Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#liriko
#110316 #Libis Sa ruta kong di malaman Kung pakaliwa ba o pakanan Doon ka naman naglaho, sinta At tanong ng puso'y nasaan ka na? Sa ulap na walang dalang ulan Di mawari kung maghihintay ba Sabihin mo, hanggang kailan? Sa hangin na hindi umiihip Tila sa ikot ng mundo'y naiinip Nasaan ka na? Sa araw na walang ilaw at sinag Tagos sa puso't damdamin ang pagkabanaag Kakagat ang dilim Pero bubuksan mo ang liwanag Ito ang ating takipsilim Bangon, itapon ang kumot na buhat sa dilim Sasabay ako sa agos mo Kung yan naman ang nais mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita hanggang sa dulo ng mundo Sasabay ako sa ihip mo Bawat letra'y siyang mensahe mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita magunaw man ang mundo Hanap-hanap kita Sa eskinitang may mga tagong kwento Sa mga tagpong hindi nagtatagpo Sa mga lirikong walang tono Sa mga pagkakataong di nagkakataon Sa mga luhang tiyak ang emosyon Sa mga ngiting nakabibitin Sa mga kulay na pinipintang may buhay Narito ka pala, narito ka pala.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 7:50 AM UTC
Sabay
Kung mapapansin mo Sa bawat kanta Bawat himig Bawat talata ng liriko Sa bawat musika Na inaalay sayo Ikaw ang ibig sabihin, Ang tayo ang pinapahiwatig, Ang pagibig ko sayo ay pinapakita Ito'y simpleng pagpapakita Kung gano kita kagusto Kung gano kita kamahal Kung gano ka kaimportante Handa akong ibigay lahat Lahat ng listahan ng matatamis na kanta Sa kadahilanang hindi ako umaawit Napapa awit lamang kapag nakikitang kinikilig ka Okaya napapangiti ka Pwede naring napapasabay ka sa awit Sa awit na gusto kong ipahiwatig Bawat puso Bawat ibig sabihin Bawat gusto kong ipahiwatig Sana'y hindi magbago Ang pakikitungo Dahil marami pa Marami pa akong Nakahandang listahan. Salamat at tinanggap mo Lahat ng mga kantang inaalay sayo Huwag magalala ikaw lang Ang binigyan ko ng mga kantang Minsan lamang madinig Ng karamihan.
0
Feb 22, 2020
Feb 22, 2020 at 4:28 AM UTC
Kanta, musika at liriko
Nakahawak na ba kayo ng lapis at pambura at papel na gamit Dahil wala nang ibang makita Kukunin ang gitara at manghuhula ng melodiya sa isinulat na mukha na tanging naaalala pantasyaaaa gusto kang... makilalaa oh pantasyaaa ako kaya'y naaalala Pinipilit na maging makata para tuluyang madama ang sinusulat na kanta para sa dalagang di naman kilala umiisip ng matatalinghagang salita na maaaring idagdag sa talatang isinusulat para sa dalagang ilang beses lang nakita kung saan na hindi kailan man nilapitan para tanungin ang kanyang pangalan - ousson
0
Jan 19
Jan 19, 2026 at 1:52 PM UTC
kanta para sa di naman kilala