Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#panalangin
Tara na sa bahagharing kay ganda Kasabay ng kislap ng iyong mata Mga ngiting di alintana Hiling kong makita sana Halimuyak na iyong dala Sa akin ay nagpapangulila Tamis ng iyong tinig Labis kong iniibig Giliw ako'y ilagay sa iyong isipan Kaagapay sa kahirapan Pagkat ikaw man ay lilisan Magtatagpo pa rin kinabukasan Isang banayad na panalangin Aking laging sasambitin Sa iyo'y ipagkaloob itong dinidingin Wagas na pagmamahal ng Diyos na mahabagin Kay Hesus aking sasambitin Na ika'y lagi nyang mamahalin Hihingin kay Birheng Maria Na kailanma'y di ka mangulila Sana'y lagi **** madama Sa tuwing ika'y nag iisa Yakap nilang kay Tamis at Ganda Di mawawala itong pagsinta Kailanma'y sa puso at diwa Sumasaiyo itong magandang gunita
0
Jul 31, 2022
Jul 31, 2022 at 9:52 PM UTC
Bahaghari
ARMAS MO'Y PANALANGIN. Bago natin hangarin ang pansarili hiling, Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling; Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin. Mataimtim na dasal ang mainam na gawin. Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain; Talikuran at wag na nating ulit-ulitin Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin; Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin. Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin; May dumating mang hadlang at ika'y sirain Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
0
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
Armas mo'y Panalangin
Minsan ako'y nanalangin, diwa ko'y nag-aalanganin. Di alam ang uunahin, di alam ang sasambitin. Gusto sanang alamin ano bang plano sa akin? Sana naman ako'y dinggin at wag nang pagisipin. Ang hirap kasing baybayin, lalo na kung hihimayin. Puso ko'y tila nakalambitin, nakalutang sa hangin. Pilit kong aalalahanin mga bilin mo sa akin. Mabigat man ang damdamin, alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
PANALANGIN
Kung may didinggin man na isang panalangin, Maari bang hindi nalang magising? Kung ito man ang huling sandali, Gusto ko ng magbakasakali.
0
Sep 30, 2018
Sep 30, 2018 at 12:10 PM UTC
Panalangin.
013017 Gusto kong umiyak -- gusto kong ipasalo Sayo ang bawat luha, bawat luhang matagala nang gustong bumaha -- gustong bumaha at magpatangay Sayo. Sa bawat pagkakataong ibinubuhos Mo ang Iying presensya -- mga pagkakataong lumayo ako Sayo -- lumayo ako sa kabila ng pag-ibig **** pang-walang hanggan. Oo, oo at sigurado akong patuloy akong kakapit Sayo gaya noon -- noong unang beses kong pinanghawakan ang bawat pangako **** kailanma'y hindi pumalya. Mga pangakong akala ko noo'y hindi na mangyayari -- pagkat noo'y nagpatalo ako sa sarili kong panahon at binalewala ang oras **** mas mahalaga. Mahal Kita at walang katapusan ang alay Mo. Ni hindi ko kayang palitan o mapantayan o higitan ang pag-ibig Mo. Kailan Ka ba sumuko? Wala akong matandaan kahit ang tanda ko na -- kahit ang tanda ng orasan sa tabi ko. Napapagod ako, nanghihina ako at bumibigay ako pero kahit kailan, Ika'y patas -- patas ang pag-ibig Mo. Kanina ko pa gustong ituntong ang mga paa ko sa hagdan -- sa hagdang patungo Sayo. Na kahit di Kita masilayan ngayo'y aabangan Kita at hihintayin Kita. Gusto kong iluhod ang lahat, ilatag sa paanan Mo ang bawat sakit kasi hindi ko kayang mag-isa. At kung pupwede lang na bumaba Ka ngayon, kung pwede lang -- ay yayakapin Kita. Ama, kung ganito man ang tamang pagsambit ng Ngalan Mo; yakapin Mo ang anak **** lantang-lanta na't uhaw sa presensya Mo. Kung ganito ang paghihintay na kailangan kong maramdamang may mga bagay na hindi kayang ayusin, hihintayin pa rin Kita. Wala, wala na akong masasambit pa. Tinig Mo pa lang, kahit simpleng bulong lang, ako'y napaluluhod sa galak. Iiyak na naman ako at mismong sa harapan Mo, ibibigay ko ang lahat -- Sayo ang lahat, Ama. Sayo, oo Sayo.
0
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 7:46 AM UTC
Sayo Na

Continue reading...
8