Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#buwan
If I would go through that magical roller coaster journey again —to be with you... I will set through, I will keep on trying, because I want that smile— —your precious smile. A simple modest smile of a Filipina from the time of Maria Clara— sparingly moves of the lips that reflects your true beauty inside. I want to hear your laughter, conveying sounds of fun and excitement with the voice of sweet and tender like an angel from the Heavenly Father— trying to conceal and be okay amidst the sadness I like the way you sleep inside the room, innocent with a face of true sleeping beauty —doesn't care what others may say. I like your mindset, the way you see someone as worthy as you, even though—we both know—you're more than them. I love to hear your angelic voice, singing your favorite song along with your wooden guitar. I love our simple conversation, telling how our days went, our problems; and what's so-called chika. And you were there not just to hear but to listen. And, I love what my heart is telling me, that I am deeply in love with you. I LOVE YOU
0
Aug 21, 2022
Aug 21, 2022 at 11:45 AM UTC
Aking Luna
Palagi ka na lamang nagdududa sa t'wing iyong nakikitang ako'y may kasama Mahal ko, hindi mo kailangang mag-alala Sapagkat ang pag-ibig ko sa iyo ay sing init ng naglalagablab na apoy Titiyakin kong hindi ka na muling mananaghoy Madalas **** itanong sa akin kung nagsasawa na ba ako Mahal ko, tanggalin mo ang "nagsa" sapagkat ikaw ang gusto kong maging "asawa" Madalas mo ring itanong sa akin ; "sa aming dalawa ng nakaraan mo at ako sino'ng mas nagustuhan mo?" Mahal ko, 'wag mo akong papipiliin sa dalawa dahil sa huli kahit sino pa sila ikaw at ikaw lang ang nag-iisa. At kung pilit pa tayong paglayuin ng mga tao, tandaan mo ang nag-iisang pangako ko Tumingin ka sa itaas at bilangin mo muna kung ilan ang mga kumikinang na tala sa madilim na kalangitan Pagkatapos ay maging dalawa muna ang buwan saka kita iiwanan.
0
Jul 15, 2020
Jul 15, 2020 at 1:41 AM UTC
Bilangin ang mga tala at maging dalawa muna ang buwan
Nuon, di ko pansin liwanag ng buwan Dulot na payapa sa kalawakan Wala ngang dahilan upang mabatid Kung bakit s'akin tila nakamasid Hangang isang araw may isang ginoo Pilit sumasagi sa aking puso Liwanag nya'y yakap sa aking diwa Payapa nyang hatid, halik na may tuwa Ohh Ginoo... Wangis mo'y buwan, nagiisa sa langit Tanglaw sa mundong may dilim at pasakit Wangis mo ang buwan sa payapang dinudulot Ako'y napaibig ng walang pahintulot Dasal ng puso sa kabilang panig Sa iisang buwan tayo ay tumitig Kung tunay nga ang pag ibig, saksi sya sa atin Buwan ang sasagot kung ikaw ay para sa akin Ngayo'y alam ko na bakit buwa'y nakamasid Upang pag ibig mo sa aki'y maihatid Sabay nating tanawin buwang magiting Upang ating pag ibig ay umigting
0
Dec 31, 2018
Dec 31, 2018 at 10:15 AM UTC
WANGIS MO'Y BUWAN
ikaw ang buwan, sa gabing ang kakapalan ng alapaap ay ikinukubli ang mga bituin, payapang kumikinang, ngumingiti hinihila ang nagngangalit na mga alon ng karagatan sa puso subalit hindi humihinahon, sapagkat ikaw ang sanhi bibigyang liwanag ang isang mundo bagamat sa bukang-liwayway, muling magdidilim ibabalik ang hiram na ningning
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 3:17 AM UTC
buwan
Hindi ko na kailangan tumingala matignan lang ang magandang kalangitan. Kita ko na sa mga mata mo ang tala,buwan at kalawakan.
