Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#imahinasyon
Katabi kita Masaya tayo ngayon Sabay tayong kumain Sabay tayong pumasok Sabay tayong humihigop ng kape Sabay tayong umuwi Nagtatawanan tayo Akap akap kita Para matanggal lahat ng kalungkutan mo Pinagsasabihan mo ako ngayon Tungkol sa mga binebenta ko Tinutulungan mo akong Mapukaw lahat ng kalungkutan ko Ngunit Lahat ng ito'y Imahinasyon nalamang Dahil parang mga mata ko nalamang Ang tayo dahil Malabong mangyare na muli lahat ng iyon
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 7:54 PM UTC
Imahinasyon
Hihintayin ba kitang bumalik? O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik? Namimiss ang matatamis **** salitang Kay sarap balik-balikan. Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo, Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo. Puro s'ya lang 'to, Pero paano naman ako? Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo? Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo. Pakiramdaman ko'y parang hangin, Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin. Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak.. Sayo, nahulog na ako sa'yo. Ano pang magagawa ko? Ayun, nagpanggap lang naman ako Na parang walang pake sayo. Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod. Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo. Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo. Ayoko namang maging ahas o linta Na grabe kung makapulupot, Grabe makasulot. Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa. Hindi ko alam kung babalik ka pa.. Pero, ito ang mensahe ko sayo Sa oras na mag-krus ang landas natin Gusto kong malaman mo Na lahat nang nangyari pagitan satin Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat. -miss xEKIS
0
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:29 AM UTC
Imahinasyon
sa gitna ng aking imahinasyon, natagpuan ko ang aking sarili na kasama't ika'y kayakap sa isang estasyon. sigaw ng drayber ang tanging ingay. ngunit nakasentro ang aking tainga sa'yong mga sinasabi. minasdan kita habang sinasabing saki'y ayaw mo mawalay. ngiti lang ang tanging maisagot ko sa bawat salitang sinasambit mo. pero naalala ko nga pala, tanging imahinasyon lang pala ito.
0
Jul 13, 2018
Jul 13, 2018 at 7:45 AM UTC
imahinasyon
Ngayon... Habang magkahawak ang kamay na tatalon Tayo'y magpapaalam sa panahon Kasabay ng mga alon Ay itataya ang pagkakataon Para sa pag-asang sa muli nating pag-ahon Ay maglalaho na ang ilusyon Imahinasyon.
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 12:33 AM UTC
Imahinasyon
Ngunit hindi ko maalis sa aking isip ang katotohanan na ika'y umiiyak ng obra maestra, At ako'y napupuwing lamang. Gusto kita. Ngunit paulit-ulit na pinapaalala sa akin ng utak ko na ikaw ang malayang kalawakan, At ako'y karagatan na may hangganan. Gusto kita. Ngunit tayo'y magkaiba ng mundo. Tanawin mo ang mga planeta ng imahinasyon mo, At akin naman ang bulalakaw dito sa lupa. Gusto kita. Ngunit patawad. Natatakot ang aking puso na walang paraan para magsama ang Hilaga't Timog.
0
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 4:12 AM UTC
Gusto kita.