Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#anghel
Sa ugat ng gabi, may pusong biniyak, Tibok na sinakal ng pulbos na itim. Laway ay nanuyo, katawa’y binagsak, Ng demonyong laman ng isang karayom. Sa sahig ng impyerno, may ngising basag, Kandila ng buhay. pinatay sa usap. Kaluluwa’y kinain ng asong mabangis, Sa bawat hithit, may butil na labis. May luha sa dila, may dugo sa tawa, Tiyan ay nilamnan ng alab at sanga. Di mo na alam kung tao ka pa, O bangkay na buhay, alipin ng gaba. Gumulong sa kanal, humalik sa kalye, Kapit sa langit pero paa sa libing. Bawat paghinga’y may lasa ng yelo, Hanggang sa ang puso’y mapugto sa singhot...
0
Apr 12, 2025
Apr 12, 2025 at 4:14 AM UTC
Anghel ng Bangungot
Sa ilalim ng liwanag ng buwan, Ang ganda mo'y tila bituin sa kalangitan. Sa mata'y kumikislap ang kaharian, Ng iyong ganda, tila'y walang hanggan. Sa iyong ngiti, araw ay sumisiklab, Parang rosas, sa ganda'y napapaamo. Sa bawat galaw, sadyang kahanga-hanga, Ikaw ang sinisinta, sa puso'y nagmumula. Sa mata mo'y nakikita ang kaluluwa, Ang taglay **** ganda, kayamanan ng Diyos. Sa bawat galang, sa pagiging huwaran, Ikaw ang Reyna, ng aking puso'y tahanan.
0
Dec 15, 2023
Dec 15, 2023 at 10:49 AM UTC
Iniibig ko
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling Sa aking gunita, alaala mo'y hiling Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala Kung sa langit kasama ka na ng mga tala Hindi man lang kita nasilayan Mukha mo ay hindi rin namasdan Bisig ko ay hindi ka nabuhat Init mo'y di ko manlang nadama Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak? Musika ba sa akin ang iyong halakhak? Maliliit **** kamay, nais kong hawakan Habang mga titig mo'y di pakakawalan Sa diwa ko'y yakap yakap kita Habang ako ay may heleng kanta Sa gayon sa iyong mga labi Mayrong hatid na maamong ngiti Aking anghel, dito sa puso ko Mananatili bawat pintig mo Dito sa aking diwa at isip Habang buhay kitang iuukit
0
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 2:52 AM UTC
Inukit kong Anghel
BY; ELVIN ADO SIMULA PAGKAMUS-MOS PAGKAKAALAM KO AY SA LANGIT LANG MAKIKITA, PERO SA LUPA’Y PWEDE RIN PALANG MAKITA, KAYA HALINAT BASAHIN ANG AKING TULA, TUNGKOL SA ISANG ANGEL NA PINADALA NI BATHALA SA LUPA. DAPIT HAPON, NAGLALAKAD MAG-ISA SA LUGAR KUNG SAAN PURO KAHOY ANG MAKIKITA, TAHIMIK , LUNTIANG PALIGID ,MGA IBONG NAGSASAYAWAN SA SANGA NA NAKAKABIGHANI SA MGA BILOGAN KONG MATA, MGA HUNI NG IBON NAGPAPAIGTING NG TAINGA, PERPEKTONG LUGAR PARA ILABAS ANG MGA PROBLEMA. TINGIN SA KANAN ,TINGIN SA KALIWA, HANGGANG SA NAHAGIP ANG HINDI PAMILYAR NA MUKHA, NAPAKA-AMONG MUKHA NA TILA BA ISANG DIWATA, NAPAKO ANG MGA MATA MULA ULO HANGGANG PAA, KARIKTAN NA SA BUONG BUHAY NGAYON LANG NAKITA, MAGULONG ISIP AY NAPALITAN NANG KUNG ANONG SAYA, PAA’Y DI MAPIGILAN LUMAKAD MAGISA, PATUNGO SA ISANG PRINSESA NA NGAYO’Y NASA HARAP KO NA, SARILI’Y DI MAPALAGAY KUNG BAKIT IBA ANG NADARAMA, KABOG SA DIBDIB AY IBANG-IBA. NGAYON AY KAYLAPIT NA NAMING DALAWA, BIBIG AY BIGLANG NAGSALITA , AT LUMABAS ANG KATAGANG ANGHEL KABA? SIYA’Y NAPATINGIN AT NAKITA KO ANG MAPUPUNGAY NIYANG MATA. MALA ANGHEL NA TINIG NA LALONG  NAGPAANTIG NG KABA, ANO BA TONG NADARAMA PAGIBIG NABA, TILA BA SILI NA KAY BILIS MADAMA, MGA LUNGKOT AY NAPALITAN NANG  SAYA. SA UNANG PAGKAKATAON UMIBIG ANG MAKATA, PERO ISANG SAGLIT DUMILAT ANG MATA, NAPAGTANTONG LAHAT AY PANAGINIP LANG PALA, AKALA’Y  LAHAT AY TOTOO NA SA ISANG IGLAP AY NATAPOS NA.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 6:16 AM UTC
" ANGHEL"
margaret Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig Maari bang malaman ang yong pakay sa akin Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin? Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin? Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan? Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang Alaalang bitbit pano ko makakalimutan Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan. Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno, Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo? Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso Sayo napalapit at ayaw nang lumayo Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
0
Sep 25, 2018
Sep 25, 2018 at 12:04 AM UTC
Margaret (Anghel Ko)

Continue reading...
33