0
Apr 12, 2020
Apr 12, 2020 at 2:50 AM UTC
Klwkn
"Nagbago ka na" salitang pagbinitiwan ng mga taong mahalaga sayo sobrang laki ng epekto kadalasan huhulaan ko pa kung masama ba ang pagbabagong nakikita nila sa pagkatao ko o maganda ba naman ang dulot nito hindi masabi ng harapan kaya idinadaan na lang sa maliliit na komento ibubulong kuno para kahit paano hindi marinig at iwas argumento pahapyaw lang pero tagos hanggang buto ang tanong, mali bang magbago? mga pagbabagong sinanay ng panahon pagsubok sa pananampalataya at temptasyon sa huli ay natuto din ng mga leksyon pero kahit ano pa sabihin niyo kung kilala niyo talaga ako ako pa din naman 'to may ilang nagbago pero lahat naman tayo dumaan sa ganito hinahanap yung totoong silbi ng buhay na 'to? Oo nagbago na ako. Nahanap ko na kasi ang sagot sa huling tanong ko.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 11:34 AM UTC
Nagbago Ka Na
pilit na ngiti ang iginawad ko sayo sabay sabi ng pangalan mo nanginginig na mga kamay nakatago sa likod ko ang mga daga sa loob ko'y nagwawala ganito ang epekto mo sa sistema ko hindi lang halata ayaw ko kasing makita mo kung gaano ako kahina pagdating sayo ang mga kalamnan ko na halos nanamlay nang makita ang mga ngiti mo kahit asiwa marinig ang boses mo maliban sa telepono andito ka sa harapan ko puso ko'y kabado utak ko na blangko kung ano sasabihin ko ang boses kong pagal kasi nerbiyoso hindi ko alam kong ano gagawin ko habang naglalakad tayo tinatanong mo ako kung kamusta na ba ako? ang sagot ko sayo ay ayos lang ako pero kung alam mo lang hindi ako sigurado sa sagot ko matatawa ka at sasabihin **** nagbibiro ako sana nga biro lang ang lahat ng 'to sa sobrang seryoso ng nararamdaman ko natatakot ako para sa sarili ko nahuhulog ako ng sobra sobra sayo hindi ko alam kung kaya kong bumangon sa kababagsakan kong bangin ng emosyon na sobrang lalim na para bang pati katinuan ko kaya nitong higopin pati kaluluwa ko Ah sobra na hindi ko man lang naisip kong pareho ba tayo nang nadarama? sana naman umamin ka pipilitin ko na lang itatago ang lahat ng 'to baka sakali hanggang sa dulo ng buhay ko maiibabaon ko sa likod ng pagpapanggap ko na sinabi kong ayos lang ako nung kinamusta mo mga ngiting pilit na nakikita mo kay tagal kong ininsayo sa harap ng salamin habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko
0
Aug 12, 2019
Aug 12, 2019 at 10:21 AM UTC
Pakunwari
mahirap makipagsapalaran sa sitwasyon na alam mo umpisa pa lang ikaw ang talunan mga bagay na dapat dina dahan dahan sabi ko sayo wag mo masyadong galingan pwede naman tumigil muna saglit wag papadala sa sobrang galit huminahon ka at mag isip baka sakaling mawala ang inip
0
Aug 9, 2019
Aug 9, 2019 at 12:52 PM UTC
Kalma Lang
madilim ang kapaligiran dama ang katahimikan napatingin sa kalangitan abot tanaw ang kalawakan kay gandang pagmasdan mga tala at buwan tila nakahiga sa duyan hinehele ng marahan mata'y napapikit diwa'y kumalma ng saglit nanumbalik mga alaalang di mawaglit ninanamnam bawat kapit biglang napagtanto marami nang nagbago maraming dinanas na pagkabigo kaya bang buksan muli ang puso? mumulat at muling sisilay sa mga bituing nakalaylay Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay at mundo'y muling bigyan ng kulay. sana'y hindi magsasawa sa paghiling at pagtingala hanggang sa dumating ang himala at matanggap ang pagpapala.
