Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
DonwardBughaw
26
Isla Olutanga ang kinalak'han ko, Hindi man matunog, paka-alamin mo; Munisipalidad dito'y bumubuo: Mabuhay, Talusan, Olutanga'ng dulo. Dito nangabuo samu't saring k'wento; Dito nangamatay sina Impoy't Pupo; Nagpagulong-gulong mga buto't bungo Sa lupang nilinang— nadilig din'g dugo! Pagsasaka rito't pangingisda roon— Ito'y pangunahing gawain sa nayon; Pinagkakitaa'y lupa't dagat. Hayun! Ibang bata'y sanay kahit pa maghapon. Sagana sa yaman mapa-lupa't dagat. May palay, tabako, mais, mani, copra, Saging at kamote; alimango, balat, Tulingan, taklobo, bangus at talaba. Nagagandahang mga dalampasigan Sa isla ring ito mo masusumpungan; Usapang white sand beach, nar'yang Taguisian, Dao, Moalboal, Simangol't Kabugan. May kweba't hotspring ding madalas dayuhin; Sangtwaryo ng ahas— na-feature na sa film! Ito'y iilan lang sa mga tanawin Makikita rito, kung 'yong nanaisin!
0
Jan 16
Jan 16, 2026 at 7:07 PM UTC
Isla Olutanga