Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#palawan
Ilang buwan na ang lumipas Nang gisingin ako ng agos  ng tubig sa dalampasigan Puti ang buhangin At kumakapit sa kayumanggi kong mga balat Ang halik ng Haring Araw. Laking-gulat ng lahat nang anurin ako Ng napakalakas na hangin patungo sa Isla At doon bumungad sa akin ang Pitong Karagatang Mitsa ng aking pagbangon sa kasalukuyan. Naghilamos ako sa maalat na tubig At doo’y naging kakulay ko ang kanilang lahi At inangkin nila ako Gaya ng isang parte ng isang pamilya. Bumukod ako sa pag-aakalang iba ako at iba sila Hanggang sa ang ako ay para sa kanila pala Nagbunga ang pagbuhos ng Langit ng kanyang kasiguraduhan At doon ako'y hindi na isang dayuhan At alipin ninuman. Kinuha ko ang kurtina sa aking bintana At tinapon ko sa aking likuran Kasabay ng paniniwala kong babalik ang Araw At ako'y muling aagusin ng napakalakas na alon kagaya noon At sana -- Sana nga makabalik na ako Sa aming tahana'y Babalik na ako.
0
Mar 11, 2018
Mar 11, 2018 at 9:31 AM UTC
Pitong Karagatan sa Isla ng Boracay
#071416 Kape ang sining Sa walang katapusang takipsilim.
0
Jul 14, 2016
Jul 14, 2016 at 8:34 AM UTC
Art Cafe
Tumambad sa akin ang rehas Na may tuklap-tuklap na nakaraan, Minsa’y puti, ngayo’y sinag na ng araw. May mga banderitas ding panlayag Siyang simbolo ng mainit na pagbati. Nakaririnig din ako ng padyak ng mga paa Sabik sa halik ng lupaing hindi naman pag-aari. Ang pagtatampisaw sa putikang May sirit ng pagmamadali. Ang pagkalampag ng pintuang walang tirahan At ako’y maiiwan, nakatali sa silyang lupain. Sampung minuto raw Sampung minuto ring tumatagas ang mga alaala Sampung minutong pagiging saksi ng ebolusyon Ng waring walang himpil na pagtatantya ng pagkakataon. Nilalatag ko nang paulit-ulit Ang mga kwento ng bawat katauhang kasapi sa kwento Sa kwento nilang paulit-ulit na binabasa Buhat sa matatapang na mga matang Hindi ko man lamang masuyo. Nililingon ko sila sa aking paghihintay Ako’y hindi kilala, bagkus binabalikan. Malaya ko silang pagbubuksan, Yayapusin ng buo kong pagkatao. Hindi ako mapapagod sa pagkukutya sakin ng kalsada Sa’king mga pagal na mga paang rumorolyo. Patuloy kong iindahin ang bawat misteryo ng lubak at patag, Maihatid lamang sila, sa panibagong kwento ng paglisan.
0
Jul 4, 2016
Jul 4, 2016 at 11:33 PM UTC
Stop Over
#112715 #8:20PM Pagkat ako'y tanod sa pagtalilis Sa yari **** agos Ni tikas mo'y nakakubling paraiso Sa bulag kong pag-irog. Ang **masimod **** yakap,** Daplis lamang O, Sinta Sana'y matantya mo Ang pagkukumahog ng pangamba. Di nais na masukol ang tiyak na pagdaloy, Kaya't heto ako't hahalili sa bukas At tunay na buhay, siyang isisikhay.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 7:27 AM UTC
Oceans Deep
Sinasalipadpad ang mga kalat sa pulitika Umaalingasaw ang baho ng iilang kandidato Sa modernong botohan Tila may iilang selyo, May mga balotang sanay Sa may agnas na kandado. Binaha ang pila ng nanghihingi ng boto Istratehiya ng isa'y musika sa mga bingi At may mga bulag na nabibili ang dangal Iisa lang sana ang daan Pero may nagwawagayway ng limang daan. Sa Pula at sa Dilaw Andaming banderitas. Alam nyo, kapwa ko Magising tayo Mamulat na tayo Tama na ang bawian-buhay. Itong Hari ng mga Pula May tandem na Itim Dugo't budhi ma'y kayrumi Hindi kasi pinapansin Ang Itim ang Hari ng Droga Panay ang kalat sa Puerto Princesa Ang Pula ang taga-walis Tila anghel sa bawat sigaw ng masa Naglipana kasi ang salapi Mula sa bulsa niyang binulsa lang din Nagkabaun-baon sa utang Itong siyudad na wala noong bahid. Binayaran pati ang dangal Hindi lamang ng mga naturingang mangmang Eh kasi pati yung may rango Nagpatiwakal na rin Nanlimos ng barya ng bayan. Buhay mga kinitil Kung ang salita ay bibitiwan, Barilin nyo kami nang talikuran Habang may hinagpis Kaming Inang Bayan. Magwagi ka man Pula Hindi papayag ang Hari ng Sanlibutan Patas siyang lalaban sa Bayan Pagkat siyudad niya ito, Kaya nga "City of the Living God." Marami mang pakulo ang partidong Pula Sana'y Ama, dinggin mo ang mga Anak Kami'y maralita Palimos ng pag-asa Lalaban para sa hustisya. Mga kamay Mo ang yumapos sa bayan At basbas Mo'y sa Dilaw Pagkat ang puso ang Iyong tinitingnan Hindi ang pagkilos nang walang pagtingala Sayo. Ikaw ang Maghari Ama
0
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:23 PM UTC
Recall

Continue reading...