0
Mar 6, 2019
Mar 6, 2019 at 4:58 AM UTC
muni-muni
Hayag ang liwanag ko sa gabi Kung walang ulap sa aking tabi Ako'y malaking ilaw na nakasindi Na tila hindi napupundi Ako'y gising sa gabi'ng malalim At nagsisilbing ilaw sa daang madilim Ngunit ang lahat ay matatago sa lilim Kung ang langit ay makulimlim Ako'y tiyak na masisiyahan Kung sandaling pagmamasdan Lumabas mula sa iyong tahanan At mamangha sa ilalim ng buwan Buwan ang aking pangalan Masdan ang aking kagandahan Bituin ang aking mga kaibigan At ang tahanan namin ay ang kalawakan JGA
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 2:35 PM UTC
Buwan
Ako ang buwan, ikaw ang araw. Nag-nanakaw ako ng liwanag, habang ikaw, nakakasilaw. Kung mag tatago ka riyan sa likod ng iyong planeta. Hinding-hindi mo malalaman kung gaano ako kadilim 'pag wala ka.
0
Oct 17, 2018
Oct 17, 2018 at 11:45 PM UTC
Ako
Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, halos hindi na kita makilala Hindi mo lang ako basta isinabay sa iba Ipinagpalit mo pa ako Hanggang sa tuluyan mo na akong kinalimutan Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, ibang-iba ka na Minsan, tinatanong ko ang sarili ko Katulad ng pagtanong ni Liza Soberano kay Enrique Gil “Pangit ba ako?” “Kapalit-palit ba ako?” “Am I not enough?” Dati, halos walang makapaghiwalay sa ating dalawa Ang sabi mo pa, “Ikaw lang at wala nang iba pa” Ako mismo ang naging kaagapay mo sa pagkilala mo sa kanila Pero bakit ako mismo ngayon ang nawalan ng halaga? Bakit ako mismo ngayon ang hindi mo na binibigyang pansin? Nagpaka-layo-layo ka’t ibinaon ako sa limot Ibinaon mo ako sa kahapon Kung saan kasama ko ang mga iba mo pang itinapon Pero tama na Tama na ang pagiging Liza Soberano Hindi na kita kukulitin at magtatanong ng isang milyong bakit Hindi rin ako magiging si Piolo Pascual Na hihingi ng explanation at acceptable reason At lalong hindi rin ako magiging si Bea Alonzo Na hihilingin na “sana ako na lang ulit” Dahil tanggap ko na Hindi ko na hihingin pang ako lang ang piliin mo Magpaparaya ako’t papayag na isabay mo sa iba Isa lang ang hihilingin ko Na sana ‘wag mo akong tuluyang kalimutan Na sana ‘wag mo hayaang tuluyan akong mawala sa buhay mo Dahil gaano man kahabang panahon ang lumipas At gaano man karami ang nagbago sa pagitan nating dalawa Ako pa rin ang tunay na laging andito para sa’yo Ako pa rin ang Wikang Filipino na kahit nagbago man, ay nandito pa rin at nananatili para sa’yo
0
May 8, 2018
May 8, 2018 at 10:34 PM UTC
Sabi Mo, "Walang magbabago"
Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, halos hindi na kita makilala Hindi mo lang ako basta isinabay sa iba Ipinagpalit mo pa ako Hanggang sa tuluyan mo na akong kinalimutan Sabi mo, walang magbabago Pero ngayon, ibang-iba ka na Minsan, tinatanong ko ang sarili ko Katulad ng pagtanong ni Liza Soberano kay Enrique Gil “Pangit ba ako?” “Kapalit-palit ba ako?” “Am I not enough?” Dati, halos walang makapaghiwalay sa ating dalawa Ang sabi mo pa, “Ikaw lang at