Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#bakit
Mahal naalala mo ba ang araw na una kitang makita, agad akong nahulog sayo. Ang mapupungay **** mga mata at ang mga ngiti **** nakakatunaw. Mahal naalala mo ba ang araw na sinabi **** " Mahal din kita pero " ang apat nakatagang ayaw kung marinig mula sa bibig mo. Mahal kailangan ko pa bang maging tanga para lang mapansin mo ang nararamdaman ko para sayo! Handa akong maghintay. Bakit pero, Bakit nakita kitang may kasamang iba. Bakit siya pa? Bakit siya? Bakit di nalang ako! Bakit dina lang tayo. Mahal naalala mo ba ang mga araw na naging masaya tayo! Ang mga araw na sabay tayong nangarap, Sabay tayong nangako sa isat isa. Na magmamahalan tayo hangang sa dulo ng walang hanggan. Pero bakit siya pa talaga? Pwedeng ako naman. Tayo na lang, Tayo na lang uli. Pero ang tanong bakit mo ko pinagpalit sa tulad niya, Bakit may kulang ba ako? May mali ba ako? May mali ba sa akin? Kaya nagawa **** akong pinagpalit. Mahal may kulang ba sakin? Kaya nagawa mo akong hiniwalayan ng ganito. Pakisabi naman sa akin oh! Kung may anong kulang sa akin? Para mabago ko man kung ano ang dahilan bakit mo ko iniwan.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 7:50 AM UTC
Bakit
Kung sakaling mabasa mo ito, Gusto kong sabihin sa iyo, Na sa tuwing kasama mo siya ay hindi maintindihan ang nararamdaman, Tinatanong ang sarili kung ano ang pagkukulang. Bakit siya? Bakit hindi nalang ako? Ako na karamay mo, Ako na laging nandito, Ako na nakikinig sa lahat ng iyong problema, Kahit na akoy magmukhang tanga, Dahil alam kong hinding-hindi kita makukuha. Mahal na mahal kita, pero bakit sa lahat ng tao Bestfriend ko pa.
0
Aug 7, 2019
Aug 7, 2019 at 10:03 AM UTC
"bakit siya pa"
Tulala, nag-iisip, , kinakabahan Di malaman kung paano ka ulit pakikitunguhan Napapangiti tuwing naaalala ang nakaraan Ang nakaraan na tuwang tuwa sa aking katangahan Saksi ang langit kung paano tayo naging masaya Masaya sa piling ng isa't isa Na kung paano mo ako turuan ng iyong mga aral Ang mga aral na nagsasabi sakin na maging marangal Napailing na lang ako kasabay ng pagpatak ng likido Ang likido na nagpatunay na wala na ang ikaw at ako Ang gumising sakin na hindi na mababalik ang tayo Hindi dahil sa ikaw ay malayo kundi dahil ikay nalayo
0
Apr 8, 2018
Apr 8, 2018 at 6:10 AM UTC
Nakaraang Katangahan
Sa tinagal-tagal ng pag-iisip ko. Sobra akong naging masaya ng mapagtanto kong ikaw, ikaw ang mahal ko. Nasasabik akong ibahagi sa mga kaibigan ko ang nalaman ko. Ngunit napawi lahat ang kasiyahan ko, nawala ang mga ngiti sa labi ko, at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Dahil narinig ko, narinig ko lang naman ang pangalan mo. Pangalan **** sinasambit ng kaibigan ko. At sinasabing mahal, mahal ka niya. Nakita ko ang mga ngiti niyang abot taenga habang sinasabi niyang mahal ka niya. Bakit, bakit ngayon pa, bakit ngayon ko lang nalaman. Kung kailan handa na ang aking puso't isipan Na sabihin itong nararamdaman Bakit, bakit parehas pa tayo ng minamahal, kaibigan?
0
Sep 6, 2017
Sep 6, 2017 at 10:54 AM UTC
Bakit?
Ikaw, Ang Kahapon, Ngayon, At Bukas.
0
Mar 1, 2017
Mar 1, 2017 at 10:08 AM UTC
Mapanahon
**Kumapit ako sa isang patalim Kahit alam kong masusugatan ng malalim Nangakong hindi ito bibitawan Kahit ito'y mangalawang sa katagalan Sa patalim ng pagmamahal ikaw ang nasa hawakan Ngunit naisip mo pa rin na ito ay bitawan Hindi ba naging sapat ang aking mga naibigay? Na mas pinili **** bumitaw at humiwalay?**
0
Sep 21, 2015
Sep 21, 2015 at 5:33 AM UTC
Bakit