Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#pait
Hindi ko mapagkakaila na marahil ikaw na nga Ang pinakamatamis na tulang naisulat ko Hindi ako sigurado kung dahil sa ikaw ang unang lalaking hinalikan ko sa ilalim ng bumubuhos na ulan O dahil binigay ko ang lahat sa laban na 'to Mula ulo hanggang paa Mula buhok hanggang kuko Mula balat hanggang buto Tagos ang mga salitang yumayakap sakin bawat gabi Halos hindi na nga tayo matulog diba sa dinami-dami ng kwentong ibinahagi natin sa isa't isa Naaalala mo pa ba Noong sinabi mo sakin ang takot mo sa dilim At kahit hindi ako nakakatulog ng may ilaw Hindi ko pinapatay kahit para sakin nakakasilaw Para sayo Naaalala mo pa ba? Noong unang beses kong sinabi na mahal kita At ang nakakatawa ay ayaw mo pang maniwala sa aking mga salita Dahil matagal tagal mo rin tong hinintay Dahil sa ating dalawa Alam natin na ikaw ang nauna Naaalala mo pa ba? Ang mga pagkakataong nagtabi tayo sa kama Pero iba Ibang-iba yung unang beses na nagsama tayo Matapos kong ibigay ang aking "oo" Naaalala mo pa ba? Ang iyong paglaro sa gitara Habang ako'y kumakanta At sa hinaba-haba ng gabi ay siya lang ang iyong maririnig Ang ating musika Na bumabalot sa buong daigdig Na para bang wala ng ibang tao sa mundo Kundi ikaw at ako Tayo, ang bumuhay sa mga nota Na para bang may sarili silang isip Sumasayaw sabay sa pag-ihip ng hangin Sa akin Alam ko na sa akin ka lang At sa'yo lang ako Ito ang binuo nating pangako Mapa-dilim, o umaga Maaasahan mo na sayo lang ako At akin ka lang Naaalala mo pa ba? Kung paano mo ko napangiti Sa simpleng biro mo ay mabilisang tumutupi ang simangot ko Na sa kahit anong sitwasyon Gamay mo ang pagmanipula sa aking mukha Napapatawa Napapangiti Nagigising Napapatulog Napapalaki ang mga mata sa gulat Napapakulot ang noo sa alat ng alak Napapahalakhak At maski ang aking pag-iyak ay nakabisado mo na Pero sa lahat ng naaalala ko Hindi ko na maalala kung paano mo ko hinawakan Kung paano mo ko sinabihan ng "walang iwanan" Kung paano mo ko hinagkan na parang wala ng bukas Kung paano mo ko tinitigan At ginawang laruan Na gagamitin pag kailangan At isasantabi pag pinagsawaan Na anumang oras ay pwede paring balikan Hindi ko na maalala kung paano ka nagsinungaling Na parang henyo sa sobrang galing Hindi ko maalala kung paano mo ko sinabihan Ng mga salitang, "Binibitawan na kita." Hindi ko maalala kung paano ko hinayaan Na sumuko ka ng ganon ganon na lang Hindi ko maalala kung paano mo nagawang Sabihan ako ng "Miss na kita." Habang hinahalikan mo siya Hindi ko maalala. Hindi ko na maalala. At ayoko ng maalala. Sa totoo lang hindi ko pinagsisisihang wala ng tayo Pero gusto ko lang sabihin sayo na sinisi ko ang sarili ko Sa lahat ng pagkakamali mo Para sa mga bakit na hindi nasagot Paea sa mga sugat na hanggang ngayon ay hindi parin nagagamot Para sa mga tanong ng madla na pinipilit ko paring ibaon sa ilalim ng lupa at takpan ng limot Bakit hindi mo siya kasama? Ah kasi ayaw niya kong makita. Bakit siya nalasing? Ah kasi nag-away kami kanina. Bakit siya umiiwas? Ah kasi nagsasawa na siya. Bakit hindi ka na niya pinupuntahan? Baka kasi hindi ko binigay ang lahat. Bakit hindi siya lumaban? Baka kasi hindi ako naging sapat. Bakit siya naghanap ng iba? Bakit nga ba? Bakit pinagmukha mo kong tanga? Pero hindi tanong ang pinakamasakit sa lahat Eto Eto ang hindi kinaya ng puso Na para bang ayoko ng mabuhay kahit isa pang oras, Isa pang minuto Isa pang segundo Eto ang mga salitang pinamukhang talong talo na ako "Uy, sabi niya wala na daw kayo." Konting konti nalang Hindi na kailangan budburan ng asukal ang kwentong ito Dahil uulitin ko Hindi ko mapagkakaila na marahil ikaw na nga Ang pinakamatamis na tulang naisulat ko Sayang lang nga Hanggang tula nalang ito Sana pala naging tula nalang tayo
0
Mar 8, 2017
Mar 8, 2017 at 8:34 AM UTC
Hanggang Tula Nalang

Continue reading...
114
Ondo! Hain naman tong atong kasabutan nga kita maghigugma-ay pooreber? Ni bugnaw nalang ning kape og ni gahi nalang ang pan, sa sigeg huwat nimu  nga ma-abot ka sa akung atubangan. Ako gikapoy na og susama sa  kapeng bugnaw nga nahanaw ang katam-is og napuno sa kapa-it akung dughan.
0
Sep 12, 2014
Sep 12, 2014 at 2:23 AM UTC
Bugnaw nga kape
naglalakad sa gitna ng kadiliman at nakapikit sa paghakbang ng walang kasiguraduhan ang sigaw ng paghihirap ay tinik sa lalamunan ang pighati ay dinadala sa paglalakbay ilang patalim na ang aking tinahak makuha lamang ang ninanais ng kaluluwa ngunit bakit kahit ilang patalim ang lunukin kailanma'y hindi makakamtan ang ninanais binalot ng pait at galit sa paghihirap may pag-asa pa nga bang matatanaw sa isang paglalakbay na puno ng sakit isang sakit na unti-unting lumulumpo sa aking kaluluwa mababatid pa nga ba ang kinabukasan sa paglalakbay na puno ng hinagpis at pag-inda ng mabibigat na dalahin sa isang pikit-matang paghihirap.
0
Dec 20, 2019
Dec 20, 2019 at 7:52 AM UTC
pikit mata
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
paint the villain in your mind What do they look like?
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 8:27 PM UTC
I painted you when i shouldn't have