#sukat
Isla Olutanga ang kinalak'han ko,
Hindi man matunog, paka-alamin mo;
Munisipalidad dito'y bumubuo:
Mabuhay, Talusan, Olutanga'ng dulo.
Dito nangabuo samu't saring k'wento;
Dito nangamatay sina Impoy't Pupo;
Nagpagulong-gulong mga buto't bungo
Sa lupang nilinang— nadilig din'g dugo!
Pagsasaka rito't pangingisda roon—
Ito'y pangunahing gawain sa nayon;
Pinagkakitaa'y lupa't dagat. Hayun!
Ibang bata'y sanay kahit pa maghapon.
Sagana sa yaman mapa-lupa't dagat.
May palay, tabako, mais, mani, copra,
Saging at kamote; alimango, balat,
Tulingan, taklobo, bangus at talaba.
Nagagandahang mga dalampasigan
Sa isla ring ito mo masusumpungan;
Usapang white sand beach, nar'yang Taguisian,
Dao, Moalboal, Simangol't Kabugan.
May kweba't hotspring ding madalas dayuhin;
Sangtwaryo ng ahas— na-feature na sa film!
Ito'y iilan lang sa mga tanawin
Makikita rito, kung 'yong nanaisin!
Jan 16
Jan 16, 2026 at 7:07 PM UTC
Asa labas ng inyong bahay ako'y haharana
Lumabas ang iyong angkan ikaw nalamang ang hinihintay halina
Lumabas ka na diyan sa iyong bintana aking dalaga
At pakinggan ng mabuti ang aking aawitin kong kanta
Na naka paloob ang tamang sukat at tugma
Itong pag ibig ayokong masayang at pumanaw
Hindi naman sa nagmamadali at uhaw
Sadyang binigay lang ang simpleng babaeng mamahalin ko sino pa ba iyon kundi ikaw
Kaya't hindi na magpapaligoy pa dahil ayoko ng may kaagaw
Ito na haharanahin na kita na masarap pakinggan
Huwag kang umalis at makinig ka lamang
Pasensya kahit sintunado ako
Ang mahalaga ay payagan ako ng magulang mo at ikaw na maging tayo
Marami na naka silay nagmumuka na akong tanga
Itutuloy ko parin ang pag awit sa isang dalaga
Siya lang naman kasi ang rason ng aking pag gising tuwing umaga
Tatapusin ko ang pag harana
Sa isang napaka marikit na salita
Na tatatak sa utak nila
Na aking sinta, mahal kita.
Bawat sukat at tugma
Ng aking kanta
Ikaw ang aking inspirasyon na pinagmulan ng aking harana
Na siya naman nagtulak sa akin gawan ng tono at musika
Kaya pagdating ko sa dulo ng kanta
Sa aking hinaharana hindi ka mapapahiya
Dahil hindi ko sasayangin ang pagkakataon na magmahal ng katulad mo aking dalaga
Mar 30, 2020
Mar 30, 2020 at 4:44 AM UTC
Babangon para sa 'yo
Nandito ang pangako
"Grabeh! Ang liwanag oh."
Kahit ano pang layo.
Jun 2, 2016
Jun 2, 2016 at 12:21 PM UTC