Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Tinitingala mo na ngayon ang bangkang nasa laot ng kalangitan. Kahit sa panahon ng patintero, salawal at polong gusot, matiyaga **** inusal, sa rosaryo’y nakatuon ang mga kumpol ng misteryong sinambot - tuwa, luwalhati, ningning ng **** at hapis, o hapis, pagdurusang sinaklot, krus-krusang hindi isinangkot Akong dati’y nananalanging nakapikit, tiklop-tuhod, nakayuko, buhos ang loob: Ngayon ay bukas ang matang naakit sa liwanag namulat, sa sansinukob Aanhin ang mahabang panungkit? Bunga ng dunong ay kusang nahulog Bawat isa’y tinawid ang ibang ilog Bawat isa’y may pusong sumabog!
0
Mar 20
Mar 20, 2026 at 7:59 AM UTC
Bangka-bangka't krus-krusan sa langit

JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
Mar 20
Mar 20, 2026 at 7:59 AM UTC
Request permission to use this poem