wala nang iba pa” Ako mismo ang naging kaagapay mo sa pagkilala mo sa kanila Pero bakit ako mismo ngayon ang nawalan ng halaga? Bakit ako mismo ngayon ang hindi mo na binibigyang pansin? Nagpaka-layo-layo ka’t ibinaon ako sa limot Ibinaon mo ako sa kahapon Kung saan kasama ko ang mga iba mo pang itinapon Pero tama na Tama na ang pagiging Liza Soberano Hindi na kita kukulitin at magtatanong ng isang milyong bakit Hindi rin ako magiging si Piolo Pascual Na hihingi ng explanation at acceptable reason At lalong hindi rin ako magiging si Bea Alonzo Na hihilingin na “sana ako na lang ulit” Dahil tanggap ko na Hindi ko na hihingin pang ako lang ang piliin mo Magpaparaya ako’t papayag na isabay mo sa iba Isa lang ang hihilingin ko Na sana ‘wag mo akong tuluyang kalimutan Na sana ‘wag mo hayaang tuluyan akong mawala sa buhay mo Dahil gaano man kahabang panahon ang lumipas At gaano man karami ang nagbago sa pagitan nating dalawa Ako pa rin ang tunay na laging andito para sa’yo Ako pa rin ang Wikang Filipino na kahit nagbago man, ay nandito pa rin at nananatili para sa’yo
Continue reading...
37
Hindi ka ba nalulungkot diyan Sa kalawakang iyong kinalalagyan? Baka nais mo ng kasama minsan Nandito lang ako, nag-aabang Sabagay, sino nga ba naman ako Isang hamak na nilalang Na walang magawa kung hindi tingalain ang mga katulad mo Pero kahit ganoon sana pakinggan ng tadhana itong munting hiling ko... Taong nasa buwan Pansinin mo naman ako kahit minsan... Hayaan **** tabihan kita diyan sa kawalan Yayakapin ka nang mahigpit Hindi bibitawan Kaya sana, taong nasa buwan Pansinin mo naman ako kahit minsan...
0
Dec 3, 2017
Dec 3, 2017 at 8:48 AM UTC
Para Sa Taong Nasa Buwan
Isang gabi nang pagmamahalan, Sa ating dalawa tila’y nanahan, Sa panahong nagawang tumahan, Baguhan sa mukha **** luhaan. Sa sayaw na ang awit ritmo ng mga puso, Sa ilalim ng buwan na walang pagsuko, Sayaw na walang halong pagsusumamo, Sayaw na tanging tayo ang nagpaamo. Ngunit mapagbiro ang tadhana, Sa panahong ika’y kapiling na, Isang sibat ang sa puso’y tumama, Agad-agad sa kawalan ay sumama. Hindi akalain na ito na nga ang huli, Munting sayaw na ‘di natin kakampi, Sa oras na tayo’y dapat nagtimpi, Tila ang tadhana’y sadyang nabingi.
0
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 3:15 AM UTC
Ang Huling Sayaw sa Ilalim ng Buwan.
salamat at may isang ikaw ? na sa akin ay siyang pumukaw, upang ang prutas sa hardin ng balik-tanaw... maingatang mainam ang pagpitas nitong balintataw ! oo Ikaw na Aking KAIBIGAN na siyang aking sinusundan! "when meaning, treated as a hurt and empty anything might be gone, even madness and beauty" ....at kanyang BABAHAGINAN ang napiling KABABAIHAN na magiging DAHILAN upang ang PARAAN ,,ay MAISAKATUPARAN "sapagkat ang likas na lakas ng isang pasya ay siyang pinagmumulan ng naka-akdang propesiya" SO IT WAS WRITTEN SO IT SHALL BE DONE na para bang tayo sina Eva at Adan
0
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 7:57 AM UTC
"TANGKILIK"