Oo para sayo to,
dahil eto na ata ang huling tula ko para sayo,
hindi ko alam kung gaano kahaba ang pyesang ilalagay ko at bubuuin ko,
pero sana mabasa mo, kahit abutin pa ako ng umaga kakasulat sana mabasa mo,
kahit medyo korni ang mga sasabihin ko,
sana mabasa mo,
kahit ilang pahina at talata pa ang magawa ko,
sana mabasa mo,
dahil para sayo ang lahat ng ito,
Diko alam kung alam mo na nag susulat ako, pero sinulatan kita ng benteng tula pero ni isa diko pinabasa sayo, dahil natatakot ako na baka hindi mo magustuhan lahat ng tula ko para sayo, natatakot din ako na mabali wala lahat ng iyon pero narito na ako
Nangyari na ang kinatatakutan ko pero kahit sana itong huling tula ko mapabasa ko sayo kapag handa na ako,
Umasa parin ako na magiging tayo, pero sa tingin ko malabo na,
Hindi kona kayang patirahin sa loob ko ang mga salitang tinatago ko sayo, mahal kita, sobrang sobrang na kahit sa tuwing nakikita kitang masaya sa iba o may bago na diko parin mapigilang maging seloso dahil mahal kita, daming drama.
Pero simulan ko sa umpisa kung saan nag kakilala tayo sa internet, tinanong moko kung sino ako tinanong kita kung sino ka, pero diko alam gagawin ko dahil sa tuwing nakakausap kita onti onting, nabubuo ang pagkatao ko kaya laking pasalamat ko rin sayo dahil nabuo ako, kaya dali dali kitang sinulatan ng tula nung nagkakausap pa tayo diko alam sa sarili ko kung gaano ako ka korni nun pero masaya ako na nakilala kita, masaya ako na may ala ala ako sayo, masaya ako na naging tayo, masaya ako na nagaway tayo, kahit palagi naman,
Masaya ako na nakikita ko ang ngiti mo, kahit minsan lang, masaya ako na napapasaya kita, masaya ako na pinaguusapan natin ang pangarap natin, naalala kopa pangarap mo maging tailor designer, or baka hinde bahala na,
hinde ako marunong tumula, kahit tinuruan ako ng wika ko, pero tinuruan moko sumulat, ikaw, ikaw naging Dahilan ko kung bakit ako nakakapag sulat ngayon, gusto kong isa puso lahat ng gawa ko sayo, pero ni isa hindi ko pinabasa sayo, nagsimula ako mag sulat sa luma kong kwaderno nag sulat ako patungkol sa mga ngiti mo tungkol sa kung paano kita nagustuhan patungkol sa paano ako nagiging masaya kapag kapiling ka patungkol sa kung para saan lahat ng ito sa sobrang labo ng aking mga mata hindi kona pala namalayan na tula na pala ang aking naiisusulat pero sana mabasa mo balang araw lahat ng tula ko para sayo.
Magumpisa tayo sa sinabi ko sayong gusto kita, mahal kita, ikaw na nga, i love you, korni man pakinggan pero lahat ng iyan isinapuso ko para sayo, tinago ko man pero pinahalagahan ko naman para sayo, dahil gusto kong malaman mo na mahal na kita, tanging gusto ko lamang noon ay mahalin,
Mahalin ng isang tulad mo na kakakilanganin moko sa araw araw mo tulad ng sorbetes na magiging paborito mo, magiging kailangan mo sa taginit, magpapasaya sayo, mag papasarap ng araw mo, magpapaaliw sayo, magiging paborito mo kapag malungkot ka sana naging ganon na lang ako para malaman mo na gustong gusto kita, kailangan ko nang mahalin tulad ng unan at kumot mo sa gabi na kakakilanganin mo kapag giniginaw ka, na kakailanganin mo kapag malungkot ka, na kakakilanganin mo kapag umiiyak ka na magiging kayakap mo kapag nahihirapan ka, magiging bulungan mo sa mga matatamis **** panaginip sana naging ganon na lang ako, nangako ako sa sarili ko na itatrato na kita ng tama kapag naging tayo muli, pero malabo na sa tingin ko,
Gumawa ako ng kasunduan, kasunduang gusto kong tuparin na hihintayin ko ang sagot mo sa ika labingwalo ng kaarawan mo, ayos lang sakin kahit hindi na muli atleast kahit isang pangako ko sayo matupad ko nang totoo, nag aantay parin ako kahit ngayon na sana maging tayo muli hindi ko alam sa sarili ko na kung gaano kita ka mahal ng lubos pero sana malaman mo na napaka importante mo sa buhay ko, kung alam mo lang kung gaano kalaki ang tuwa ko nung sinagot mo ako para akong sinuntok ng katotohanan hindi ako makapaniwala na sinagot mo ako, sobrang saya ko nung araw na iyon
