#lumbay
Kapag ang loob ko ay tila isang piitan,
At ang mga tanong ay walang mapaglibingan,
Dito ko hihilingin ang iyong kaparangan,
O, puting mitsa ng aking mga alinlangan.
Hihithitin ang pait sa gitna ng paglamay,
Isang sining ng dahan-dahang pagbibigti—buhay,
Ang usok ay naging malabo ngunit tapat na saklay,
Sa mga pangarap kong matagal nang nakahimlay.
Sa bawat buga ay may lumbay na humuhulagpos,
Isang lihim na usapang hindi na matatapos,
Hinahayaan kong ang mitsa ang siyang gumanap na panggapos,
Habang ang sariling hininga ay unti-unting nauupos.
Ikaw ang aking dambana sa t’wing ako’y ligalig,
Ang tanging nakikinig sa aking mga tinig,
Nilalamon ang init na sa dibdib ay pumipintig,
Isang sandaling takas sa mundong puno ng tinik.
Hinihithit ka’t ang bagyo ay nagiging karagatan,
Isang lihim na sugal, isang bisyong may pakiramdam,
Dinadaan sa usok ang bawat masakit na paalam,
Sa mga sugat ng kahapong hindi ko naman inaasam.
Huwag mo akong husgahan sa aking pagkapit,
Puting patpat na tila lunas sa bawat pait,
Sapagkat sa bawat buga’y may pilit na pumipitpit,
Sa mga luhang sa mata ko’y ayaw nang pumikit.
Tila isang ritwal ng unti-unting paglaho,
Habang ang mitsa ay nagiging itim na mabaho,
Dito ko itinatago ang bawat kong pangako,
Sa gitna ng mundong mapaglaro at mapanloko.
Ikaw ang sakristang saksi sa aking kumpisalan,
Sa t’wing ang konsensya ko ay nasa bingit ng kamatayan,
Bawat hithit ay tila pag-inom sa kapaitan,
Ng mundong sa aki’y wala namang kapatawaran.
Habang ang baga ay gumagapang sa iyong katawan,
Ay tila binubura ang bigat ng aking katauhan,
Isang sandaling wala akong pananagutan,
Sa mga tungkuling tila wala nang katapusan.
Ngunit ang bawat abo ay isang piping babala,
Na ang bawat hininga ay may katumbas na dusa,
Binubuo mo ang mundo ko sa gitna ng pagkasira,
Isang puting anino sa kamay ng isang makata.
Susunugin ang bawat oras na tila basura,
Habang ang baga mo ay nag-iiwan ng ngiti sa'king mukha,
Dito sa dulo ng daliri, naroon ang iyong pulbura,
Sa pagitan ng aking buhay at ng iyong maskara.
Itatapon kita sa dumi ng ating hantungan,
Yayapakan ang baga sa gitna ng lansangan,
Ngunit bukas sa muling pagdating ng kawalan,
Ikaw pa rin ang hahanapin sa dulo ng aking isipan.
Apr 28
Apr 28, 2026 at 12:49 AM UTC
at hindi mo 'man ako alalahanin
sa paraan na aking gustuhin
hindi mo na rin siguro sasaliksikin
na kung bakit ikaw ang paksa sa "kung paano ako mahalin"
hindi na rin para iyong mabatid at dinggin
sapat na ang yapos ng hangin na may panalangin
hindi ka 'man naging akin
minsanan din naman kitang na-angkin
Sep 4, 2024
Sep 4, 2024 at 5:11 AM UTC
sa hindi sadyang pagkikita
mga matang aligagang nagtugma
bagkus pinagsawalang bahala
ba't paglalaanan ang 'di kilala
mga hindi tukoy na adhikain
ultimo interes iyong hahagilapin
bakit sayo'ng presensya pa-aalipin?
kung dusa't pighati ang siyang babaunin
mga kalakip ng hiram
hantungan ay paalam
wala kung sino ang may alam
mga damdaming kumakalam
Jan 28, 2021
Jan 28, 2021 at 2:13 AM UTC
karagdagang saya
ay 'di nangunguhulugang
kabawasan ng lumbay
Dec 28, 2020
Dec 28, 2020 at 12:30 AM UTC
May mga gabing ihehele ka ng lumbay. Magpahele ka.
Makinig ka sa uyayi nito.
Wag **** iiwasan.
Magpalambing ka, yapusin mo, at damhin mo. Yakapin mo nang mahigpit hanggang sa kumalas.
Dahil minsan, 'yon ang paraan para pakawalan.
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 7:47 PM UTC