka ba ng paraan o ngingitian mo na lamang? O iaasa mo nalang sa ibang tao , o sa pagod **** mga magulang, Na nakaupo ka nalang hindi kumikilos naghihintay ng pera ni Juan?
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 11:56 AM UTC
T(Ano?)ng
Para sa mga pangarap na patuloy nating tinutupad kahit HINDI na tayo magkasama, at para sa mga panagarap na hindi na natin matutupad dahil HINDI na tayo magkasama. pangarap.
0
Feb 15, 2016
Feb 15, 2016 at 5:06 AM UTC
HINDI