nag sulat lang ako noon para mahalin mo ako,
Pero patawad uubusin ko lahat ng salitang naiisip ko malabas ko lang kahat ng hinanaing ko sayo, pero sana patawarin mo rin ako sa mga ginawa ko sayo hindi ko na rin alam mga ginawa ko pero sana patawad...gusto ko gumawa ng kasunduan na sana patawarin mo rin ako at patawarin din kita,
patawarin moko sa pag lapit at patawarin kita sa
pag bitaw,
patawarin moko sa pag aliw at patawarin kita sa hindi pag pigil sa akin,
patawarin moko sa pananahimik at patawarin din kita sa pananahimik,
patawarin moko sa pagsuko at patawarin kita sa hindi mo pag sugal,
patawarin moko sa pag mahal at patatawarin kita sa pag hindi mo pagmahal sakin,
patawarin moko sa paglunod sarili ko at patawarin kita sa paghindi mo sagib sakin,
patawarin kita sa pagiging mag isa at patawarin moko sa paghindi tanong sayo,
patawarin moko sa mga salitang binitawan ko patawarin kita sa mga ginawa mo sakin,
patawarin moko sa pagiging baliw sayo patatawarin kita sa pagakit mo sakin,
gumawa tayo ng kasunduan kung saan patatawarin moko patatawarin kita,
patawarin moko sa lahat at patatawarin kita sa lahat.
simulan ko naman sa pangalawa kung saan sinabi ko na baka masaktan kalang,
simulan ko ulit sa pangalawa kung saan sinabi mo na sige lang,
simulan ko ulit sa pangalawa kung saan sinabi ko na hintayin moko,
simulan ko ulit sa pangalawa kung saan sinabi mo na kaya ko ba,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan sinabi ko na susubukan ko,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan sinabi mo na sige,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan sinabi ko na paalam na,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan sinabi ko na namimiss na kita,
Simulan ulit natin sa pangalawa kung saan tinanong ko sa kaibagan mo na kamusta kana,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan nalaman ko na may iba kana,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan umasa ako na magkakahiwalay kayo,
simulan natin sa pngalawa kung saan tinanggap ko na wala nang tayo,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan umasa ako kahit malabo na,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan hinahanap parin kita,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan tutuparin ko mga pangako ko sayo,
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan magaantay parin ako sayo.
simulan ulit natin sa pangalawa kung saan magiging masaya ako sa pagaantay sayo,
mahaba na ata ang naisulat patunay na mahal parin kita sabi nga ng **** ko sa wika hindi marunong mag sulat ang taong walang pakiaalam pero eto ako ngayon nagsusulat patukoy sayo...pero eto na ata ang huling gawa pero sana makagawa parin ako ng tula patukoy sayo kapag nag kita tayo pero sana...
kahit sandali lang kahit masabi mo lang kung gaano parin kita kamahal...
sana...
mahaba na ata naisulat ko pero sana maunawaan mo...
patuloy parin ang nararamdaman ko sayo...
kaya san malaman mo...
sana...
iniibig kita.
12/10/22
Dec 22, 2023
Dec 22, 2023 at 7:05 AM UTC
Sa ilalim ng liwanag ng buwan,
Ang ganda mo'y tila bituin sa kalangitan.
Sa mata'y kumikislap ang kaharian,
Ng iyong ganda, tila'y walang hanggan.
Sa iyong ngiti, araw ay sumisiklab,
Parang rosas, sa ganda'y napapaamo.
Sa bawat galaw, sadyang kahanga-hanga,
Ikaw ang sinisinta, sa puso'y nagmumula.
Sa mata mo'y nakikita ang kaluluwa,
Ang taglay **** ganda, kayamanan ng Diyos.
Sa bawat galang, sa pagiging huwaran,
Ikaw ang Reyna, ng aking puso'y tahanan.
Dec 15, 2023
Dec 15, 2023 at 10:49 AM UTC