Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Itinatanong mo ba? kung - bakit sila naroon? Kung saan ang abang talahib at hamak na kogon ay malago at mapait ang katas ng dantaong tubó, sa halip na tamis na nalasap sa kumupas na ala-ala ng ating malayang kamusmusan - yapak na gumagaod sa mga pilapil at luntiang parang. Payapa ay mapagkunwari. Napako noon at napakong muli ang mga pangako ng mga talang mithi sa langit na lalong naging matayog. Kalawangin na ang mga tanikala at matinik na alambreng bakod - Bakod ay naging mataas na pader: Kulungan ng mga pangarap Kasagutang hindi maapuhap Walang pag-asang matanaw Sa kapatagang maaliwalas. Nakakapagpalaya ang pagtatanong kung hahantong sa tawag ng pagsulong . . . Itinatanong mo nga ba? kung - bakit sila naroon? A, huwag na sa akin, huwag na ako na di rin mapagtanto kung bakit narito pa rin ako . . .
0
Apr 23
Apr 23, 2026 at 9:54 AM UTC
Bakit sila naroon?

Bakit sila naroon? = Why are they there?
JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
Apr 23
Apr 23, 2026 at 9:54 AM UTC
Request permission to use this poem