Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#porkbarrel
Dilaw na laso Para sa pusturang laos Tatak Pilipino Kahihiyan naman ang puntos na dala. Daraan ang bisekleta ni Juan At titilapon ang mga matitining Na Animo Rizal Doon sa Puting Palasyo Dilaw na laso Laban sa Korte Suprema Kung sinong naghalal at nagluklok Siya ring magpapalaya Malayo lamang tayo Sa humihilik na kasinungalingan
0
Jul 17, 2014
Jul 17, 2014 at 11:29 AM UTC
Yellow Lies
Ilang dekada na Lumaban ka raw para sa amin Hindi ko man lamang naabutan Patungo raw iyon sa demokrasya. Tingnan mo kami ngayon Ang daang matuwid ay putikan Ganito pala ang lasa ng imoralidad Na kayo-kayo rin ang nagtimpla. Marami nang nakatikim Ng pait at kakunatan ng inyong hain Ilan pa ba ang papalasapin? Kaawa-awang mga dila Mapapaso't kikirot Dulot ng sarili ninyong mantika. Katulad ng ibang baboy, Ilalabas ka sa hawla Nakalilihi ba doon? Kaya nanlumo kayo sa taba Tabang walang kainaman Hindi magamit panggisa ng kamalian. Sandamakmak pala kayo Nagsanib-puwersa sa looban Pinakakain nang tama, pinagsisilbihan Bagkus tambay sa kurapsyon Sa kulungang may posisyon. Bakal ang tali nyo Kaya't sumuko na't wag pumiglas Pagkat sa putikan ang  ruta Yang putikang kayo rin ang may gawa.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 5:56 AM UTC
#PorkyProblems