54
Nakasisilaw sa Kapitolyo Sa sentro ng siyudad Tatak ng probinsyang pabo. Sari't sari ang trayanggulong baligtad Nasa ere silang kumukumpas At tila ba may spotlight sa norte paroon "City of the Living God," Inukit sa tabla ng di kilalang manlililok. Minsan ding naging "City in the Forest," Sabi pa sa balita'y "Safest place in the Philippines" Bagkus ang pagmimina'y tuloy pa rin Lalo na sa Rio Tuba na ramdam ang Climate Change. Dagdagan pa ng pamimihasa ng PALECO Hihiramin nang saglit ang kakaunting ilaw at hangin Nang di maglao'y mapa-"OO" ang lahat Sa mungkahi nilang planta ng pagbabago. Bulag sila't barado ang isip Kikitilin ang hanapbuhay ng mga residente Walang kamalay-malay ang iilan Ito'y mitsa na pala ng pagdarahop. Hahalayin ang tigang na lupa Bubungkalin raw ang kinabukasan Bagkus ang pawis ay sa atin Tayo'y alila ng karatig-bansa Dayuhan sa sariling bayan. Titirik sila sa espasyo Bisig ng tabing-dagat na buhangi'y sutla Inosente nga sa Salvage Zone Paano pa kaya pag naimplementa na? Likido ang bawat anino sa semento Tumatakbo't tumatagpo sa iba't ibang direksyon Hindi makapuswit ang mga sasakyan Maging ang simpleng harurot Ng munting bisekleta ni Juan. Doon ko nasilayan ang magigiting na pulis Taas-noong suot ang uniporme At iilang traffic enforcer Na wala sa linyang puti. Tila bawat uri ng katauha'y nasa parada Kung hindi man, Sa iilang personang lumalabas-pasok sa eksena Kukuha ng larawan, akala mo eksperto Hindi naman pala Ayos, selfie pala ang gusto Dekorasyon ang mga artistang Netibo. Bawat munisipyo'y may nagsisilbing pambato Makukulay ang mga sasakya't pudpod ng disenyo Na sa kahit sa palamuti'y maitaas ang munisipyo Buhat sa pagkabiktima ng gobyernong manloloko. Highlight nga ang Street Dancing Aba't ang layo ng kanilang lakarin At sa bawat kanto'y sasabay Sa saliw ng Remix na musikang inihain. Nalugmok ang puso ko Bagamat ito'y nararapat na saya ang dulot Ito'y nagsisilbing maskara na lamang Nakasanayan, naging tradisyon Ang kulturang laging may bahid ng eleksyon. Nakaririmarim ang iilang nasa trono Pinalibutan ng berdeng hardin ang sentro Bulong ng Supplier doble pala ang presyo Aba't sige nga, saan nila ibubulsa? Kung ang kanila'y umaapaw pa. Bagamat ang lahat ay nasa bilog Paikut-ikot tayo sa animong sitwasyon Tanging takbuhan nati'y ang Maykapal Na hanggang sa huli'y magwawasto ng bawat kamalian. Sa probinsyang kinalalagyan Ito'y nag-aalab na espada ng lipunan Bawat isa'y responsable't may pananagutan Tamang dedikasyon sa sandigang bayan. Walang masama sa pagiging alarma Maging aktibo ka, kabataan Ikaw ang pag-asa ng Perlas ng Silanganan Abutin mo yaong pangarap at manindigan Hindi pansarili, bagkus pag sa tuktok na'y Gawin ang tanging tama Na naaayon sa batas ng higit na Nakatataas. (6/29/14 @xirlleelang)
0
Jun 29, 2014
Jun 29, 2014 at 12:43 AM UTC
Baragatan 2014

79
You swell some strain on me, You, middle kingdom! Eradicating small detachments, Of both sailors and marines. They were ranked on islets and reefs, With an integer of nine – There in the island next to me, I’m sure, you know who Spratly is. Always wanting such detachment To be eradicated by your own; Now stationed On a World War II era landing ship. Your toy-ships came near me, With 9-kilometer of the LST. “It’s there illegally,” How adamant that be! I’ve tipped you off already, Surely will I stand firm! Then, you’ve countered me on! – Opting for the ******** of more skyscrapers; Those that are on stilts; Now nearby two Reefs & a Bank? – Nearby my darling Palawan Island! “There is no room at all,” For the negotiation on some point, You’ve declared. Oh, here’s my friend, U.S. Left us with course of action to try; Everyone calm down, Be less provocative. For often, he flies over; Probing some stuffs. You are the biggest offender, my friend; In this dispute, you show no sign of slowing; Or backing, down. But hey, I won’t give up! (9/9/13)
0
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:03 PM UTC
Islet of Dispute