Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#elnido
#071416 Kape ang sining Sa walang katapusang takipsilim.
0
Jul 14, 2016
Jul 14, 2016 at 8:34 AM UTC
Art Cafe
#070216 #ElNidoToPPC #SeeingLowtide Ramdam ko ang pagkauhaw mo Ngunit sa aking pagdating, Huli na pala ang lahat Wala man lamang paalala Na bilang na rin ang araw. Ako'y lutang sa pagtangay mo ng lahat, Sayang ang panahon, Sayang ang paghahanda ng sarili. Hindi ka nagsabi, huli na pala talaga.
0
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 5:57 AM UTC
Low Tide
Tumambad sa akin ang rehas Na may tuklap-tuklap na nakaraan, Minsa’y puti, ngayo’y sinag na ng araw. May mga banderitas ding panlayag Siyang simbolo ng mainit na pagbati. Nakaririnig din ako ng padyak ng mga paa Sabik sa halik ng lupaing hindi naman pag-aari. Ang pagtatampisaw sa putikang May sirit ng pagmamadali. Ang pagkalampag ng pintuang walang tirahan At ako’y maiiwan, nakatali sa silyang lupain. Sampung minuto raw Sampung minuto ring tumatagas ang mga alaala Sampung minutong pagiging saksi ng ebolusyon Ng waring walang himpil na pagtatantya ng pagkakataon. Nilalatag ko nang paulit-ulit Ang mga kwento ng bawat katauhang kasapi sa kwento Sa kwento nilang paulit-ulit na binabasa Buhat sa matatapang na mga matang Hindi ko man lamang masuyo. Nililingon ko sila sa aking paghihintay Ako’y hindi kilala, bagkus binabalikan. Malaya ko silang pagbubuksan, Yayapusin ng buo kong pagkatao. Hindi ako mapapagod sa pagkukutya sakin ng kalsada Sa’king mga pagal na mga paang rumorolyo. Patuloy kong iindahin ang bawat misteryo ng lubak at patag, Maihatid lamang sila, sa panibagong kwento ng paglisan.
0
Jul 4, 2016
Jul 4, 2016 at 11:33 PM UTC
Stop Over
#ElNido I found no water dripping from my hairtips As I had that face-to-face look to my fave jeans. Lost as when I did the transferring of feet, I thought that departure was quite a break of heart. The open window has sent me a bright invitation, Sun's glaring but I never saw her fine reflection. I felt the Air strolls through my skin The taste of the floral serum enveloped by the sachet. I had poured myself with the aquifer's liquor, The remembrance of the search was over my psyche. I could still feel the pain that excites my upper muscles As I tried pushing and pulling to break the ground level. Cuddling the old reversible jeans, he says I'm Free to Go, I crowned my soul with an inner bliss and whispered to the Air. My eyes were shut for a moment, but I was an alliance with them - Of them whose not emptied yet ** revitalizes my potential**. One boasts that the Light was completed, The other has kept me envy his softening skills. I never thought that there's still hope for dull flying-tips But they simply say, "It's not the end of bad hair days."
0
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 1:40 AM UTC
Bathing Under Anointing
#112715 #8:20PM Pagkat ako'y tanod sa pagtalilis Sa yari **** agos Ni tikas mo'y nakakubling paraiso Sa bulag kong pag-irog. Ang **masimod **** yakap,** Daplis lamang O, Sinta Sana'y matantya mo Ang pagkukumahog ng pangamba. Di nais na masukol ang tiyak na pagdaloy, Kaya't heto ako't hahalili sa bukas At tunay na buhay, siyang isisikhay.
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 7:27 AM UTC
Oceans Deep