Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#filo
Huwag mo sanang maisipang balikan ang nangyari sa nakaraan. Wag mo na sanang lakarin muli ang daang iyo nang tinalikuran. Delikado ito. Bako-bako. Mabato. Muli lang mawawasak ang puso mo. Huwag mo nang alalahanin pa Ang kulay ng kanyang mata Kung ano ang pakiramdam ng mga halik na iyo paring inaasam Kalimutan na ang mga kamay na iyong hinawakan , Ang tahanang iyong binalik balikan Masakit isipin na ang mata niya'y iba na ang tinitignan Habang ang puso mo'y nananatiling sugatan. Ang taong dati'y kilalang kilala Ngayon ay mukhang madadaanan nalang sa kalsada Mahirap man makalimutan ang  pinagsamahan, ang pagmamahal na ipinaglaban Pero ubos na ang oras na inilaan kailangan na iiwan ito sa nakaraan.
0
Dec 22, 2017
Dec 22, 2017 at 9:59 AM UTC
Huwag Balikan Ang Nakaraan, Nakamamatay
Kay sarap sigurong matulog ng mahimbing, Na para bang naiiwan ang mga problema Sa simpleng pagpikit lamang ng mga mata; Na paunti-unting naiibsan ang sakit at hapdi sa bawat hinga, sa bawat saglit; Na dahan-dahang nawawala ang mga lamig-lamig ng katawan, mga kalamnan na ang alam lang ay pagod at paninigas. Kung ako ma'y tuluyan nang matulog, Pakiusap -- wag mo na akong gisingin; Pagka't ako'y masaya na sa kawalan -- ng kahirapan, ng pagdurusa sa mundo.
0
May 5, 2020
May 5, 2020 at 3:48 PM UTC
Himbing
Halika't samahan mo ko Sa pagbalik sa nakaraan Kung saan ikaw pa ay aking gusto At ako ay iyong kaibigan Nang makita kita Ako'y namangha Sa iyong talentong ipinakita Sa buong eskwela Di ko aakalain Na ika'y gugustuhin At ang panahon ay palipasin Nangangarap na ika'y mapasaakin Ngunit heto na tayo Sa kahuli-hulihang pahina Ng ating kwento At ng ating pagkikita Oo, hindi na kita gusto Sapagkat ang paglipas ng oras ay masyado kong sineryoso at ang pahina ng aking mga damdamin at dahan-dahan kong pinilas Ngunit, bakit? Bakit kung kailan ilang buwan nalang? Bakit kung kailan nasa huli nang hakbang? Bakit kung kailan ika'y maglalaho na? Bakit kung kailan huli na? Bakit? Kailangan pa ba na ako ang umamin ng hindi kayang aminin? Kailangan pa ba na ako ang lumapit upang masabi ang gustong sabihin? Kailangan pa ba na ako ang magsimula ng gusto **** simulan? Kailangan pa ba na ako ang gumawa ng paraan para sa'yo? Sa tingin ko, hindi ko na kailangan Pasensya na Sapagkat huli na ang lahat Ako'y nakadaan na sa iyong pinagdadaanan ngayon Ngunit hindi tayo nagtagpo Pasensya na, Dahil huli na ang lahat. Hindi na kita kailangan.
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 8:58 AM UTC
Kailangan pa ba?