May damdamin sa puso ko na hindi ko masabi,
Mga salitang sa labi ko’y ayaw lumabas lagi,
Tahimik akong lumalaban sa bawat sandali,
Ang isip ko’y pagod na at gusto kong magpahinga saglit.
Sigaw ng isip ko: “Maglaho ka na lang bigla,
Tapusin ang sakit, ang lungkot na dala,”
Ngunit sagot ng puso ko’y may kaba
“Paano na siya kung ikaw ay mawala?”
Sa gitna ng dilim ako’y nalilito,
Kung susundin ko ba ang isip na sugatan at hilo,
O pakikinggan ang pusong ayaw sumuko,
Dahil may isang taong sa akin ay umaasa pa rin nang totoo.
Pagod na akong itago ang aking hinagpis,
Ngunit tuwing siya’y ngumiti, sakit ko’y napapalis,
Kahit mabigat ang mundong aking pasan at tiniis,
Isang yakap niya lang, parang kaya ko pang magtiis.
Kaya kahit minsan nais kong maglaho,
At takasan ang pusong laging talo,
Iniisip ko siya at ako’y napapahinto
Dahil paano nga naman siya kung ako’y tuluyang maglaho?
Sa ngayon man ay hindi ko pa maihayag,
Ang damdaming sa dibdib ko’y nakalagak,
Mananatili ako, kahit mahirap at masalimuot ang landas,
Dahil may isang “siya” na dahilan kung bakit ako’y kumakapit pa rin sa bukas.
Mar 14
Mar 14, 2026 at 11:47 PM UTC